"Only child ka," kuryoso ang tinig niya. "Ibig sabihin ay ikaw ang magmamana ng mga iyon. Do you want to manage it? Kaya ka ba nag-aral ng pagluluto?"

Ngumiti ako. Nakakatuwang marami siyang tanong tungkol sa akin. It means that she wants to get to know me better. She's interested and that means she's seeing me as her friend too.

"Yeah. I want that. Pero wala talaga akong proper lessons na kinuha tungkol sa pagluluto. Mag-aaral ako ng business para sa iba pang negosyo ni dad," sagot ko at mas dumami pa ang kanyang mga tanong.

She asked me about my life in the Philippines. She asked me the difference between my high school life there and here in New York. Hindi ko napansin na habang tumatagal ang mga pagtatanong niya, napapasok na pala niya ang maliit na espasyo ng personal kong buhay.

"Do you have a girlfriend left back home?" Walang malisya niyang tanong. Hindi pa nga siya nakatingin sa akin. She's so busy eating her salad. Napuri na niya iyon kanina nang matikman niya. Nakapangalawang kuha na nga siya.

Tinagilid ko ang aking ulo. Nilapag ko ang aking tinidor at uminom saglit ng juice bago siya sinagot. "Wala," simpleng sagot ko. Wala naman talaga.

"Hm... nagka girlfriend ka na?" tanong pa niya.

I don't want this to end. Nag-uusap kaming dalawa at ito ang unang pagkakataon na humaba ito ng ganito katagal. At may pinatutunguhan ang pag-uusap naming dalawa. Somewhere to being closer to each other. Pero masyadong personal...

"Hindi pa," utas kong muli. Hindi pa naman talaga.

Tumango tango siya. Hindi ko alam kung naniniwala ba siya sa sagot ko o nahihimigan ba niya na ayoko sa sinasagot kong mga tanong. Nang tumingin sa akin at nagtaas siya ng kilay.

"May minahal ka na?"

That's it! Maitatanggi ko ang mga tanong kanina ngunit hindi ito. Dahil totoong wala naman talaga sa mga tanong niya kanina. Pero dito... I'm not sure.

"Hindi ko alam," tumaas ang gilid ng labi ko. Hindi ko alam? Why do I feel like I've answered her correctly?

Kumunot ang noo niya at ngumuso. Pumangalumbaba siya sa harap ko. Pinagmasdan ko ang kanyang mukha habang sinusuri naman niya ang ekspresyon sa mukha ko. O baka ang sagot ko ang pinag-iisipan niya.

"Hindi mo alam? What do you mean? Pwede ba iyon?" tanong niya. She sounded so innocent about this kind of matter. Para bang kakarinig lang niya sa mga ganitong isyu kahit siya ang nagbukas ng paksa.

"Hindi ko alam. There's a girl..."

"You answered 'wala' sa tanong ko kanina kung may babae ka ba!" tumaas ang tono niya. Nakakatawa ang paghihisterya niya pero hindi ito ang tamang panahon para tumawa.

"Wala kasi talaga! Pero may isang babae akong hinangaan noon," maybe that's really what it is.

"Hinangaan? You mean crush? What's the difference? Pwede ba iyon?" tanong niya. She really is innocent about this.

Mayroon akong ibang naiisip tungkol dito pero sa ibang usapan na iyon papasok.

Sumandal siya sa kanyang upuan. She waited for my answer while looking directly to my eyes. Tuluyan ko nang tinigilan ang pagkain. Tinulak ko palayo sa akin ang plato. Napansin niya iyon ngunit hindi nagsalita tungkol doon.

I can't believe na ako ang nasa hot seat! Ako ang nakipagkaibigan kaya dapat ako ang maraming tanong tungkol sa kanya. Hindi ko akalain na madaldal at matanong pala siya! And what kind of topic is this for a snobby girl like her?

"May pinagkaiba," sigurado ako rito ngunit hindi alam kung paano ipapaliwanag. "Love, it's sacred. It is a serious emotion you'll have for the right person when you finally meet each other at the right time. Crush... paghanga, you're just attracted. It may change through the course of time. Minsan panandalian lang kasi makakahanap ka agad ng panibagong taong maaari mong hangaan."

TaintedWhere stories live. Discover now