TLPT #46- Light(Last Chapter)

7.3K 225 11
                                    


Chapter 46- Light(Last Chapter)

Nylla POV

Fvck.

A-Anong ginagawa ni Demon dito?!

You heard me right, nung lumapit kasi sa pwesto namin ang Queen of Darkness. NASA LIKOD NIYA LANG PALA SI DEMON! P-Pero bakit parang may mali? No, no, no. Impossibleng nandito siya para iligtas ako at ipatigil ang karumal dumal na seremonya na ito. Alam niyo kung bakit? Nung tiningnan ko yung mga mata niya.... Walang kabuhay-buhay ito hindi tulad ng dati o yung normal. Sh*t. Dont tell me?!

"At last, your here! C'mmon Nylla, meet your new future husband" bungad samin nang Queen of Darkness at itinuro pa si Demon.

Napakunot naman ang noo ko at napatingin sa katabi ko na si peklat. Nakakuyom lang naman ang mga kamao niya habang kitang-kita ang salitang galit sa mga mata niya.

"What do you fvcking mean?" Inis na tanong ko at binalik na muli ang tingin sa Reyna ng kadiliman. May hint na ako sa mga nangyayari pero ayokong paniwalaan ito. Oh God.

"Haha. Hindi pa ba obvious? Si Jared na ang makakasama mo sa pagpapakasal ngayon kaya magsasama parin kayo panghabang buhay! Aren't you happy?! Haha!" Pangaasar na sagot nang Queen of Darkness. Susugod na sana ako sa kanya dahil sa sobrang galit na naramdaman ko pero napatigil ako nang may mga humawak sa magkabilang braso ko at sapilitang nilagyan ng handcuffs. Triny ko din silang sipain pero may mga humawak din sa mga binti ko. Fvck!

"We have a deal, you devil! Uggh!" Galit na sigaw ko at pilit parin na kumakawala sa kapit nila sakin pero narinig ko lang na tumawa siya ng malakas. Yung tawa na para bang pangdemonyo. Tss. Dapat naisip ko na dati pa na hindi siya yung klase ng tao na tumutupad sa usapan eh! Aissh! Akala ko kasi may isang salita siya! Wala pala! Bulok!

"What the fvck?! What is this, mom?! Hey, get off her!" Galit naman na sigaw ni peklat na para bang ngayon lang napagtanto na kanina pa pala ako hinahawakan at nilagyan pa ng handcuffs.

"Haha. You know, dear. You can't fool me. Alam kong sinabi mo sa magaling mong kapatid ang mga plano natin. You really hurt my feelings my dear. How could you, huh? I trusted you. So tell me, who's the one who first broke the promise?" sabi niya na may kasama pang feelings at with actions dahil napahawak pa siya sa dibdib niya at umiling iling pa! Aba! Best actress! Halata namang nangaasar lang siya dahil kahit nagaacting siya kanina, nakangisi siya. Tss.

Susugod rin sana si peklat sa Nanay niya pero masyadong mabilis ang mga pangyayari. May mga nakahawak na rin sa kanya at nalagyan na rin siya ng handcuffs.

"Fvck! Fvck! Don't do this, mom! Please! Im begging you!" Sigaw ni peklat dahil hinihila na siya palayo samin nang mga may hawak sa kanya. Nagpupumiglas din siya tulad ko pero madami ding nakabantay sa kanya kaya wala rin siyang kawala.

Mas lalo naman akong nanggigil sa galit. Ugggh!

"You fvcking Devil! You will really do everything just to be that powerful, huh?" Matiim na sabi ko at tiningnan siya ng masama. Pero gaya nga nang kanina niya pang ginagawa, tumawa lang ulit siya ng mahina. She's really a damn crazy woman.

"Oh yes. I want to be the most powerful in this world!" Sigaw niya at tumawa ng pagkalakas lakas. Napasmirk na lang ako at napailing iling. Malala na siya.

"Okay, times up! Let the wedding starts!" Sabi niya sa tonong naeexcite. I just rolled my eyes.

Lumapit naman sa akin si Demon at inilagay ang kanan kong kamay sa kaliwa niyang braso(actually, kaliwa at kanan kong kamay na ang nakalagay sa kaliwa niyang braso dahil nakahandcuffs nga ako). Tatanggalin ko na sana iyon kaso lumapit siya sa tainga ko. Sh*t! Nararamdaman ko yung paghinga niya sa leeg ko! Damn!

The Lost Princess TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon