SATD 46

7.9K 133 2
                                    

SATD 46

Labi

"If you want to talk, follow me." Hinila ko yung malaking maleta ko na puno ng pasalubong at pumara ng taxi. Nahirapan akong iakyat yun sa trunk. Alam kong nakikita niya akong nahihirapan dito. Nagpaka-gentleman kuno siya at sinakay yun.

Pumunta kami sa pinakamalapit na coffee shop. Umupo kami sa tabi nung glass kung saan kita yung mga kotse na natraffic at mga tao na naglalakad kung san man sila patungo.

"So anong gusto mong pagusapan natin?" tanong ko.

"How was your trip?"

"Yan lang sasabihin mo?"

"No. Gusto kita kumustahin. I'm curious anyway. Who was that guy with you earlier?"

"Si Sal. Kababata ko."

Tumingin siya ng diretso sa mga mata ko. Ang talim. "Is that all the connection you have with him?"

"Oo. Ano bang iniisip mo?" Buti nalang dumating na yung order namin. Iced Latte ang akin. Kanya naman ay brewed coffee. Pati ba naman sa kape, kita rin ang class namin sa mga bagay bagay.

"Maayos lang ba si Adriel ngayon sa kapatid mo? It's been two days. Nagkausap kami sa Palawan. Tinawagan niya ako at hinahanap ka." 

Pagkatapos kong magsalita, tila nagbago bigla ang ihip ng hangin dahil nakasimangot na si Cid. May mali ba sa sinabi ko? "Ang choosy ng tenga mo no? Chinecheck mo pa ba si Adriel o talagang pinabayaan mo na siya? Tatay ka niya di'ba? You could have at least thought about him before you left him there."

"Sorry, okay? I check from time to time. I don't think my sister will make Adriel hungry or anything. She can do it."

Huminga ako ng malalim. Heto na naman kami. Baka mamaya nito mag away ulit kami dahil sa mga salita niyang ganyan. Nakakainis talaga to kahit kailan. Naramdaman ko ang kamay niyang nakapatong sa kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Bakit ka nga pala naglaro ng Hide & Seek? Pinagalala mo sila. Hindi ka makontact. Even from your hotel? Like, seriously? Ang irresponsible mo naman."

"I was not playing around. I was fixing the mess with Ma and my sister."

"Plus, I was hoping that you'll meet my Mother once again. In a clean slate that is." Kalmado niyang sabi. Napataas ang kilay ko. Clean Slate? Saan banda? Jusko, ang makitang galit sa akin ang nanay niya last time ay trauma na para sa akin.

"Paano kung ayaw ko?"

"Then I won't force you. I understand." Salamat naman at gumana ang utak mo. Sumipsip ako ng paunti unti ng Iced latte. Halos tunaw na yung ice. Ang tabang tuloy.

"Natrauma na ako sa pamilya mo. Full of surprises." Lumiit ang kanyang matang nakatingin sa akin. Dinedma ko nalang yung reaksyon niya.

"But you're not--" Pinutol ko siya.

"Your email... Totoo ba ang mga nakalagay dun? Baka naman lasing ka nung tinype mo yun? O di kaya may iba kang inutusan na gawin yun at isend sa akin..." Medyo nagtatampo kong sabi. Nakarinig ako ng mahinang tawa. Tinignan ko siya. Aba aba, nagagawa mo pang tumawa sa harapan ng babaeng gusto mo?

"It may be typed but it's all real. All true and you don't know how much you made my heart jump when you replied, even if it was unrelated. Or short and quite frustratingly expressed how forced you were to reply. I like that about you. Making things seem mysterious... Weird... Speechless." Ngumiti pa ang loko.

Tumayo ako mula sa upuan at pumalakpak. I clapped because I'm so moved... NOT! Grabe lang ah. Halatang scripted. Goodness! "Galing mo naman. Magkano bayad sa writer?" Sarcasm please.

Tumayo din siya. "Huh? I was serious with what I said just now. I thought you will be happy."

"Happy. Ang gandang salita. Coming from a liar like you? You're so cheap! Paano mo nasasabi yan? Last time I remember, you were with another woman. Naghahalikan kayo diba? Pumasok pa kayo sa kwarto mo. Kadiri!"

Tumawa siya kaya mas lalo akong nainis. Bakit siya pa ang minahal ko!?

"I'm crazy and I'm saying this now. Hindi natuloy ang dapat if you get my drift. I was occupied with you. You invaded my thoughts that night. And on top of it all, I'm really sorry if I lashed out on you the next morning. I got mad because I seriously didn't like knowing both of you were gone late that night. I was serious when I said I went out to look for you and Adriel. The woman you're jealous of is gone the minute I heard the door closed."

"Well, in short you're saying na malala ka na talaga? Example narin si Angela. Dahil playboy ka na, heartbreaker pa. Okay, thanks for the information." Kinuha ko ang mga gamit ko. Pinigilan niya yun at inagaw ang gamit mula sa mga kamay ko. Sa isang iglap, magkatapat na kami... Pati narin ang aming mga labi.

Eh???


Safire and the DavidsonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon