Nalipat ang tingin niya sa akin. Hindi siya nagsalita, walang ekspresyon sa mukha niya. Tumitig siya sa akin at hindi lang siya nakuntento sa aking mukha. Bumaba ang tingin niya sa kabuuan ko at parang may maliliit na pagsabog sa loob ng katawan ko. What the hell is that? Para niya akong binabaliw sa mga tingin niya.

Tumunog ang elevator at walang pasabi siyang lumabas. Naiwan akong nakatayo sa loob pero agad namang natauhan. I saw her walking in the direction where my room is. Paano niya nalaman ang apartment ko? Whatever. Baka nalaman niya kay Sukie.

I should have known! Pakipot lang ang babaeng ito.

Mas lalong lumawak ang ngiti ko. Mabuti na lang at maayos ang loob ng apartment ko. I wonder what I have inside my refrigerator. May kape o tsaa ba ako? Does she like juice and what flavor does she prefer? Maybe I should cook for her. Napayuko ako at umiling sa mga pinag-iiisip ko. Ipinamulsa ko ang mga kamay ko at nagpatuloy sa masiglang paglalakad nang mauntog ako.

"What the," singhal ni Zandra sa aking harapan. Hinimas niya ang kanyang noo.

Napaatras ako sa lakas ng pagtama ko sa kanya. Tiningnan ko ang harap ng pinto kung saan siya biglaang tumigil. "Hindi 'yan ang apartment ko. Nandoon pa," utas ko at nginuso ang dulo ng hallway. "That's my door over there, not this one."

Nagusot ang gitna ng kilay niya. May nilabas siya mula sa maliit niyang bag at tunog iyon ng susi. Nakabilog ang bibig ko habang sinusuot niya iyon sa lock ng pinto at nang marinig ko ang maliit na click ay tumingin muli siya sa mukha ko. That's when I realized something.

"Anong tingin mo? Pupunta ako sa apartment mo? Alone with you?" Ilang beses siyang pumalatak. "Assuming," aniya at sa unang beses ay narinig ko ang tawa niyang para sa akin.

I was left outside her door, stunned and speechless. Kinamot ko ang aking ulo at humarap sa pintong pinasukan niya.

"You are unbelievable. Kaya siguro walang lalaking nangangahas na lumapit sa'yo," bulong ko. Naalala ko ang sinabing iyon ni Owen. "But not me," nginisihan ko ang aking sarili. Parang baliw akong humahagikgik habang naglalakad patungo sa sarili kong pinto.

Hindi ko matanggap na nasa loob siya ng apartment ni Sukie. Kailan pa? She couldn't have been there all this time while I have no fucking idea. Ang tagal tagal ko siyang hinahanap, hinihintay, pero hindi ko siya nakikita rito building. Makakasuntok yata ako kapag nalaman kong doon pala siya nakatira all this time.

Tumayo ako mula sa kinauupuan ko. Hindi ako magpapatalo sa kanyang pamamahiya sa akin. Assuming? Ako pa ang assuming? Huwag niyang kakalimutan na may utang na loob siya sa akin. She may have said thank you and gave me a ride home but that's not enough. Hindi ko pa nararamdaman ang totoong pasasalamat niya. Hindi pwedeng iyon lang ang makuha ko mula sa kanya.

Nagtingin tingin ako ng mayroon sa loob ng fridge. Namili ako noon nung nandito pa ang aking ina at may ilan pang natira mula roon. Lately kasi ay sinimulan ko na naman ang pagkain ng frozen food dahil tinatamad akong kumilos at marami akong iniisip. And those were all Zandra's fault. Kaya talagang malaki ang utang niya sa akin. Mahigit kalahati ng utak ko ang sinakop niya at gusto kong ibalik niya sa akin iyon.

Hiniwa ko ang isang buong manok. Ipinatong ko sa mesa ang suka, toyo, asin at paminta bago nagpunta sa sink upang hugasan ng maigi ang chicken. Binilisan ko ang aking kilos pero sinigurado kong masarap ang niluluto ko. Mabuti na lang at kumpleto ang ingredients ko para rito. Nang maamoy ko ang usok mula sa aking niluluto ay pinalakpakan ko ang sarili ko.

Zandra's Filipina. I wonder how long she's been living here in the US. Nandito rin kaya siya upang mag-aral o dito na talaga siya nakatira kasama ang pamilya? Nakakatikim pa kaya siya ng mga pagkaing pinoy? That's for me to find out. Ginandahan ko ang presentation ng aking niluto nang ilipat ko iyon sa bowl. Nilagyan ko pa ang ibabaw niyon ng maliliit na dahon bilang palamuti. It didn't affect the taste of the food. Para lang maganda sa paningin.

TaintedWhere stories live. Discover now