SATD 27

8.1K 158 2
                                    

SATD 27

Nadulas

Date nila Cid at ni Angela at para hindi maulit ang nangyari noon sa nanny ni Adriel... Sinama kami sa outing dito sa Batangas.

"Let's go there na. Please?" Turo nung girlfriend niyang walang inisip kundi sarili lang. Hindi naman interesado ang babaeng yun na maging Momma ni Adriel eh!

     Last night, umiiyak akong gumawa ng research about her. Nawindang ako sa mga nalaman ko. Galing siya sa kilalang pamilya. Nabankrupt yung company nila last 6 months and now I know kung anong plano ng babaeng yun. Halatang pera lang ni Cid ang habol.

Kung interesado talaga siya, siya na mismo ang nagaalaga kay Adriel at nagpapakitang gilas kay Cid ngayon! Hayaan na nga. Mageenjoy nalang kami ni Adriel.

"I waaav u, U waaav me, wer one hapi pamili!" Sinisigaw na pagkanta ni Adriel dun sa mic. Duet kami. Oo na Adriel, I love you, you love me. We're one happy tutubi. T___T

Nagkaraoke kami ni Adriel bago magswimming. Pumili pa kami ng ibang kanta dun. Sinelect ko yung tinuturo niya. Narda by Kamikazee. San kaya niya ito narinig? Ako yung kumanta nung first part, sinasabayan lang ako ni Adriel kahit medyo bulol pa siya. Haha.

Tila ibon kung lumipad

Sumabay sa hangin

Akoy napatingin

Sa dalagang nababalot ng hiwaga...

Kumakanta ako with feelings pero si Adriel nakakunot na yung noo nung nagiba na yung tempo. Hahaha. Humeheadbang nalang siya. Naks.

Mapapansin kaya

Sa dami ng 'yong ginagawa

Kung kaagaw ko ang lahat

May pag asa bang makilala ka...

Awit na nananawagan

Baka sakaling napakikinggan

Pag ibig na palaisipan

Sa kanta na lang idaraan...


Natapos namin yung kanta at tignan mo nga naman. 100 points.

"Artista na siya! Sikat ka na o!" Ang dami rin pala naming audience. Pumalakpak sila. Ngiti naman ng ngiti ang isang baby dito kaya tumawa ako. Iniwan na namin yung mic dun. Mamaya ma-youtube pa kami. Hahaha.

"Yey swim Adiel! Swim!" Napapapadyak na siya nung makita yung pool.

"Easy lang baby, di ka pa nalalagyan ng floaters sa braso." Nang malagyan ko na siya. Sinamahan ko siya magswimming.

After 15 minutes, nanpansin kong malamig na yung hangin. Kailangan na namin umahon. Nauna ako para kunin yung towel niya. Aabutin ko na sana si Adriel kaso nadulas ako sa tiles. Clumsy mo naman Safire! Huminga ako ng malalim. Breathe in, breathe out.

"You, okay??" Tanong ni Cid sa akin. Luh? San nanggaling 'to?

"Y-Yeah... Kaya ko ang sarili ko." Tumayo ako magisa pero hindi parin niya inaalis ang mga kamay niyang nakaalalay sa akin. Tinignan ko siya sa mata. Sincere, totoo at walang ibang nakikita kundi ako. Okay, tigil na. Aasa ka na naman.

"Nakikita tayo ng girlfriend mo. Baka ano pa isipin niyan at lusubin pa ako." Inalis ko ang pagkakahawak niya sa braso ko. Kahit na yun ang sinabi ko... Sa loob ko, masaya akong tinulungan niya ako. Nakakahiya parin yun.

"Tara na baby, baka malamigan ka pa." Kinuha ko si Adriel at lumayo doon. Nakasunod ang tingin niya sa amin, alam ko. SAFIRE! Tandaan mo sa isipan mo na para ito sa bata. Hindi para sayo. Walang personalan. Gawin mo ito para kay Adriel. Stay by his side hanggang sa dumating ang totoong Momma niya.

Sabay kaming naligo ni Adriel pero inuna ko siya para makatulog na. Tapos na akong magbihis nung may kumatok sa kwarto. Sinilip ko kung sino.

Si Angela? Anong ginagawa niya dito?


Safire and the DavidsonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon