Chapter 24:

1.2K 25 0
                                    

TILA ayaw ng matapos nina Uno, at Berry ang gabing iyon.

"Ay, sa wakas! nagkaroon din ng katuparan ang pangarap na lovelife ni Strawberry!" Kinikilig pa itong nakatingin sa dalawa na halos hindi na maghiwalay.

"I would like to make a toast, para sa nabigyang katuparan na pag-iibigan ni Tarzan, at Sunshine." Ani Jecka at itinaas ang kopita.

"Cheer's!" Isahang wika ng lahat. Isang masaya at puno ng pagmamahal na gabi para sa lahat.

……

PARANG panaginip parin ang lahat, para kay Berry. Walang oras at araw na hindi sila masaya ng binata. Kahit busy sila ay ginagawaan parin ng binata na magkaroon ng oras para sa kanilang dalawa.

Ilang linggo nang maging ganap na sila ni Uno.
"Shine, nag-start na 'yong movie, halika na." Tawag ng binata kasalukuyang nagmo-movie marathon sila sa bahay ng dalaga.

Bitbit ng dalaga ang juice at popcorn. Dali dali siyang tumabi sa nobyo.

Agad siya nitong niyakap.

"Horror ba pinapanuod natin?" Natatawang baling ng dalaga sa binatang nakayakap sa kaniya.

"Hhmm. Eh, gusto kita kayakap." Buong lambing pa nitong pinatong ang mukha sa balikat niya.

"Love you." Masuyong tinig nito.

"Nagpapa-cute 'yong Tarzan. Sige na nga Love you too." Kinikilig na sagot ng dalaga.

"Kiss ko?"

"Demanding! Ayoko nga!"

"Ah,ganoon!" Bigla siya nitong inihiga sa sofa, at hinawakan ang magkabilang kamay niya.

At parang tinutukso-tukso siya nitong hahalikan sa leeg.

"Uno! Ano ba!" Tili ng dalaga dahil nakikiliti siya.

"Isa..." Wala ng pangalawa, dahil sinakop na ng binata ang labi niya.

Nauwi sa mainit na halikan ang harutan na nila. Kusang pumulupot ang mga kamay ng dalaga sa leeg ng binata.

Nasa ganoong posisyon sila ng pumasok si Almond.

"Oops! Sorry!" Anito.

Agad naman tinulak ng dalaga ang binatang nakapatong sa kaniya.

"K-kuya." Nagkulay kamatis ang buong mukha ng dalaga, dahil sa hiya sa kapatid.

Samantalang kamot ulo naman si Uno, na napapangiti.

"Ah, kasi kukunin ko lang 'yong mga cd ko." Agad na pumunta ito sa cd shelf.

Akmang tatalikod na ito ng muling bumaling sa kanila.

"Next time, lock the door ha?" Natatawang kumindat pa ito sa kanila. Bago tuluyang umalis.

Napatawa naman ng tuluyan si Uno.

"Ikaw kasi! Nakakahiya! Hmp." Nahihiyang naiinis na sambit ng dalaga sa nobyo.

"Shine, don't worry, pag sinumbong tayo ni Almond kay tita. Pananagutan ko 'yong nangyari." Lalong ngumisi pa ito.

"Ggrrr! Uno!" Sita ng dalaga na nanlalaki ang butas ng ilong sa kahihiyan.

Mas lalong nagbunghalit ng tawa ang binata, sa reaksyon ng nobya.

……

"ANONG sinasabi mo? Kung mali man na pinaasa natin siya, may maganda namang nangyari sa kalagayan niya." Pumipiyok ni wika ng ina ni Margie.

Kasalukuyang pinag-uusapan ng pamilya ni Margie, ang lumalalang kalagayan nito.

"Pero mas lumala ang nangyari, Mina! Tingnan mo, nasasaktan siya at baka ito pa ang maging hudyat para bumalik na naman ang sakit niya." Mariing sagot ni Mr. Corpuz.

STRAWBERRY BY: GRACEYWhere stories live. Discover now