Chapter 11: Faded Memories (Ang Kumukupas na mga Alaala)

Beginne am Anfang
                                    

"Ahaha. Salamat po..."

"Parang ako na ang iyong ama Dylan. Natatandaan mo ba ang sinabi ko sa'yo noon? Kahit na ano man ang mangyari ay poprotektahan kita. Iyon din ang pangako ko sa iyong ama," wika niya. Natahimik na lamang si Dylan at ngumiti.

"Paano mo poprotektahan ang taong dapat na hinuhuli mo, inspektor?" wika ni Dylan sa kanyang sarili.

"May point ka...hmm..." bulong naman ng lalaki na nagmamasid at nakasuot ng top hat. Sa pagkakataong iyon ay hawak na niya ang isang mansanas na kakakuha pa lamang niya sa tray ng waiter na nagdaan. Kumagat muna siya dito bago muling sumunod sa binata.

_____________________________

"...para sa mga susunod nating bidders, ngayon na namin ipapakita ang mga items na isusubasta maya-maya lamang," wika ng announcer ng malaking subastahan na nagaganap. Muli namang umupo si Dylan sa kanyang puwesto. Sa kanyang kaliwa ay ang matandang butler at sa kanyang kanan naman umupo ang inspektor. Tila hindi pa rin ito mapakali, si Dylan naman ay nanahimik lamang habang nakikiramdam. Mula sa malayo ay tiningnan niya ang panauhing pandangal ng gabing iyon na si Dr. Levine Klein. Ngumiti siya ng saglit at iniiwas ang kanyang tingin.

Isang maikling patalastas ang sumunod na ipinalabas sa entablado. Ang mga patalastas na mula sa MEMO. Isang imahe ng babae na gawa sa hologram ang lumabas sa gitna ng entablado. Agad namang nanahimik ang mga tao habang pinagmamasdan ang paglalakad ng babaeng iyon. Nakatitig lamang sila sa babae nan naglalakad palayo sa kanila. Ilang mga letra pa at mga numero na nagpapakita ng mga detalye ng taon ang lumabas mula sa hologram imaging at ipinakita ang kabuuan ng litrato.

'MEMO: Preparing for your future.'

Hinubad niya ang kanyang damit at sombrero at ipinakita ang memory gene na nakakabit sa likurang parte ng kanyang ulo. Agad namang nagpalakpakan ang mga tao. Pumalakpak din si Dylan ngunit sa sarkastiko at mabagal na paraan. Naningkit naman ang inspektor habang pinagmamasdan ang pagpalakpak ng binata.

"Ano ang masasabi mo sa memory gene?" tanong niya. Ngumiti naman si Dylan at inilagay ang tungkod sa kanyang harapan para itukod ang kanyang nangangawit na mga kamay.

"Ang lahat ng maling bagay na ginawa ng tao ay may kaukulang parusa..." iyon ang sabi niya. Bigla namang napatingin sa mga mata ni Dylan ang inspektor.

"Iyon ang sabi ni lolo..." dagdag naman ng binata.Sa pagkakataong iyon ay medyo nakahinga ng maluwag si Inspector Vega.

"Naniniwala ka?"

"Hindi," tugon ni Dylan. Halos ilang segundo ding naghintay ang inspektor sa muli nitong pagsagot.

"Mas naniniwala ako sa dahilan ng mga taong gumagawa ng mali," dugtong nito.Napayuko naman ang inspektor. Tila kumunot ang noo nito habang iniisip at tila pinagdudugtong-dugtong ang mga ebidensya na unti-unti niyang nabubuo.

"Tingin mo inspektor...bakit ba gumagawa ng krimen ang mga bid?" tanong ng binata. Muli namang napukaw ang atensyon ni Inspector Vega sa kanya. Tahimik naman si Brigand habang nakikinig sa usapan ng dalawa.

"Dahil nagugutom sila?" tanong ni Inspector Vega.

"Tama...nagugutom sila. Pero kahit ano pa man ang gawin nila, sa mga mata mo...kriminal pa rin sila. Tama ba?" tanong ng binata.Napalunok naman ng kaunting laway ang inspektor. Tila tinamaan siya sa sinabi ng binata.

"Pero trabaho mo ang hulihin sila...kahit na alam mong mabigat ang dahilan kung bakit sila nagnanakaw," dugtong ni Dylan. Napakurap na lamang ng ilang beses ang inspektor at tumingin sa mukha ng binata. Nakangiti lamang si Dylan habang nakaharap sa malaking entablado.

"T-tama ka..." bulong na lamang nito.

"Master...nagsisimula na po ang pagsubasta ng mga libro," putol naman ng matandang butler na si Brigand. Tumango lamang si Dylan at inabot mula sa kanyang butler ang hologram tablet.

Project: Black Out (Philippines: Year 2300 Prequel) #Wattys2016 #TrailblazersWo Geschichten leben. Entdecke jetzt