Chapter 25

24.8K 410 18
                                    

Chapter 25

Sebastian POV

"Kanina ka pang wala sa sarili mo ah." Wika ko kay Lean, kanina pa niyang pinaglalaruan ang pagkain niya at hindi pa siya sumusubo.

"May nangyari ba?" Cyan countered. Nagkatinginan kaming dalawa, sa tagal ng samahan naming tatlo, kilalang kilala na namin si Lean. Alam namin kung may naglalaro ba sa isipan niya at alam rin namin na iisa lang ang taong may ganyang epekto sa kanya. Gian.

Alam kong nagbubulag bulagan lang si Lean, alam naman namin ni Cyan na mahal niya si Gian at siguro naguluhan lang siya sa isyu ni Vian. Matagal ko nang alam noon na nagpapanggap lang si Gian bilang Vian... I tried to find ways to tell Lean but words alone-she'll think it is a lie-kaya naman naghanda ako ng proof. The video tape which I gave Cyan.

"Ah, napagod lang ako." She forced a smile, liar.

"Kung may problema ka andito lang kami ni Cyan." I assured her, she gave me a sly nod and proceeded to playing with her food. Clearly, something had happened.

Tumingin ako kay Cyan, I know he gets my gaze.

Find out what happened to Lean.

***

Lean POV

Alam kong napapansin na nina Sebby at Cyan that I'm acting weird, matapos naming kumain sa cafeteria ng kompanya ko ay bumalik rin kami sa opisina ko, tinapos ko nang i-sort ang files sa table ko bago ko napagdesisyunan na magpahinga muna.

Hindi na tumutol pa sina Cyan at Sebby, hinayaan lang nila ako na umuwi sa apartment ko. Nagulat ako dahil sa nadatnan ko sa entrance ng apartment ko, it was Kim. Standing there in front of the door of my apartment.

"Ano ang kailangan mo?" Malamig na tanong ko sa babaeng nasa harap ko.

Tumingin siya sa akin noong napansin ang presensya ko, tumaas ang isang kilay niya. "I just came to warn you, layuan mo si Gian."

"Paano kung ayaw ko?"

She laughed. "Of course, ano pa ba ang ine-expect ko sa isang Adé Lean Cassiopea na walang ibang ginawa kundi ang sirain ang buhay ko?" Tumingin siya sa akin ng seryoso, "akin lang si Gian."

"Edi sa 'yo. Ano naman sa akin?" Tumaas ang isang kilay ko, "don't tell me you are threatened to me?" I smiled, "natatakot ka ba na agawin ko si Gian?" She stiffened, so here I am, hitting the jackpot. "Oh, she's afraid." I mocked.

Akmang sasampalin niya ako pero napigilan ko siya, sinampal ko siya, the sensation of my palm as it hit her cheek was painfully sweet, damn I wanted to slap her once again but I refrained myself, "isaksak mo sa baga mo si Gian, wala akong pake sa kanya at mas lalo akong walang pake sa 'yo. Now please, would you mind? You're blocking my way." Tinulak ko siya at binuksan ko ang apartment ko.

"Lean, siguro ngayon, nasa 'yo ang huling halakhak. Pero hindi kita tatantanan hangga't hindi nasisira ang buhay mo. I will take everything you have." Determinadong banta ni Kim sa akin at naglakad na siya paalis.

"Bitch." Bulong ko at pumasok na sa apartment ko.

***

Kim POV

Ghad! My nails are itching to dig it to the skin of Lean, ang sarap niyang kalbuhin! Akala niya hahayaan ko lang siya na magreyna-reynahan sa buhay ko? Nagkakamali siya.

Naglakad na ako, "Ma'am, you're banned out of this company." Pagtigil sa akin ng gwardya.

Tumaas ang isang kilay ko. "I just want to have a talk with Gian..."

"Ma'am, hindi po pwede. Masisisante po ako kapag pinapasok kita sa loob." Pagtigil ng gwardya sa akin, kumulo na ang dugo ko at tinulak ko ang gwardya.

"Hindi ka ba nakakaintindi?! Ang sabi ko gusto ko lang makausap ang boss mo! Tanga ka ba?!" Pinagtaasan ko na ng boses ang gwardya.

"Tch, bakit ka nanggugulo?" Tumingin ako sa lalakeng lumabas ng kompanya, si Gian.

I composed myself and started my drama, "Gian... please forgive me!"

Tumaas ang isang kilay niya, "are you out of your mind?!"

Am I?

***

Lean POV

Humiga ako sa kama, naalala ko ang usapan namin kanina ni Gian. Masyado na ba akong tumambay sa nakaraan? Siguro dahil sa galit hindi ko namalayan ang mga ginagawa ko.

Tama nga ba na maghiganti ako? Will I ever be happy once I get my revenge? Clearly, I am confused. Ni hindi ko na nga rin kilala ang sarili ko. Ano ba ang nangyari? How did I ended up here?

Pinikit ko ang aking mga mata, kinuha ko ang cellphone ko at hindi namalayan na tinatawagan ko na pala ang pamilya ko.

"Hello?" Sache answered.

Lumunok ako, "S-Sache... sina Mama? Papa?" I asked.

Halata ang gulat dahil sa ingay na pinakawalan ng kapatid ko. "Ate?! Napatawag ka. Sina Mama at Papa nasa backyard..."

I smiled, "bibisita ako dyan sa mansion, bukas..."

"Seryoso?!"

I smiled. "Yep."

"Yes! Sige Ate sasabihin ko ito kina Mommy at Daddy."

~*~

How many years had it been since I came here? Parang walang pinagbago ang mansion ni Dad at Mom. Pinagbuksan ako ng gwardya ng gate at pumasok naman na ako with my car.

Sa may porch ng mansion ay nakita ko sina Mama at Papa doon, halatang hinintay ang pagdating ko. Noong nakalabas na ako sa kotse ko ay binati ako ni Mama at niyakap, tears escaping her eyes. "My unica hija, I missed my daughter." She cried.

Tumingin ako kay Papa, "mabuti naman at napagdesisyunan mong bumisita." Naglakad kami papuntang garden, I saw Sache in the veranda of his room, kumaway siya sa akin.

Everything on this place just feels like home, ilang taon na ba matapos kong iwan ang pamilya ko?

"Anak, siguro huli na pero... patawarin mo kami..." Mom blurted out. "I know this is not the good time to spoil the fun but at least you have to know..."

I heaved a heavy sigh, "bakit niyo hinayaan si Gian na magpanggap?"

"Because you are too young to be widowed, my child." Saad ni Papa, "and we are afraid that you might come to hurt yourself with the death of your husband. You are too young to feel the pain of losing your husband, Lean. We didn't want you to feel that. We wanted you to be happy."

Tears escaped my eyes. They just wanted me to be happy... and here I am, doing my revenge.

"We are sorry." Dad cried and he pulled me for a hug.

***

Vengeful PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon