"Ahh. A-Ayos lang naman po."

"Halika, sumabay ka na sa akin dito mag-almusal. Sige na, maupo ka na diyan."

Nakita ko sa lamesa ang adobong niluluto kanina. Hindi ko talaga gusto ang amoy. Ayaw kong ipahalata iyon sa kanila kaya kumuha na lang ako ng baso at nilagyan ko ng juice.

Nakuha naman ang atensyon ko ng tinapay na nasa harapan ko. Nag-crave ako bigla. Hindi ko na pinansin ang ibang mga pagkain sa lamesa. Kumuha lang ako ng tinapay sabay nilagyan ko ng catsup para palaman at sinawsaw ko sa juice. Gosh! Ang sarap! Tinuluy-tuloy ko lang ang pagkain.

Napahinto ako nang mapansin kong pinapanood lang ako ni Manang at ni Mr. Valencia. Hindi ko maipinta ang mga mukha nila. Bakit kaya?

"Hindi ko alam na hilig mo 'yan." Sabi ni Mr. Valencia na alanganin din ang ngiti.

Ngumiti lang ako. Sa totoo lang, ngayon ko lang din ito ginawa. Nag-crave lang ako. Ewan... basta natakam ako nang makita ko ang tinapay, catsup at juice. Pero masarap siya! As in...

"Hi, Dad. Hi, Sherlyn!" Sabay-sabay naman kaming napalingon.

Sina Nichole at Paul. Mukhang may lakad sila. Nasaktan ako nang makita kong nakapulupot ang dalawang kamay ni Nichole sa kaliwang braso ni Paul. Nakita kong nakatingin lang sa akin si Paul.

"Dad, alis muna kami ni Paul." Paalam ni Nichole.

"Miss Nichole, kailangan niyo ho ng magdradrive?" Tanong ko sa kanya.

"No need na, Sherlyn. Ako na lang ang magmamaneho. See you later, everyone."

At umalis na nga sila. Malungkot ko na lang silang sinundan ng tingin.

"Ganoon talaga ang dalawang iyon. Kapag umuuwi itong sina Anton dito, hindi pwedeng walang araw na hindi maipapasyal ni Paul si Nichole." Nakangiting sabi ni Manang Pilar.

Pilit na lang rin akong ngumiti.

Hindi ako mapakali habang nasa kwarto. Ayaw ko rin namang lumabas dito dahil baka magkita lang kami sa labas ni Mr. Valencia. Pupunta na lang siguro ako sa doctor.  Ilang araw ko na rin kasi nararanasan ang pagkahilo. Baka may problema na sa katawan ko. Tama. Magpapatingin na lang ako para makaalis din ako rito sa bahay ngayon.

Nagpacheck-up nga ako. Tinanong muna ako ng doctor ng kung anu-ano. Sinabi ko lang din kung anu-ano ba ang mga nararamdaman ko lately. Tumango lang siya at pinakuha ako ng iba't ibang test.

Sa office ng doctor ako pinaghintay. After couple of minutes sa paghihintay ng result, bumalik na siya ulit at umupo sa harap ko.

"Well I guess Miss Arpiza, normal lang para sa'yo ngayon ang mga nararamdaman mo."

Kumunot naman ang noo ko.

"Ano pong ibig niyong sabihin, Doc?"

"It is normal to lose your appetite and have a heightened sense of smell and nausea. In your state, you are just suffering from morning sickness. Normal lang din ang mga changes na napapansin mo sa sarili mo."

"M-Morning sickness? Y-You mean Doc, I'm..."

"Yes, Miss Arpiza. Congratulations! You are soon-to-be mommy... you're pregnant."

Halos manlamig ako sa narinig ko. Ano ba ang dapat kong maramdaman? Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiiyak sa balitang narinig ko. Posible nga namang mabuntis ako. Hindi naman kami gumamit ng proteksyon ni Paul noong may mangyari sa amin. Kung anu-ano pang sinasabi sa akin ng doctor pero hindi na iyon pumapasok pa sa utak ko.

Ano na ang gagawin ko?

Sa ngayon, isa lang ang naiisip ko.

Kailangan...

Kailangan...

Kailangan kong...



Kailangan kong kausapin si Paul.

Wala ako sa sariling naglalakad papasok sa subdivision, ni hindi ko na nga rin napansin ang nag-aalalang tanong ni Manong Guard. Tuluy-tuloy akong pumasok sa loob ng mansyon. Hinanap ko si Paul pero hindi ko siya makita. Alam kong nandito na sila dahil nasa labas na ang sasakyan.

Hanggang sa marating ko ang opisina niya.

Ang lugar kung saan ko siya unang nakita. Ang lugar kung saan ko nakita ang lalaking bumago sa buhay at pananaw ko, pero halos mapako ako nang makita ko siya sa loob... sila sa loob.

Paul is sitting on his swivel chair while Nichole is on his lap. Para akong dinudurog. Alam kong wala akong karapatang masaktan kasi ako ang pumili na mapunta sa kinalalagyan ko dahil sa pagmamahal ko sa kanya. Kasi ako ang pumiling umasa. Kasi ako ang pumiling maniwala na hintayin siya. At ako ang tangang nag-akala na ako ang mas mahal niya. Ang sakit. Ang sakit-sakit pala.

Umiwas ako ng tingin nang makita kong inilapit ni Nichole ang mukha niya para halikan si Paul. Hindi ko na kayang makita. Tama ng sampal sa akin kung ano nga ba ako sa relasyon nila ni Nichole. Tuluy-tuloy lang ang pag-agos ng mga luha sa mata ko. Tumakbo ako ulit palabas ng subdivision.

Sumakay ako ng jeep, ni hindi ko na nagawang tingnan kung saan ba ang ruta nito. Ang kailangan ko lang ay makalayo muna. Nag-uunahan pa rin sa pagtulo ang mga luha sa mata ko na parang mayroon silang paligsahan.

"Miss, okay ka lang?" Iyan ang paulit-ulit na tanong sa akin ng mga pasahero sa jeep.

Bakit nga ba hindi ako okay? Simula pa lang alam ko na kung ano ako rito. Bakit nasasaktan ako ng ganito? Bakit ang sakit-sakit? Kasi kahit anong gawin ko, mahal na mahal ko siya.

Nagulat na lang ako nang biglang pumireno ang sinasakyan kong jeep, kasabay nito ang malakas na sigawan at tilian ng mga kasama kong pasahero.

Ilang saglit lang at naramdaman ko na lang ang pagdagan sa akin ng isang lalaki. Kahit anong bigat niya, pilit ko siyang itinulak palayo sa akin. Biglang sumakit ang tiyan ko kaya napahawak ako rito. Umagos muli ang mga luha ko nang makita ko ang dugo sa kamay ko pati na rin ang nakita ko sa paligid ko.

"Ang baby ko..." Nanghihina kong sambit at huli kong nasabi bago pumikit ang mga mata ko.


--------

A/N:

Hello, Silent Readers! :)

His Personal DriverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon