Chapter 17

26.1K 534 41
                                    

Chapter 17

Vian-Gian's jaws dropped, parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. "Hindi ba't iyon naman talaga ang pinakagusto mo? Ang maghiwalay tayo? Now I want it, gusto kong maghiwalay tayo." Paliwanag ko sa kanya.

He laughed. "This is certainly a bad joke."

"Hindi ako nagbibiro. Seryoso ako, Gian."

Tumigil siya at tumingin sa akin, "what did you just call me?" Halata ang pag-aalinlangan sa kanyang kilos, that just confirms it. I'm so done with all those pretentious things, I will give him a credit for pretending at napaniwala niya ako na siya talaga si Vian when all this time, Vian was dead.

"Gian. Hindi ba't ikaw naman si Gian?" Hindi ko alam pero biglang nagsilabasan ang mga luha ko na kanina ko pang pinipigilan, "I had enough with your lies, Gian. Namulat na rin ang mata ko sa katotohanan, bakit ka nagpanggap? To have your revenge? Kasi pinili ko ang kambal mo kesa sa 'yo?" Hindi ko alam ang pinagsasabi ko, I'm just mad and I want to take it all out-I can't contain this anger anymore, parang sasabog ako kung hindi ko ito mailalabas.

"L-Lean... it's not what you thin-" tulad ng hinala ko, tama nga naman. I thought he would laugh it out and deny but he didn't, instead, he tried to explain which confirms it more.

"You succeed, Gian. Nasira mo ang buhay ko. Hindi ko alam na magagawa mo pala ito sa akin, are you even a human? May pakiramdam ka ba?!" Sigaw ko sa kanya, "tiniis ko lahat ng kasakitan na binigay mo sa akin, Gian! All because akala ko ikaw si Vian and everything will be alright, I believed I could bring my husband back... but there's no husband to bring back when he's already dead."

"I'm sorr-"

"Walang magagawa ang sorry mo, nangyari na, wala na tayong magagawa." Pagputol ko sa kanya, I wiped my tears and tried to stop them but failed, "paano mo maatim na saktan ako at magpanggap na ikaw ang asawa ko? Paano mo ako nagawang saktan ng ganito? Ano ba ang ginawa ko sa 'yo, Gian?!"

"Mas pinili mo ang kambal ko kesa sa akin! Ano ba ang meron kay Vian na hindi mo makita sa akin?!" Sigaw ni Gian, anger was visible in his voice, tinignan niya ako, his eyes suddenly softened, "bakit lagi na lang si Vian ang pinipili mo?" His voice softened as he asked those questions.

Kumuyom ang kamao ko, "because you will never be Vian! You will never be the man I loved!"

He laughed, "oo, siguro tama ka, I can never be the man you loved, kaya pumayag ako na magpanggap. Pero nasasaktan ako, Lean. Sa tuwing tinatawag mo akong Vian, sa tuwing sinasabi mong I love you, Vian sa akin, nasasaktan ako. Sa tuwing tinatawag mo akong Vian unti-unti akong namamatay kaya nasasaktan kita. Vian, Vian, Vian! Kelan magiging Gian?! Kasi patay na ang kapatid ko pero siya pa rin ang bukam-bibig mo! Why can't you see me? Bakit si Vian na lang lagi?!"

Napaurong ako, at siya pa ang may ganang magalit? Matapos siyang magpanggap? Matapos niya akong paikutin at paniwalain sa mga kasinungalingan niya?!

"Pare-parehas kayong mga manloloko! Parehas kayong sinungaling! Ngayon ay nagtagumpay ka na, sirang sira na ako, Gian, masaya ka na ba? Masaya ka na ba dahil sa wakas nasira mo rin ang buhay ko?" Tumawa ako kahit na halatang pilit lang, "sa sobrang pagkasira hindi ko alam kung maaayos ko pa ba ang buhay ko, I will give you credits to that, husband." Tumawa ulit ako, this time, it sounded like a faked grimace.

Naglakad palapit si Gian sa akin.

"Huwag mo akong lalapitan!" Sigaw ko sa kanya, "we are so done. I have no more reasons to stay with you after I've finally known your true colors." Saad ko sa kanya.

Yumuko si Gian...

"Masaya ka na bang makita akong miserable?" Tanong ko kay Gian, "you made my life miserable, you ruined my life, Gian. I hope you're happy now."

"Lean-"

"Please, stop calling me by my name! All I want is for us to have a divorce now! Wait... there's no need for a divorce, hindi naman ikaw ang asawa ko. Matagal nang patay ang asawa ko." Nagsimula akong maglakad.

"I will take my leave. Pero babalik ako, at sa pagbabalik ko, humanda ka, Mr. Adrell Gian Fuentelord. I will have the wife's revenge."

***

Vengeful PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon