Chapter 7:

1.4K 39 1
                                    

Un-registered number ang naka-flash sa screen ng cellphone niya.

"Hello?" Kunot nuo niyang sagot.

"Hi, did you received the flowers?" Wika ng nasa kabilang linya.

"How and where, did you get my number?" Mataray na tanong ng dalaga, ng mapagtanto kung sino ang tumawag.

" I have my access, Berry. I guess na-received mo na nga." Naaliw na wika ng binata.

"Huwag ka na uling magpapadala pa dito ng kahit ano, at pwede ba? 'Wag kana din tumawag." Inis na sagot ng dalaga.

"Paano kung ayoko? Anong gagawin mo?" nanantiyang tanong ni Uno.

"So, ano yan? Sinusubukan mo ako?" Balik niyang tanong.

"Let's meet, Berry. Please?"

" Wala akong panahon sa iyo Uno. Masyado akong abala, para sa gusto mo. Goodbye." Agad niyang pinatay ang cellphone.

"Anong sabi dude?" Tanong ni Miko kay Uno.

"Binabaan ako, 'wag na daw ako magpapadala ng kahit ano. At 'wag ko na din daw siya tawagan." Dismayadong wika ng binata.

"Tsk, mahirap talaga manuyo ng babaeng galit. Well, you can't blame her." Naiiling na sagot ni Miko.

"I know, this is going to be hard. Kaya this time, babawi ako. Alam kong kasalanan ko na hindi ako nakinig sa kaniya before, at pinagsisihan ko iyon." Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ng binata.

"Good luck dude. Sana maging okay na ang lahat, between both of you. Sayang ang pinagsamahan niyo." Bago tuluyang lumabas ito ng kaniyang opisina.

KASALUKUYANG nasa meeting room si Berry.

"Monreal Architectural Firm?" Kunot nuong tanong ng dalaga, ng mabasa niya ang listahan ng top companies, na subject nila para sa susunod na buwan.

"Yes po ma'm, kasama po ang M.A.F. Sa one the most execellent companies, based po sa survey natin. Any problem po ma'm?" Wika ng planning head.

"No, wala naman."
"Okay, proceed na tayo after this. Make sure nakapag set na kayo ng appointment with them, for their interviews. Para ma-lay out na yong cover natin ng mas maaga. Ayoko ng nag hahabol, understand?" Puno ng authority na wika ng dalaga.

……

" Have a great day ahead." Uno.
Naiiling na sinulyapan ni Berry ang isa na namang basket ng sunflower, na pindala ng binata ng sumunod na araw.

'ang tigas talaga ng ulo' Sabi niya sa kaniyang sarili.

"Sa iyo nalang uli yan, Lisa." Sabay talikod.

"Pero ma'm..." Habol ni Lisa, Ngunit nakapasok na ang kaniyang boss.

"Ay talaga naman, ang ganda pa naman nito tapos inaayawan lang? Sino kaya nagpapadala ng mga 'to?" Curious na tanong ni Lisa ang sarili.

Samantalang sa loob naman ng board room ng M.A.F. Lahat ay seryoso at ingat na ingat sa bawat pagsasalita, dahil kaharap nila ang kanilang presidente na mainitin ang ulo. Walang iba kundi si Uno.

"Sir, my tawag po akong na-received about an hour ago, before we start from society magazine po, they are asking if we can give them an appointment for a interview with you po sir." Pag rereport ni Len, ang P.R ng M.A.F.

"Interview? Society magazine?" Nagtatakang tanong ng binata.

"Yes, sir..Featured for next month issue daw po nila. With the theme of "Most top excellent companies." Kasama daw po ang company natin sir. Ang sabi ko po ask ko muna sa inyo, mag returned call nalang po ako pag okay na po sa iyo." Mahabang turan nito.

"Whoa, that's nice! Dagdag sa promotion ng company yan. What a coincidence, society magazine pa talaga." Napalatak na sabat ni Miko at todo ngiti kay Uno.

Saglit na nag-isip ang binata at may nabuong plano sa kaniyang isip.

"Okay, ms. Len, huwag kang mag-rereturned call sa kanila, then pag nag-follow up call sila, tell them that you can't give an appointment, unless their very own Vp ms.Berry Marquez, personally asking me to settle the said interview. Clear?" Isang matamis na ngiti ang binigay ni Uno kay Len. Para namang natuklaw ng ahas ang babae, bukod sa halos malaglag ang panty niya sa ginawa ng boss, Parang ngayon lang ito ngumiti ng ganun, pati ang mga nandoon ay napaawang ang mga labi. My himala!
Kulang nalang ay humagalpak ng tawa si Miko. Mautak talaga ang naisip na plano ng kaibigan niya.

Nangingiting paikot ikot ni Uno, ang kaniyang swivel chair sa loob ng kaniyang opisina.

"Ngayon, Berry ikaw na ang lalapit sa'kin, sa pagkakataon ito sisiguraduhin kong hindi mo na ako maiiwasan, at kakausapin mo din ako." Aniya sa sarili.

Masyadong naging abala si Berry kaya't hindi niya namalayan ang oras, kung hindi pa nagpaalam ang kaniyang sekretarya ay hindi mapupukaw ang kaniyang kamalayan.

Naniningkit ang mata ng dalaga ng mapansin kong sino ang naghihintay sa kaniya sa labas ng society building.

"Hi!, Kanina pa kita hinihintay. Hindi na ako tumawag I know, papatayan mo lang ako." Wika ng binatang komportableng nakasandal sa kotse niya. Todo ngiti pa ito na animo'y model ng isang toothpaste commercial.

Saglit na natigilan ang dalaga at kumabog na naman ang kaniyang pasaway na puso.

'Oops! Ngiti palang yan, wag mong sabihin natatangay ka?' Tanong ng isang bahagi sa isip niya. Isang malalim ng paghinga ang kaniyang ginawa at nagsalita.

"Ano ka ba? Despirado? Hanggang dito ba naman ayaw mo akong tigilan?" Asik niya sa binata.

"Berry, please? I know galit ka sa'kin bigyan mo lng ako ng chance na bumawi sayo. Let's talk." Pakiusap ng binata sa dalaga.

"Nakakatawa ka naman Uno, ikaw na ngayon ang nagsasabi sa'kin na bigyan kita ng chance na makausap ako? Hindi mo ba naalala six years ago, I'm asking for your five minutes para makapa-explain ako. Pero pinagdamot mo iyon. Kaya pwede ba tigilan mo na ako." Bumalatay sa magandang mukha ng dalaga, ang pag uuyam ng maalala kung paano siya magmakaawa noon sa binata.

"I know, at pinasisihan ko na naging bingi ako sa mga paliwanag mo, alam kong napaka stupido ko dahil nasaktan kita." Bakas sa tinig ng binata ang pagsisisi.

"Walang ng saysay yan Uno. Nakalipas na iyon at dapat sa nakalipas, hindi na binabalikan..." Hindi inaasahan ni Berry ang sunod na ginawa ng binata.

Tinawid ng binata ang kanilang pagitan at niyakap siya ng buong higpit. Parang tumigil ang pag tibok ng kaniyang puso ng mga sandaling iyon. Noong mga panahon na ayos pa sila, pag binibigyan siya ng 'yakap kaibigan' ng binata, kilig na kilig at sinasamantala pa niya. Pero ngayon parang tuod lang siya. Hindi niya alam ang dapat niyang maging reaksyon ng mga sandaling iyon.

"I miss you." Bulong ng binata. Lalong nanginig ang mga kalamnan ng dalaga sa narinig.

STRAWBERRY BY: GRACEYWhere stories live. Discover now