SATD 13

9.9K 199 2
                                    

SATD13

Day off

Ginawa nga ni Cid ang kausapin si Ate that morning. Hanggang ngayon ay hindi ko parin alam ang dahilan kung bakit niya ako pinastay that night. Isang araw na ang lumipas.

Day off ko today. Nagulat nga ako at may ganun pa pala. Sabi sa akin ni Cid siya na daw bahala kay Adriel. 

I can go wherever I wanted for today then? To make my time worth it naman, magmo-mall ako. May naipon narin naman ako sa mga binibigay niya sa akin at sobra sobra pa yun.

     Tumingin ako ng mga damit at sapatos. Nagtataasang stilettos lang naman ang sumalubong sa akin. Gusto ko bumili! Kahit isa lang naman. Yung mala-princesa ang dating. Kinuha ko ang isa duon at sinukat. Kulay silver ito at puno ang gilid ng maliliit na bato. May lines din ito ng black, white at gray. Parang zebra. Lol.

"Miss, may size 8 ba kayo nito?" Kinuha niya yun at tila pumunta sa may likod nung store. Habang nagiintay ay umupo muna ako at pinagmasdan ang iba pang sapatos na nakadisplay. Napansin kong madalas na size 7 lang lagi ang nanduon. Nakakahiya yung size ng paa ko. Pang balyena.

"Size 8, Mam." Inabot niya sa akin yun at sinukat. Naks, perfect fit na siya. Sinubukan kong dalawa ang suotin saka ko inilakad yun ng kaunti. Hindi siya masakit at okay na okay siya sa paa ko. Ang ganda! Hinubad ko agad yun at binili.

     Next ko naman na chineck is yung mga dress na pwede dun sa binili kong sapatos. Mga classic white or black ang tinignan ko for the shoes. Jusko, kala mo kung sinong aattend ng burol ang peg ko. Pinasosyal na aattend. Pssh. Kaya naman mas pinagtuunan ko yung mas lively yung colors. Blue, Pink at Emerald Green at kung ano pang mas lalively sa black. Haha.

Mga off-shoulder, sleeveless, yung medyo innocent pero sexy tignan ang tipo ko. Iba't ibang style nalang din para masaya. Meron din may sleeves pero hanggang knee length lang yung haba. May long gown akong nakita at simple lang yun. Classy. Pero aanhin ko yun? Ano to? Js prom all over again, age over 21 version?

Isa isa ko yun tinary sa fitting room. Naloka sa akin si Ateng na nagaassist. Ang bilis ko kasing magpalit. Hahaha. Feeling mayaman ako ngayon teh. Yung mas bongga nga lang. Wag ka magreklamo. Bibili naman ako sa store niyo e.

     Sa lahat ng tinary kong isuot tatlo lang ang nagustuhan ko. Yung beige na strapless at hanggang knee length ang haba. May iilang beads yun na color white sa may chest line. Ganun siya kasimple pero I love it. Yung pangalawa ko naman ay purplish pink na semi-formal ang dating. Pwedeng dress, pero pwede ring gawing top. Ang astig nga e kasi 2 in 1. Galaxy yung itsura niya kasi may mga sparkle effect siya. And yung last yung pinaka-angat. Bumagay siya sa aking skeeeen toooon. (Skin tone yan.) 

Lol, naaalala ko na naman si Ateng nag-aassist sa akin kanina. Sabi niya kasi, "Try niyo narin po yung sken ton collection namin, Mam." Mas nakakaloka yung pronounciation niya kesa sa dami ng sinuot ko e. Haha!

     Ahem, presenting sa inyo. Ang navy blue kong dress. Mas mahaba siya ng kaunti dun sa knee length kong beige na dress at eto naman ay sumisigaw ng elegance at class. Isang side lang ang may shoulder strap nun at may bow iyun. Sa likod pa nung dress na yun nagkalat ang iilang diamond like na swarovski. Nung satisfied na ako sa mga pinagbibibili ko ay binayaran ko na. Nagtip din ako kay ate. Nahirapan siya sa akin e.

Paglabas ko ng Mall, may pumukaw... Yes naman. Lalim nun. Pumukaw. I-spell? Haha. Napansin ko lang naman kasi yung Hotel Laelia. Mukhang bigatin dito ah?Curious ako kung anong meron dito kaya heto ako ngayon. Walang pagaalinlangang nag-check in dun. I got myself a deluxe room. Bongga! 

May nag-assist sa akin at hinatid pa talaga ako hanggang sa pinto nung room ko. Pagpasok ay dali dali kong nilapag yung mga binili ko. Nag-isip ako ng pwedeng gawin since ngayon palang din ako nakapag-hotel ng ako lang talaga. Ah... Maliligo muna ako at magpapalit dun sa mga binili ko. Yehes!

Nagpaayos ako sa isang salon nila dun. Hair & Make up then pumunta rin ako sa isang Jewelry shop nila. Wow, provided na halos nung hotel lahat ng klase ng facility at boutique eh! Nice. And now, wearing my beige dress from earlier and my silver princess like heels. Confidently, naglakad ako papasok sa restaurant ng Hotel Laelia. 

     Yung may poise. Class, bhe, class! Pinagbuksan nila ako ng door. Agad agad naman nila akong inassist kung saang table. Sabi ko sa may window ko gusto dahil I want to see the bay view. Effective lahat ng ginawa ko. Napangiti ako. Sabagay, maganda na ako. Mas lalo pang gumanda dahil sa suot ko ngayon.

Nag-approach sa akin isang waiter dun. Shet! Ang gwapo. Lumingon ako sa iba pang staff nila dun... Ngayon ko lang napansin. Lahat ay may itsura at mukhang standard nila ang mga ganito ah? Tumingin ako ulit dun sa waiter. 

Bago pa ako maglaway dito kay Mr. Gwapong waiter ay umorder na ako ng set meal. Italian course. Kung wala lang ako sa pag-aassume na ganito talaga ako kayaman ngayon, sinabunutan ko na yung sarili ko. Sosyaling bruha ka ngayon, Safire!

Dumating din agad yung inorder ko. May extra akong coffee na inorder. Nakaka-addict kasi yung aroma nun e. Wala lang. Habang kumain, painom na sana ako nung coffee nang muntik ko pang maibuga yun.  Dahil nagulat ako pag-angat nung mga mata ko sa may pintuan.

What the honeypie is he doing here?!


Safire and the DavidsonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon