TLPT #18- Food Fight

5.2K 227 6
                                    


Chapter 18- Food Fight

Nylla POV

Naglalakad na ako ngayon sa hallway. Lunch na namin ngayon kaya papunta na ako sa cafeteria. Damn. Nakakapagod. Pano ba naman, inutusan ako magdamag nung Jared na yun kahapon. Kaklase ko rin pala yung demonyong yun. Masyado niyang sinusulit yung pagiging slave ko. Tss akala ko bumait na, yun pala hindi pa. Tanga lang, demonyo tapos babait? Tss. Isang malaking ASA. Isama mo na din yung practice sa Archer's Club -____-

"Hoy ikaw. Dalhin mo itong bag ko sa locker ko. Ito yung susi. Wag mo iwawala yan. Kailangan ko lang pumunta sa palasyo. Kapag nawala yan, lagot ka sakin" sabi nung demonyong Jared at umalis na. Punyeta. Hindi man lang ako pinagsalita! Ano rin bang meron dito sa bag at ang bigat?! Aissh. Ang sarap ihagis eh.

"Baby, tulungan na kita jan" sabi nung Jason at lumapit sakin. Hmm, infairness sa kanya. Simula nung nangyari doon sa hallway nung isang araw, hindi na siya naging asong ulul na sumusunod sakin.

Hindi na ako tumanggi pa at binigay ko na sa kanya yung bag ni Jared. Ang bigat talaga =___=

Pagkarating ko sa locker niya, syempre binuksan ko na ito. Pagkabukas ko, hinarap ko na si Jason na bitbit-bitbit yung bag, nakita kong nakakunot na yung noo niya at nakatingin doon sa bukas na zipper nung bag.

"Hoy, bakit mo binuksan?" Tanong ko.

"Uhh. Nacurious lang kasi ako kung bakit napakabigat kaya binuksan ko" sabi niya. Lumapit naman ako sa kanya at tiningnan na din ang loob ng bag. Nacurious din ako eh.

"WTF?! BAKIT PURO BATO YUNG LAMAN?!" Sigaw ko. Leche, puro bato na katamtaman lang yung laki yung mga nasa loob ng bag. Anak ng! Demonyo talaga iyang si Jared! Aissh! Buti na lang hindi ako yung nagbuhat! =____=

"Mukhang pinagtripan ka ng kapatid ko. Tsk tsk" sabi ni Jason at nilagay na ang bag ni Jared sa loob ng locker niya.

"Psh. Pinagtripan niya ako pwes pagtritripan ko din siya" sabi ko at ngumisi nang malademonyo.

"Haha. Ibang klase ka talaga" sabi niya at umiling iling pa.

"You will help me right?" Tanong ko.

"Sure, baby. You can always count on me" sabi niya at kumindat pa. Tch.

"Geh. Punta na ako sa cafeteria" sabi ko at naglakad na palayo. Buti naman hindi siya sumunod.

Pagkarating ko sa cafeteria, lahat nang babae nakatingin sakin nang masama. Actually, puro babae ang nasa cafeteria ngayon. Anong meron? Lumapit sakin yung isang babae na akala mo ay GRO. Ang ikli ikli nung palda, halos makita na yung panty niya. Makasuot din ng heels akala mo wala sa school. Tapos dun naman sa pantaas niya, nakabukas yung dalawang butones. Pinapakita yung cleavage niyang wala naman -_____-

"You flirt!" Sigaw niya at tinapon sakin yung juice na hawak niya sa kanang kamay. WTF?! Uh-oh. Nagkakamali siya ng binangga. And take note, sa mukha ko pa tinapon yung juice.

"Mamatay ka nang malandi ka!"

"Lagot ka samin ngayon!"

"Hindi nababagay sa school na ito ang isang malanding katulad mo!"

"Wag mo landiin si Jared! Kay Nylla na siya!"

"Inaagawan mo si Nylla!"

"Nilalandi mo na nga si Jared, pati ba naman si Sir Jason?! Mahiya ka naman!"

The heck?! Ayan ang mga pinagsisigawan nilang lahat. Sari sari na. Tsaka ako malandi?! Baka kailangan muna nilang tumingin sa salamin?! Tsaka ano daw?! Pati yung Jason na asong ulul nilalandi ko daw?! What the?! Eh halos ipagsigawan ko sa mundo na ayoko dun sa lalaking iyon! At hindi ko nilalandi si Jared! Nagpapatulong lang ako sa kanya!

The Lost Princess TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon