Chapter 2

1.3K 32 0
                                    

Ailee's POV

"Keep this in the back of your mind. It will be on test tomorrow." Professor Sandoval said bago lumabas ng room.

Errr, I'm going insane na talaga sa course ko. But it's worth it naman kasi I love designing clothes din. Parehas kami ni Andy ng kinuhang course, actually, pinilit ko lang siya hihi. Pero I think she learned how to love it like I do so wala ng problema. Sometimes nga she is helping me to do my projects e. Why is she so matalino? Parehas sila ni Sam. They are so bagay talaga.

"Yo," The devil is here.

"Why you are so matagal? Here oh, dalhin mo bag ko." Utos ko kay Jared.

"Ayoko nga, kadiri yang bag mo ang fluffy masyado." WHAT?!

I stomped my foot in frustration."What kind of boyfriend are you?!"

He rolled his eyes. "Wag ka nga maingay. Sabihin ng iba ikaw ang nanligaw sa 'kin. Nakakahiya ka babe." Sabi niya then lumapit siya sa akin and inakbayan ako.

"Don't babe me Jared Sy, I'm not a baboy." I hate him, how did he become my boyfriend? He's not sweet pa.

"Titigil lang ako sa kaka-babe sa 'yo kapag binigyan mo ako ng another VIP pass sa H Bar." He arched his eyebrows.

"Why pa? I'm here naman eh, I'm prettier than the other girls there." I pouted my lips. Are we going to break up na ba?

"Hindi ako mambababae dun, pasalamat ka nga dahil kahit na baliw ka mahal kita." Jared pulled me and kissed me on my noo.

Lumabas siya ng room at naiwan akong na-stun on what he did.

Hmp, even though Jared is always annoying he is nakakakilig din pala sometimes.

Hani's POV

Pumunta akong C.R pagkatapos namin mag P.E. Yuck naman, ang lagkit ko na. BFF talaga kami ni Karen since parehas namin hate ang P.E.

Nakarinig ako ng foot steps habang nakapikit ako dahil ayokong malagyan ng sabon ang mata ko. Huminto yung foot steps na 'yun sa tabi ko kaya kinapa kapa ko yung gripo at dali-daling naghilamos ng tubig.

Wisik here.

Wisik there.

"Hi Karen," Nag-wave ako sa kanya.

"May P.E class ka pa?" Tanong niya.

"Katatapos lang." Sabi ko tapos kumuha ako ng tissue at pinunas sa kamay ko.

Napansin kong hindi maipinta yung mukha niya kaya ni-rolled ko yung tissue na ginamit ko at binato sa kanya. Bull's eye!

"Yah!" Hehe, ayan okay na ulit siya.

"Bakit kasi ang aga aga nakasimangot ka? Amoy baby pa rin naman ako." Inamoy ko ang sarili ko. Hmp. Amoy strawberry scent hihihi nilibre kasi ako ni Maris ng lollipop kanina. Ang bait niya at dahil dyan BFF na kami.

Nawindang ako nung hinampas niya ng mahina yung noo ko. "Ouch naman eh!"

"Si Kurt kasi, galit pa rin sa 'kin." Nag-crossed arms siya tapos sumandal sa pinto ng cubicle.

Karen's POV

FLASHBACK

May meeting ang student councils ng Southmoor H.S sa Southmoor University kaya napapunta ako dun ng hindi oras. Papunta ako ng conference hall nang makasalubong ko si Jerome at Kurt sa hallway. May hawak na honeydew bubble tea yung dalawa. Ang adik na ni Jerome sa bubble tea these past few days.

Lumapit ako sa dalawa, expected ko ng lalayo si Kurt kaya hinawakan ko siya sa balikat para pumirmi siya sa kinatatayuan niya.

Diring diri niya inalis ang kamay ko.

I'm Dating an IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon