Nanlalabo ang paningin ko. At habang pinapanood niya akong ganoon ay nakatahimik lang siya, pinakikinggan ako. Punong puno ng kaguluhan ang kanyang mga mata ngunit hindi siya nagsalita upang magtanong.

"Gusto ko lang maging kaibigan mo..." kumunot ang noo ko sa sinabi kong iyon. "I want you to see me as your friend. Gusto kong maging panatag ka sa akin. Gusto kong pagkatiwalaan mo ako. I don't want you to think that I am only here because I want you," diniin ko ang mga salita. "Alam kong hindi iyon ang iniisip mo dahil wala ka rito kung may pagdududa ka sa akin. I am not here to harm you, Zandra. I am your friend. Pero kulang pa," hirap kong utas. "Nakukulangan pa ako. Hindi pa sapat na sinabi mong magkaibigan na tayo. Hindi iyon ang nararamdaman ko..."

Dinala ko ang dalawa kong palad sa aking mukha. Marahas kong pinunasan ang lahat ng frustrations na nakapaskil doon. Naglabas ako ng masamang hangin mula sa aking katawan hanggang sa hinarap ko ulit siya.

"Sabihin mo sa akin kung anong problema... Anong problema mo, Zandra?" punong puno ng pagsusumamo ang boses ko.

Tiningnan niya ako na para akong baliw na nakikiusap sa kanyang harapan. Bumaba ang tingin niya at bumalik uli sa mga mata ko. Hindi ko alam kung anong iniisip niya ngayon. Hindi ko alam kung magsasalita na ba siya at sasagutin ang tanong ko.

"If I am your friend, then you'll talk to me... Sasabihin mo ang mga problema. Marami akong napapansin, Zandra. Nakikita ko sa mga mata mo na may tinatago ka sa akin..."

Pinutol niya ako. "Wala kang karapatang alamin iyon," matibay niyang utas.

"Pero magkaibigan tayo..."

"It's not enough..." umalon ang boses niya nang sabihin iyon. Tila hindi rin siya sigurado sa kanyang sinabi.

"Sino 'yong tatlong lalaki?" Sa tanong kong iyon ay nanlaki ang mga mata niya.

Nawala ang kaluluwa roon. Kahit na nababahala ako sa reaksyon niya ay nagpatuloy ako.

"Bakit ka nila sinusundan? Bakit ka nila gustong makita? And why are you so scared of them? Bakit kailangan mong umiwas at magtago sa kanila?" sunod sunod ang mga tanong ko. At hindi pa iyon ang lahat. "Who's the guy who touched you at the bar? Bakit mo siya kasama kung ayaw mo pa lang makipagsayaw o magpahawak sa kanya? Why were you even at the bar in the first place?"

"Tama na..." bulong niya.

Maraming pumapaikot ikot na mga salita sa utak ko at isa isa iyon nilalabas ng bibig ko.

"Bakit galit na galit ka sa akin noon? Tinulungan kita pero parang muhing muhi ka sa akin. You can't even look at me in the eye when I was trying to talk to you. You were shaking. You looked so terrified that time, Zandra. Takot na takot ang mukha mo na parang ako ang nanakit sa'yo," sa huling salita ay tumaas ang boses ko.

"Tama na... Stop this, Andrew," pakiusap niya nang hindi makatingin sa akin. Hinaplos niya ang magkabilang braso niya.

"Ngayon, bakit ganyan ka ngayon? Nanginginig ka na naman? Ano? Takot ka na naman? Bakit? Bakit natatakot ka? Tangina, Zandra, sagutin mo ang mga tanong ko kasi gulong gulo na ako pero gustong gusto pa rin kitang tulungan! Gusto kong kamuhian ang mga dahilan kung bakit ka nagkakaganyan—"

"Tama na!" pumiyok ang kanyang boses at bumuhos ang mga luha niya.

Ngunit hindi ako tumigil.

"What happened? Sa nakaraan mo, may nangyari ba? Hindi mo lang alam pero napapansin ko kada iiwas kang pag-usapan iyon. There was always a wall between you and your past! Na parang ayaw mo itong papasukin sa sarili mo."

Nanghihina niyang nabitawan ang mga hinahaplos na braso at bumagsak ang dalawang kamay niya. Umatras siya palayo sa akin.

"Tama na! Ayoko na!" humagulgol siya sa pag-iyak. Patuloy ang pag-atras niya na parang lumalayo sa kinatatakutan niya. Ang dalawang kamay ay nakatakip sa tainga niya.

TaintedOnde histórias criam vida. Descubra agora