Chapter 27:

1.4K 36 1
                                    

PILIT pinapakalma ni Berry ang sarili sa pag-luha. Habang tahimik naman na nagmamaneho lang si Brent.

"Brent, thank you ha? Pasensya kana kung naabala kita." Aniya.

"You're welcome. Okay lang, atleast nakatulong ako kahit konti." Nakangiting sinulyapan siya nito.

"Ang hirap, pero nagawa ko." Muli na naman pumiyok ang boses ng dalaga.

"Hanga ako sayo, masyadong malaki ang puso mo. Kahit na sarili mong kaligayahan pinagpaparaya mo. Talagang napaka-swerte ni Uno sayo." Lihim na nanghihinayang ang binata.

"Gusto ko lang naman maging maayos ang lahat. Hindi naman mawawala ang pagmamahal ko sa kaniya." Hindi malaman ng dalaga kung paano haharapin ang mga susunod na araw ng buhay niya na wala si Uno.

"Marami akong dalang tissue, kasi ilang oras pa ang byahe natin, kaya pinaghandaan kita." Biro nito at inabot ang dalawang piraso ng tissue box.

Biglang namang napangiti ang dalaga, dahil nakuha pa nitong biruin siya.

……

NAGMAMADALING pumasok sa gate ng mga Marquez, si Uno.

Agad niyang nakita ang mommy nito.

"Tita, nasaan po si Berry? Pwede ko po bang makausap?"

"Wala siya dito, hijo. I think hayaan muna natin siya." Malungkot na tinig nito.

Bago palang ito magpaalam sa binata, ay alam na niya ang mga plano ng anak.

"Please, tita. Sabihin niyo po kung nasaan siya. Hindi ko kaya ang gusto niyang gawin ko." Pagsusumamo ni Uno sa ginang.

"I'm sorry, Uno. Gustohin ko man na tulungan ka ay hindi ko din alam kung papaano. Gawin mo lang nais niya. Pasaan ba at maayos din ang lahat." Pang aalo nito sa binata.

Laglag ang mga balikat ng umalis sa mansion ang binata.

……

LORENZO'S ISLAND RESORTS. Agad na nabasa ng dalaga ang malaking signage habang papasok sila sa entrance.

"Sana makatulong ang lugar na ito sa iyo. Don't worry may discount ang pag stay mo dito." Anito habang kinukuha ang mga maleta niya.

Bahagya namang napangiti ang dalaga sa huling sinabi nito.

"Ang ganda naman dito, Brent." Habang ginagala niya ang buong paningin.

"Yeah, kahit hindi summer ay maraming tourist ang pumupunta dito."

Personal na pag aari ni Brent, ang resort. Dahil mahilig sa pang tubig na sports ang binata.
Sadyang napakaganda ng lugar. At Napakalaki ng nasasakupan nito.

Sa isang cottage siya dinala ng binata.

"Pahinga ka muna. Pupuntahan nalang kita pag ready na ang lunch." Anito ng masigurong ayos na siya.

Pinagmasdan niya buong paligid ng kaniyang cottage. Maaliwalas at tunay na nakakagaan ng pakiramdam ang kabuuan.

Muli na namang sinalakay ng matinding kalungkutan ang kaniyang puso.

Maliban kay Brent at kaniyang pamilya, ay walang nakakaalam ng ginawa niyang pag alis. Saka nalang niya tatawagan ang mga kaibigan. Dahil alam niyang hindi ito titigilan ni Uno.

"Sana maging maayos na ang lahat, Uno." Usal niya habang lumuluhang nakayakap sa unan.

……

"Tama na, dude. Baka hindi kana makapag-drive." Pilit inaagaw ni Miko ang baso ng alak kay Uno.

STRAWBERRY BY: GRACEYWhere stories live. Discover now