Chapter Thirty: Surprise Guest

Start from the beginning
                                    

Inaasahan ko na iyon ang maririnig ko mula sa kanya. Pero gayunpaman ay nag-init pa rin ang ulo at hindi ko na na-control ang temper ko. "I'll be there in your office in a minute." I said a cold voice. At pabagsak na ibinaba ang telepono.

"Marj pasingit lang sa printer." Hindi lumilingon na sabi ko habang abala sa paghahanap ng document file sa computer ko. Out of nowhere, naisip kong gawin ang file na iyon kanina. Pero hindi ko naman akalain na magagamit ko iyon sa mismong araw na ito.

Pagkalabas ng papel sa printer ay kinuha ko iyon at walang salita na nagmartsa palabas ng kuwarto. Hindi ko pansin ang mga kasamahan ko na nakasunod ng tingin sa akin at marahil ay nagtataka sa kinikilos ko. 

"Muriel kain tayo sa labas after wo-" Hindi na naituloy ni Ichi ang sasabihin ng lagpasan ko siya na tila hindi ko siya nakita. "Anong probleman nun?" Nagtatakang sinundan niya ako ng tingin.

"Malay ko!" Sagot ni Jena na nakasunod din ng tingin sa akin.

Dire-diretso ako sa table ni Gail. "Nandyan ba si Riley sa loob?"

Nagtataka na tumango siya. 

Tinungo ko ang pinto at pinihit ang doorknob.

"Muriel sandali lang-"

Pero bago pa niya ako mapigilan ay naisara ko na ang pinto at ini-lock iyon.

Pagpihit ko ay nakita ko si Riley na may kausap sa cellphone. At dahil nakatagilid siya kaya hindi niya napansin ang presensya ko. Tuluy-tuloy akong lumapit sa kanya at padabog na inilapag ang hawak kong papel sa mesa.

Napalingon siya sa akin. Nagsalubong ang mga kilay niya nang dumako ang mga mata niya sa papel na nasa harapan niya.

"That is an irrevocable resignation and its effective as soon as you read it." I said seriously.

Nanlaki ang mga mata ni Riley. Ngunit bago pa siya makapagsalita ay tinalikuran ko na siya at dire-diretso na lumabas ng pintuan. Ang unang pumasok sa isipan ko ay ang makaalis kaagad sa lugar na iyon. 

"Muriel!"

Hindi pa halos ako nakakalayo nang marinig ko ang pagtawag niya. Lalo kong binilisan ang mga hakbang ko.

"Muriel! Come back here!" 

Naagaw ang atensyon ng lahat dahil sa pagsigaw niya. He's already making a scene. And I don't even care. Ang gusto ko lang ay makaalis na doon at makalayo mula sa kanya.

Ganon na lamang ang pagtataka ng mga kasamahan ko ng humahangos akong bumalik sa pwesto ko para lamang kunin ang bag at cellphone ko. At muli ring umalis nang walang paalam. Kailangan kong magmadali bago pa ako maabutan ni Riley. Eksakto naman na bumukas ang elevator. Mabilis akong sumakay at pinindot ang close button. At bago tuluyang magsara iyon ay nakita ko pa siya na tumatakbo sa direksyon ko.

Invisible Girl  (Reprint under LIB) Where stories live. Discover now