Chapter 18:

1.3K 36 0
                                    

"WHAT?!" Bulalas ni Pinky.

Halos sabay na napangiwi sina Berry, at Jecka, sa reaksyon ng kaibigan.

Dahil sa kakaisip ng dalaga sa mga ginagawa ni Uno, nagpasiya siyang humingi ng opinion sa dalawang kaibigan.

"As in nag-kiss kayo ni Uno! Omg!" Sinapo pa nito ang dibdib.

"Hindi ko nga alam kung bakit niya ginagawa 'yon. Sa totoo lang naguguluhan din ako, wala naman siyang sinasabi na kahit ano." Isang malalim ng buntong hininga ang pinakawalan ng dalaga.

"Alam mo 'bru, ang pinaka magandang gawin mo ay tanungin mo si Uno. Dati ka nang nasaktan, Baka mamaya umasa ka na naman. " Wika ni Jecka.

"Eh, diba nga bumabawi daw siya? So enjoy mo nalang 'bru." Ani Pinky

"Enjoy? Tapos sa huli ay crying lady na naman ang emote niya?" Sagot ni Jecka.

"Alam n'yo ang pinagdaanan ko. At tama ka Pinky, nasisiyahan ako sa mga effort niya. Pero hindi ko maiwasan na mag-alinlangan. Dahil tama ka din Jecka, nasaktan na ako." Aniya.

"Ang best solution ay tanungin mo siya, kung bumabawi lang talaga ang ginagawa niya, bakit may halikan portion pa." At napangiti pa si Pinky.

SAMANTALA kanina pa pinagmamasdan ni Uno, ang photo frame na nasa kaniyang harapan. Na may larawan nilang dalawa ni Berry, nang nasa kolehiyo na sila pareho.
Nangingiti naman ang binata habang nakatitig sa mukha ng dalaga. Matagal na itong nandito sa opisina niya.

Hindi tuloy niya napansin ang pagpasok ni Miko.

"Mukhang nadala ka yata sa ibang mundo ng picture na yan ah." Tukso niya sa binata.

Napapailing na napapangiti si Uno, habang binabalik niya ang photo frame.

"All seat na ba lahat para sa sunday?" Tanong ni Miko.

"Ayos na lahat. And I can't wait." Tugon ng binata.

……

Tokyo, Japan.

"How are you, Margie?" Nakangiting bungad ni Barbie sa kapatid.

Nasisiyahan siyang makita na nagiging maayos ito.

"Feeling better! Excited na akong umuwi ng pilipinas." Mababakas ang excitement at kasiglahan nito.

"Wait, I have something for you, from philippines." Aniya at binigay niya ang dalang paper bag.

Agad namang binuksan iyon ng dalaga.

"Magazine?" Nalilitong napatingin siya sa kapatid.

"Yup, turn to page to 35." Aniya sa kapatid.

Agad namang tumalima ito.

"Uno!" Bulalas nito. Pagkatapos ang dinala pa niya ang magazine sa kaniyang dibdib at niyakap ito ng mahigpit. Bahagyang namasa ng luha ang kaniyang mata. Makalipas ang ilang sandali ay excited niya itong binasa.

"He's doing great, walang pinag bago sa kaniya. Handsome parin." Puno ng kasabikan na tinitigan ito ng dalaga.

"At napaka successful ng company nila." Dugtong ni Barbie.

"I miss him badly, ate." Bahagyang lumungkot ang tinig nito.

"Kaya nga, pagaling ka pa para makauwi kana ng pilipinas, at magkita na kayo." Nilapitan ito ni Barbie at niyakap.

"I will ate." Ani ni Margie na puno ng determinasyon.

……

LINGGO nang umaga, humihikab pa ang dalaga palabas ng kanilang bahay, kasunod ang binatang si Uno.

STRAWBERRY BY: GRACEYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon