Chapter 23:

1.2K 32 0
                                    

ISANG matamis na ngiti ang pang bungad ni Berry, sa binatang titig na titig sa paglapit niya.

Bakas sa mga mata nito ang labis na paghanga.

Wearing a long black bare back gown. Hubog ang katawan, litaw ang makinis niyang likod at mapuputing braso. Simpleng make up, at naka-french pony tail naman ang kaniyang buhok.

"Happy birthday, tarzan!" Akmang hahalik siya sa pisngi nito, ng sinadya nitong humarap sa kaniya. Sakto namang sa labi ng binata, ang labi ng dalaga.

"Happy na talaga birthday ko." Pilyong bulong nito.

"Puro ka talaga kalokohan." At pasimpleng kinurot niya ito sa tagiliran.

"Hoy, kayong dalawa! Nakita namin 'yon ah." Naka-ngising papalapit si Pinky, at Ferdz.

"Ang alin?" Inosenteng tanong ng binata.

"Pumupuntos ka. Sabagay sa ganda ba naman ng kasama mong dilag." Napapailing na saad ni Ferdz.

Tanging pag ngiti nalang ang ginawa ng dalaga.

Habang inaalalayan siya ng binata, ay muling bumulong ito.

"You look stunning tonight, Shine."

Nakadama naman ng kilig ang dalaga.

"Thank you. Gwapo ka din tonight" Tugon niya.

Talaga namang ang gwapo nito, lalo na sa suot nito ngayon.

"Talaga?" Parang batang paninigurado nito.

Tuluyan ng nagpakawala ng mabining tawa ang dalaga.

Agad siyang dinala ng binata sa mga magulang nito. Kausap na ang mommy niya.

Nang makita siya ng ina ni Uno ay agad siyang niyakap.

"Oh, my god. Berry, halos hindi kita makilala. Lagi kang kinikwento ni Uno." Excited na bulalas nito.

"Kaya naman pala, itong binata namin ay inspired." Dagdag ng ama ni Uno.

"Thank you po, tita,tito. It's nice to see you both po." Nakangiting wika ng dalaga.

Binalingan ng dalaga si Uno, na masayang nakatingin.

"Tarzan, you can go. Puntahan mo na ibang bisita mo." Pagtataboy niya sa binata.

Isang tango naman ang ginawa nito, at pinuntahan ang ibang mga bisita nito.

Kaliwa't kanan ang mga bumabati. Nagsimula na rin ang kasiyahan.

LINGID sa kaalaman ng lahat may isang pares ng mga matang kanina pa nagpipigil ng mga luha.

"I told you, hindi na tayo dapat nagpunta dito." Nag aalalang wika ni Barbie sa kapatid.

"No ate, gusto kong nandito ako. Alam ko pag nalaman ni Uno, ang totoong dahilan bakit ko siya iniwan, babalikan niya ako." Umaasang wika nito.

"Margie."

"Ate, please?"

Tanging isang bunton hininga naman sagot ni Barbie.

Panay naman ang sulyap ni Uno, sa lamesa ng mga kaibigan. Partikular kay Berry.
Sobra talaga siyang masaya na nandito ito ngayon.

Nang magsimula ng magsalita ang host ng event, ay tinawag nito ang birthday celebrant, upang mag-speech.

Nagpasalamat ang binata sa lahat ng mga dumalo. At sa kalagitnaan ng speech nito ay nagulat ang dalaga.

"Sa loob ng mahigit anim na taon, masasabi kong ito na ang pinaka special na birthday ko. Ladies and gentlemen, I would like to meet you all, my inspiration, the reason I woke up with the smile on my face, and my everything. The woman, wearing a seductive black gown in that corner." Puno ng pag suyong tumingin ang binata sa gawi ng dalaga.

STRAWBERRY BY: GRACEYDonde viven las historias. Descúbrelo ahora