"Thank you. What do you want to know about me?" Ganting tanong ng dalaga.

"Anything? Your family? " At saka siya nginitian.

"We are two siblings, my kuya Almond is cardiologist. Same as my dad. Pero si daddy almost 6 years ng patay. My mom is a retired accountant. I've been in society magazine, singapore base for five years. Sa singapore ko na din tinapos ang studies ko. Then opportunity came. Kaya bumalik ako dito." Mahabang saad ng dalaga.

Matamang nakikinig naman ang binata.

"What about your personal life? Boyfriend? Bulag ba ang mga lalake sa singapore?" At muling tumititig ito sa kaniya.

Kibit balikat ang naging reaksyon ng dalaga.

" Magiging unfair lang kung mag e-entertain ako ng suitors. Masyado akong busy, that time." Aniya.

''Yon ba talaga ang dahilan mo?' Ang kontrabida ng isang bahagi ng kaniyang isip.

"I see." At tumango pa ito.

"But about you? Bakit single ka pa rin?" Balik tanong ng dalaga.

"Well, let say I'm still searching. But.." Sadyang binitin pa nito ang sasabihin.

"But?" Ulit ng dalaga.

"But, I guess nakita ko na siya." Tumingin pa ito ng makahulugan sa dalaga.

"Wish you luck, Brent." Walang kamalay malay si Berry sa mga pahiwatig ni Brent ng mga sandaling iyon.

"I'm still working on that luck, Berry." At nagpakawala pa ito ng 'handsome' smile.

At kung anu-ano pa ang napag usapan ng dalawa. Masyado silang nalibang sa kanilang kwentuhan.

Nawala sa loob ng dalaga na naiwan pala niya ang cellphone sa sasakyan niya.

"Answer it, Berry!" Impatient na dinial muli ni Uno ang numero ng dalaga. Pero ring lang ito ng ring.
Agad kinuha ng binata ang car key niya at nagmamadaling umalis.

"If you were asking me, I love to stay talking to you, but I guess we need to go home.It's getting late." Wika ni Brent na tiningnan pa ang relong pambisig.

Namilog naman ang mata ng dalaga, sa narinig.

"Huh?! What time is it??" At bnuksan niya ang kaniyang pouch. Wala doon ang cellphone niya.

"Ten thirty na. Sorry, hindi ko din napansin." May pagtatakang nakatingin naman ito sa dalagang panay ang halungkat ng gamit.

"Why? May problema ba?"

"Ah, wala naman. Hindi ko kasi makita ang cellpone ko. I think we have to leave" Bahagya pa ciang ngumiti at agad tumayo.

Agad nakita ng dalaga ang kaniyang cellphone, pero nadismaya siya ng makitang low battery na.

Convoy pa rin ng dalaga si Brent, dahil ayaw nitong pumayag na hindi siya maihatid.

Pagdating sa kanilang mansion ay agad niyang napansin ang sasakyan ni Uno.

"Thank you for the dinner. Ingat." Paalam ng dalaga kay Brent na bumaba din ng kaniyang sasakyan.

"Welcome. I hope may next time pa. Go ahead pasok ka na, before I go." Nakangiting wika nito sa kaniya.

Gumanti din siya ng ngiti at saka tumango.

Samantalang si Uno ay nagpupuyos na ang kalooban. Ngunit nagpipigil siya.

Pagpasok ng dalaga ay agad niyang nakita si Uno na blanko ang mababanaag sa mukha. Agad itong tumayo papalapit sa kaniya.

"Bakit ngayon ka lang? It's already ten thirty." Pormal na bigkas nito.

Muling bumabangon ang inis ni Berry ng mga sandaling iyon.

Isang hingang malalim muna ang kaniyang ginawa bago nagsalita.

"Uno, anong problema mo? Nakipag dinner lang ako, anong masama doon?" Pakli niya sa binata.

"Walang masama. Ikaw lang inaalala ko. At bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?" Pilit namang kumalma ang binata.

"Bakit? Kaibigan ko 'yong sinamahan ko. naiwan sa sasakyan 'yong cellphone ko, at low battery .Teka nga, bakit ba ako nagpapaliwanag sayo? " Napipikang turan niya.

"'Wag mong ibahin ang usapan. Berry, I told you tatawag ako after two hours." Matigas na tono nito.

"Ewan ko sayo. You're over reacting, and who gave you the right, para diktahan ako sa dapat kung gawin? Boyfriend ba kita?" Hindi na nakapag pigil ang dalaga.

"Tama ka, Berry." Madilim na anyo nito.
"Tama ka, wala akong karapatan diktahan ka sa dapat mong gawin. Pero, pagkatapos ng gabing ito, sisiguraduhin kong kukunin ko lahat ng karapatan na 'yan, at walang sino man ang makakapigil." At tumalikod na ito palabas.

Hindi naman makapag salita ang dalaga. Napa-tunganga siya sa mga binitawang salita ng binata. Gulong gulo ang isip niya ng mga oras na iyon. Hindi niya maintindhan ang pinagsasabi nito sa kaniya.

STRAWBERRY BY: GRACEYWhere stories live. Discover now