Chapter 15:

1.2K 32 1
                                    

THE MAN behind in Lorenzo Legal and Accounting Firm. Unang linya ng pagbabasa ni Uno. Ayon sa nakasulat doon, thirty one years old at certified bachelor ito. At nakalagay din doon kung sino-sinong mga kilalang tao ang naging client nito. Hawak din nito ang mga ilang magagaling na accountant ng bansa. At kung susuriin ay talagang impressive nga ito. Hindi nakapagtataka kung bakit nakasali ito sa top companies.

Muling sinipat ng binata ang oras. Alas syiete 'y media na. Thirty minutes na ang lumipas mula ng mag usap sila ng dalaga.

Isang katok ang pumukaw sa kaniya.

"Come in."

Bumungad si Miko.

"Dude, final draft nalang tayo bukas. Tara na uwi na tayo." At pabalya itong umupo sa tapat niya.

"Mauna kana. May inaantay pa ako." At muli niyang binalik ang tingin sa binabasa.

Napatingin naman si Miko kay Uno. Nakita niya ang hawak nito.

"Infairness, dude ang gwapo ng kuha mo diyan ha. Hindi mo pa ba nabasa yan." Ngumisi pa ito.

"Tungkol sa kaniya ang binabasa ko." At saka niya nilapag sa harapan nito ang page ni Brent.

"Brent Lorenzo? Bakit? kukunin mo serbisyo niya?" Takang tanong ni Miko.

Umiling iling naman si Uno.

"Siya ang bagong corporate lawyer ng society magazine." Tumayo pa ang binata at lumapit sa glass partition ng kaniyang opisina. Saka niya tinanaw ang view ng paligid. Dahil nasa 20th floor siya.

"And?"

"Kasama siya ni Berry ngayon. They are having dinner." Huminga pa siya ng malalim.

"So? Ano naman kung nag-didinner sila?" Naka kunot nuong tanong ni Miko.

"I meet him last night. The way he look at Berry, ramdam kong intresado siya kay sunshine." Napatiim ang mga tingin ng binata.

"Uh-oh, you mean magiging karibal mo 'tong abogado na 'to?"

Hindi umimik ang binata.

"Tsk, ano ka ba dude? Lamang kana sa kaniya, bakit na-tretreaten kapa? At saka ano pa ba kasi hinihintay mo, kung magtapat kana kaya kay Berry para tapos na." Patuloy nito.

"Ayokong madaliin ang lahat. Gusto ko muna itama ang mga pagkakamali ko kay Berry. Nasaktan ko siya at gusto ko munang bumawi, bago ko aminin sa kaniya ang totoong nararamdaman ko." Aniya kay Miko, na matamang nakikinig.

"Bilisan mo lang, dude. Abogado 'yang kalaban mo, Agressive ang mga ganyang tao." Paalala ni Miko.

"I know, sisimulan ko na ang lahat ng plano ko." Determinadong wika pa ni Uno.

SAMANTALA masaya namang kumakain sina Berry at Brent. Panay pa ang patawa ng binata. At talagang nag eenjoy ang dalaga sa company ng binata.

Habang si Brent naman ay naaliw na pinagmamasdan ang ang dalaga. Sa tuwing tumatawa at ngumingiti ito. Walang halong kaartehan. Natural na natural. At lalo itong gumaganda sa paningin niya.

"I have something to tell you, Berry." Saka Tinitigan ni Brent ang dalaga.

"What is it?" Habang sumisimsim ng juice ang dalaga.

"Noong magkasabay tayo sa elevator, sa totoo lang, you already caught my attentions. Para kang angel." Diretsong pahayag nito.

Kiming ngumiti naman ang dalaga.

"And please 'wag kang ma-ooffend. I just want to know more about you." Patuloy nito.

Tumikhim muna ang dalaga bago nagsalita.

STRAWBERRY BY: GRACEYWhere stories live. Discover now