1.1

16.6K 221 4
                                    

More than two years ago...

"BRAVO team, are you ready?" Stone asked in a commanding voice. Kasalukuyan siyang nasa loob ng isang itim na van kasama ang kanyang team, ang alpha team.

"Affirmative, commander," narinig niyang sagot ng lider ng kanilang bravo team.

"Charlie team, what's your ETA?" muling tanong ni Stone sa kanyang earpiece.

"Less than one minute, sir," sagot naman ng lider ng pangatlong team.

"Do we have a medic on standby?" paniniguro ni Stone.

"Affirmative, Stone," sagot ng kanilang tech na si Robbie. Sa kanilang lahat ay ito lang ang naglalakas ng loob na tawagin siyang Stone habang nasa field.

Ang totoo ay hindi naman mahalaga kay Stone kung ano ang itawag sa kanya. Ang importante lang ay sumunod ang mga ito sa kanyang command.

"Ano ang status ng mga cameras?" tanong ni Stone habang inaayos ang itim na maskara sa kanyang ulo at mukha.

"Gumagana ang lahat ng camera na inilagay ng reconnaissance team. But we still need to set up the transmitter, para maging mas mabilis at malinaw ang mga iyon. Maya also managed to activate a roaming bug." Nagpatuloy pa si Robbie sa pagpapaliwanag pero ang isip ni Stone ay abala na sa pagsa-simulate ng mga kaganapan sa misyong iyon.

"Alright, radio silence will commence immediately," wika ni Stone pagkatapos ni Robbie. Kasunod niyon ay natahimik na ang lahat. Tumingin siya sa kanyang relo para masigurong on time ang kanilang misyon. He counted the seconds until it was time for them to move. "Alpha team, we're coming in, in three... two... one. Execute!"

Memoryado na ni Stone ang bawat sulok ng lumang gusaling iyon. Kahit siguro nakapikit ay kayang-kaya niyang makalabas doon mula sa kahit saang parte. Pero hindi iyon ang pangunahin niyang layunin ngayon. Ang misyong ito ay para ma-locate at maitakas ang nag-iisang anak ni General Nepomuceno.

Base sa kanilang impormasyon ay dinukot ang dalagang si Zoe Nepomuceno pagkagaling nito sa isang bar nang nagdaang araw. Isang dating beauty queen at nagmula sa mayamang pamilya ang namayapa nitong ina. Kaya noong una ay inakala ng pamilya nito na kidnap for ransom ang sitwasyon. Ngunit pagkalipas ng mahigit labindawang oras ay nagbago ang lahat nang makatanggap ng blackmail letter ang ama nitong si General Nepomuceno. Isang grupo ng mga rebelde ang dumukot kay Zoe at ginagamit ito ngayon para i-blackmail ang butihing heneral na pakawalan ang isa sa mga lider ng grupo na nasa kamay na ngayon ng militar.

"South entrance is clear," narinig ni Stone na wika ng isa sa mga kasama niya sa alpha team.

"The transmitter is in place," wika naman ng isa pa.

"Good. Now, Robbie, do your magic," utos ni Stone. Agad namang narinig niya ang mabilis na pagpipindot ni Robbie sa keyboard.

"Alright, kumokonekta na ako," maya-maya ay sagot ni Robbie. "Bingo! Natatanggap ko na ng malinaw ang video feeds galing sa mga camera. Stone, there are two hostiles coming your way."

Agad namang humanda si Stone at ang kanyang teammates sa pagsalubong sa mga kalabang binanggit ni Robbie. The two men were dead even before they realized what was happening.

"Robbie, kaya na naming i-handle ang mga 'to. Just work on finding the target."

"Copy that," agad namang sagot ni Robbie.

"The first floor is clear. Bravo team, it's all yours," maya-maya ay anunsiyo ni Stone.

"Copy that, commander," agad na sagot ng lider ng bravo team na siyang tumatayo bilang sweeper nila. Ang ibig sabihin niyon ay ang mga ito ang siyang "maglilinis" sa mga kalabang pinatumba ng alpha team.

Kabilang si Stone sa isang sangay ng militar na tinatawag na Special Tactics and Intelligence Division o STAID. Pero hindi din niya masasabing isa siyang sundalo o alagad ng batas. Hindi kasi sila nag-o-operate na tulad ng ibang mga sangay ng gobyerno.

"Charlie team, are you on the scene already?"

"Affirmative," sagot naman ng lider ng charlie team. Ito ang tumatayong extraction team nila.

"Good, just stand by. Oras na mahanap ni Robbie kung nasaan ang target ay pumunta agad kayo sa rendezvous point at linisin ang paligid." Ang ibig sabihin ni Stone sa salitang "linisin" ay hindi literal na paglilinis. But his team already knew that he meant for them to eliminate all threats.

"Copy, sir."

Nangibabaw ang katahimikan sa mga sumunod na minuto. Pero hindi ibig sabihin niyon na hindi na gumagalaw sina Stone. Those few minutes of silence were spent in "cleaning" the second floor of the building.

"I got her, Stone," bigla na lang ay wika ni Robbie sa earpiece.

"Nasaan ang target?" habang tinatanong iyon ay sumesenyas na si Stone gamit ang kanyang mga kamay. Nagbibigay na siya ng iba-ibang instruction sa bawat miyembro ng alpha team.

"Seventh floor, pero hindi accessible gamit ang hagdan o elevator," sagot ni Robbie.

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Hindi na natapos ang paggawa sa hagdan patungo sa seventh floor. Ang hula ko ay hindi ito dineclare ng may-ari dahil bababa ang value ng property. It wasn't in the official blueprints."

"Kung ganoon ay paano nila naiakyat doon ang target?"

"They used a step ladder."

"Let me guess, the ladder isn't anywhere near the stairs right now," may pagkasarkastikong wika ni Stone.

"You guessed right. Nasa seventh floor mismo ang hagdan. Mukhang ibinababa lang nila kapag may dadaan."

"Alright, we'll use the elevator shaft then." Pagkasabi niyon ay sumenyas si Stone sa isa niyang teammate. Umaasa siyang pwede na siyang magsolo sa pagbawi sa target. Pero dahil sa setback na ito ay kakailanganin niya ng kasama sa pag-akyat gamit ang lubid. It was standard protocol for STAID operations. Dahil gagamitin niya ang parehong kamay sa pag-akyat ay importanteng may isa siyang kasama para matulungan siya kung sakaling may maka-engkwentro siyang kalaban.

"The elevator shaft is clear. Mukhang hindi nila inaasahang may gagamit doon," komento ni Robbie.

Hindi na sumagot si Stone. Dire-diretso lang siya sa elevator kasama ang isa pang agent. Tahimik na nagtulungan sila sa pagse-setup ng kanilang gagamitin. Actually, hindi na nila kailangang mag-usap. All STAID agents were trained to work efficiently and quietly under any circumstances. Ilang sandali pa ay handa na si Stone sa pag-akyat sa lubid. He gestured a command to the other agent before he started climbing.


S.T.A.I.D. 3 (COMPLETE) - Published under PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon