Chapter 18

27.9K 567 30
                                    

There will be changes in POINT OF VIEW from here onwards, don't worry, you will all be guided to avoid getting dizzy. Don't forget to vote and comment. ;)

Chapter 18

Lean POV

Sa buhay, natutunan ko ang lumaban. Sa mga luhang iniyak ko, sa mga kasakitan na naramdaman ko, sa lahat ng dinanas at tinanggap ko... isa lang ang alam ko; naging malakas ako.

Mag-isa man ako, marami naman akong naging kakampi. Tatlong taon na at ngayon na ang oras upang ipakita ko sa mga tao-lalo na sa mga umapi sa akin-ang bunga ng lahat ng pinagdaanan ko sa mga tatlong taon na ito.

"Ang daming may gusto na humawak ng shares ah at maging kakampi ng kompanya mo." Sebby commented habang ini-scan ko ang mga papel na nasa lamesa, pumasok sa silid si Cyan na may hawak ng kinagatan niyang mansanas at tumango sa akin.

"I will simply ignore them." Sagot ko naman, "they are trash. I don't need trashes."

"Whoa, chill lang, Lean." Pagtawa ni Cyan sabay kagat sa mansanas na nasa kamay, "I heard na palubog na raw sa utang ang kompanya ng asawa mo dahil sa mistress niya."

"He is not my husband." Malamig na sagot ko, "and for all I care, wala akong pake sa kompanya niya miski sa mistress niyang walang ibang ginawa kundi maglabas ng pera."

"Hahaha! Wala raw pake pero alam na alam." Sebby sneered.

Biglang pumasok ang sekretarya ko at may envelop na binigay sa akin, "what's that?" Takang tanong ni Cyan sabay turo sa envelop na hawak ko.

I shrugged, "an invitation for a charity party..."

"From?"

Binasa ko kung saan galing ang imbitasyon at ngumisi, "Fuentelord Company, si Vian ay ang isa sa mga sponsor ng party."

Nanlaki ang mga mata ng dalawang lalake na nasa harap ko at nagkatinginan, "mukhang napansin ka rin sa wakas ni Gian, oh, will the mysterious owner of ALC Company finally show herself to the public or will she remain invisible?"

Ngumiti ako ng matamis, "I will finally make my debut, oras na para malaman ng mga tao kung sino talaga ang may-ari ng sikat na kompanyang ito. Oras na rin para malaman ng magaling kong Vian that I'm finally back for my unfinished business and he made a wrong move giving an invitation to this mysterious woman."

Umiling si Cyan, "sounds evil."

"Wicked." Sebby commented, "kawawa naman ang pinsan ko, looks like this is a movie not to miss, good thing the tickets are not yet sold out."

***

Kim POV

"I want those jewelries!" Hiyaw ko sabay turo sa naka-display na necklace, tumingin ako kay Gian na parang walang interest sa tinuturo ko.

"Wala kang ibang ginawa kundi ang maglabas ng pera, Kim!" Tinignan niya ako ng masama, "malulubog sa utang ang negosyo ko dahil sa 'yo eh."

I pouted. "Don't worry, makakaahon rin tayo. Once we finally take the side of the mysterious woman who owns ALC Company, mababayaran rin natin ang ating utang." I smiled sweetly, "I want the necklace!"

Plano ko na kaibiganin ang owner ng ALC Company kaya namin siya inimbitahan para sa charity party, the money will really not go to the orphanage, aba! Pinaghirapan ko ang pera, sa akin 'yon hahantong! I will not let anybody touch my money or steal it from me, it is mine. With the owner of ALC Company on our side, tiyak babangon muli ang kompanya ni Gian and I will have more money!

Gian sighed in defeat. "Kim, I don't really know if your plan will work out." Ang plano ko lang naman ay ang magpapirma ng kontrata sa owner ng ALC Company to have her give half a billion pesos as capital share to our project, of course, that is just a façade dahil ang perang 'yon ay mapupunta sa akin, sa akin lang. All we need is to have her sign the papers, walang nakakaalam kung sino o ano ang itsura ng owner ng ALC Company, hindi ko alam ang trip ng may-ari, pa-mysterious masyado!

But it's a good thing she confirmed she will be attending the charity party that Gian organized, poor little boy, akala niya sa mga batang orphan mapupunta ang pera pero sa akin naman. Oo, walang kaalam alam si Gian sa mga plano ko. He's the perfect man to my plan, masyado siyang tanga para mapansin ang mga ginagawa ko sa likod niya.

Natapilok ako at kamuntikan nang nawalan ng balanse nang may bumangga sa akin na babae. "Hoy! Tignan mo ang dinadaanan mo!" Pagtataray ko sa babae, napatigil ako noong maaninag ko ang mukha ng babae at napasinghap.

***

Lean POV

"L-Lean?!" Parang nakakita ng multo na tawag ni Kim sa akin, sa likod niya ay si Gian na naglalakad, noong napansin rin niya ang presensya ko ay napatigil siya at titig. Hays. Sana siguro hindi muna ako lumabas para gumala.

I sighed. I was planning to reveal myself sa charity party at give myself a grand entrance pero mukhang hindi ako pinayagan ng tadhana, bakit sa lahat ng pwedeng lugar dito pa kami sa may labas ng mga shop nagkabungguan?

Nagbuntong hininga ako noong naisip ko na hindi pala nila kilala ang owner ng ALC Company so maybe I can give them a surprise sa charity party. Ngumisi ako kay Kim, "oh, what a coincidence to meet you here, Kim." Sarkastik na bati ko sa kanya.

Tumaas ang isang kilay niya sa akin, "oo nga eh, biglang nasira ang araw ko."

Tumawa ako, "lagi namang sira ang araw mo eh, parang mukha mo lang." I gave her my sweetest smile, "ano ang ginagawa mo dito sa kalye? Nagising ka na ba sa katotohanan at napagtanto na dito ka nabibilang?" I said, implying she's a beggar and a gold digger -which she already is, matagal na.

Kumuyom ang kamao ni Kim, "bitch!"

"Oh yes, you look like a female dog. Mabuti naman at alam mo at tanggap mo." Tumawa ako.

"Lean..."

Tumingin ako sa lalakeng biglang tumawag ng pangalan ko, "hello, Gian." I smiled sweetly at him. Biglang nag-ring ang phone ko at kinapa ko naman ito sa sling bag ko. "Hello?"

"Asan ka?! Kailangan ka sa conference meeting, ngayon na! This is urgent!" Cyan said.

"Oo na, andyan na. May nabangga lang ako na poste. Ok? Chill lang." Saad ko at tinapos na ang tawag, tumingin ako sa dalawang nasa harap ko at nagbuntong hininga, "as much as I want to enjoy this reunion, I can't. I have errands to run. See you at the charity party na lang, ok? Bye!"

"Hindi ka nababagay sa charity party namin! Don't dare to even go to our party kung ayaw mo ang mapahiya! Wala kang invitation!" Sigaw ni Kim sa akin.

Liningon ko siya at ngumisi, "are you sure about that?" I mocked bago rumampa paalis, leaving her with jaws dropped.

***

Vengeful PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon