Chapter 14:

1.2K 37 0
                                    

KANINA pa nakaalis ang binata, ngunit si Berry ay parang wala pa rin sa sarili ng mga sandaling iyon. Kasalukuyan na siyang nasa kaniyang silid.

" Ganun pala yong pakiramdam ng first kiss?" Parang baliw na nai-santinig ng dalaga. At napapangiti siya tuwing maalala ang tagpong iyon. Paminsan minsan ay dinadama pa niya ang kaniyang labi.

"Hmp. Tumigil ka nga. Para naman akong teenager nito." Saway niya sa sarili.

KINABUKASAN parang ayaw pang bumangon ng dalaga. Ang bigat ng talukap ng kaniyang mga mata. Napuyat na naman siya.

"Ano ba 'to?" Habang sapo pa niya ang ulo. Kahit inaantok pa talaga siya, ay pinilit niyang mag asikaso ng sarili.

Pababa palang ay may naulinigan na siyang mga boses. At habang papalapit ay nakompirma nga niyang hindi lang ang kaniyang ina at kapatid ang nandoon.

"Morning, bunso. " Bati ng kaniyang kuya.

"Morning, kuya." At nilapitan ito.

"Anak, upo na at kanina pa nandito itong si Uno." Wika naman ng kaniyang ina.

Parang hindi siya makatingin ng deretso sa binata, ng mga oras na iyon. Naalala na naman niya ang paghalik nito sa kaniya.

"Good morning, Sunshine." Napakalawak pa ng pagkaka ngiti nito sa kaniya. Ang gwapo at ang fresh nitong tingnan. Lalo pa at naka-corporate attire ito. Sinamahan pa ng killer smile. Sabay inabot nito ang hawak na bulaklak.

'Ay naku, umayos ka nga Berry!' Saway niya sa sarili. Unti unti na naman naging abnormal ang tibok ng puso niya.

"G-goodmorning, thank you. Ang aga mo. " Pilit niyang maging kaswal. At umupo sa katabing upuan ng binata.

"Para hindi ka ma-late. At saka makiki breakfast ako, kaya inagahan ko." Todo ngiti pa rin ito sa kaniya.

"Kahit araw araw pa, Hijo. Walang problema." Sagot ng mommy niya.

"Oh, 'bro. Paano ba yan? Si mommy na nagsabi, kahit everyday ka daw dito mag- breakfast." At muling tiningnan siya ng kapatid. Sinisipat ang reaksyon niya.Agad naman niyang itinuon ang attensyon sa pagkain, pinili nalang niyang 'wag ng magkomento pa. Hanggang natapos ang kanilang umagahan, ay hindi masyadong nagsasalita ang dalaga.

Nasa loob na sila ng sasakyan ay tahimik pa rin ang dalaga. Dala ng pagkailang.

"Shine? Okay ka lang ba?" Tanong ng binata na humarap pa sa kaniya.

"Oo, Medyo inaantok pa kasi ako." Pagdadahilan niya.

"Napuyat ba kita, last night?" May naglalarong pilyong mga ngiti sa labi nito.

"H-hindi noh!" Mabilis niyang sagot, in a defensive tone.

'Bwisit ka kasi!' Piping sigaw ng dalaga sa isipan.

"Maaga naman tayo umuwi kagabi, Shine." Talagang sinusukol siya ng binata.

"O-oo nga!"
"I mean, oo nga m-maaga tayo umuwi. Pero kasi may tinapos pa akong paper works. O-oo, tama. May t-tinapos ako." Hindi makandatutong paliwanag niya.

"Ah, ganoon ba." Naaliw na wika ng binata. Pero ang tingin nito sa kaniya ay parang hindi naniniwala.

Binaling niya agad ang tingin sa labas ng bintana.

"Shine?" Untag muli ng binata.

Mabilis siyang lumingon sa binata.

"Hindi ka pa naka-seat belt." Hindi na nito inantay ang magiging reaksyon niya.
Dahil ito na mismo ang Dumukwang para ikabit ito. Parang mawawala na talaga sa huwisyo ang pakiramdam niya, ng mga oras na iyon. Dahil langhap na langhap na niya ang mabangong amoy ng binata. At konti nalang baka magkalapat na naman ang mga labi nila. Para lang siyang tuod, ayaw niyang gumalaw pati pag hinga niya ay pigil na pigil.
At nang sa wakas ay natapos din ito.

STRAWBERRY BY: GRACEYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon