"Nandito na pala..." Sagot ni Manang.

Ngumiti lang ako sa kanila habang inilalagay ko ang pagkain sa lamesa. Una akong umiwas ng tingin nang makita kong tinititigan lang ako ni Paul. Parang kanina lang sobra-sobra ang saya namin. Ngayon, halos daig ko pa ang nasa horror movie. Paalis na sana ako kaya lang...

"Sherlyn, please have a sit. Samahan mo na kami rito." Nakangiting wika ni Nichole sa akin.

Wala na akong magawa kung hindi ang maupo. Nasa harapan ko sila ni Paul habang nasa gilid ko si Mr. Valencia. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano itatawag ko sa kanya.

"Tell us about yourself. I've heard hindi ka pala taga-Manila. Did you go here to work?"

Bahagya akong napatingin kay Paul na tinanguan ako at napatingin din ako sa tatay ko na nakatingin lang din sa akin habang nakangiti.

"Ahh. Sa Zamboanga ako lumaki. D-Doon din ako nakatapos ng pag-aaral. Licensed Secondary Math Teacher na ako."

Tinanong nila kami ni Paul kung paano namin nakilala ang isa't isa. Kaya kinuwento ko sa kanila kung paano ako nakuha sa trabaho. Nagtawanan sila nang makwento ko noong nakita ko siyang nasiraan sa daan at tinanggap niya na ako sa trabaho.

"Well, that's very Paul..." Natatawang sabi ni Nichole.

"Ano nga pala ang buong pangalan mo, hija?" Sabay kaming napatingin ni Paul sa tanong ni Mr. Valencia.

"S-Sherlyn po. S-Sherlyn A-Arpiza." 

Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya at natigilan siya. Bakit ganoon ang naging reaksyon niya? Kilala niya ba ako? Alam niya bang anak niya ako? Mas lalo na akong naguguluhan. Gusto kong maintindihan ang lahat.

+++

Kinabukasan, maaga akong nagising. Hindi kasi maganda ang pakiramdam ko. Nahihilo na parang masusuka ako na hindi ko maintindihan. Hindi ako nakatulog nang maayos kahit pa pakiramdam ko pagod na pagod ako. Jetlag siguro o dala ng biyahe kahapon, tapos madaling araw na kaming natapos sa pagkukwentuhan.

Hindi lingid sa paningin ko kagabi na panay ang titig sa akin ni Mr. Valencia habang masaya kaming nagkukwentuhan nina Nichole. Sino ba talaga siya? Ano ba talaga ang tinatago nila sa akin ni Mama?

Lumabas ako ng kwarto at pumunta agad sa kusina. Hindi nga ako nagkamali. Naroon na si Manang Pilar at nagluluto. Umupo ako at pinanood lang ang ginagawa niya.

"Manang, ano po 'yang niluluto niyo?"

"Huh? Adobo. Bakit? Ito kasi ang paboritong ulam ng mag-ama."

Adobo ba iyon? Bakit iba ang amoy?

Ang baho! Hindi na lang ako nagsalita dahil ayaw ko namang sabihin iyon kay Manang, pero iba talaga ang amoy. Parang babaliktad ang sikmura ko. Dali-dali akong tumayo at pumunta sa kwarto ko. Diniretso ko agad ang banyo dahil nasusuka talaga ako sa amoy.

Bumalik ako sa kusina at buti na lang hindi na nagluluto si Manang.

"Oh hija, ayos ka lang ba? Namumutla ka yata?"

Laking gulat ko pa nang makita ko ang nagsalita na nakaupo sa harap ng dining table. Si Mr. Valencia. Sa tuwing maririnig ko ang boses niya, parang lulukso ang dibdib ko sa kaba.

His Personal DriverWhere stories live. Discover now