TLPT #34- Queen Hartley

6.1K 241 2
                                    

A/N: May achievement ako! Bwahahaha! Naedit ko yung prolouge nitong Book 2! Lol.

Chapter 34- Queen Hartley

Nylla POV

Nanunuyo na ang lalamunan ko habang ang bilis parin ng pintig ng puso ko. Tapos nang maglaban yung dalawang monster pet ni Jared at nung halimaw. Nanalo ang monster pet ni Jared ngunit parehong may mga sugat, kagat, galos at may mga konting pilay din ito.

Habang sila Jared at yung hayop kong ama na ang King of Death ay patuloy paring naglalaban. Kitang kita ko na pagod na pagod na talaga si Jared. May mga oras na napapapikit na lang ako kapag nakikitang hindi na makatayo si Jared tuwing natatamaan ng aking hayop na ama. Alam kong sobrang nahihirapan si Jared kahit lagi niyang pinipigilan mapaungol kapag natatamaan siya.

Galit ako sa ama ko. Pero mas galit ako ngayon sa sarili ko. Gusto ko silang pigilan pero wala akong magawa dahil hindi ako makalapit sa kanila para umawat. Hindi ko naman kayang gamitin ang kapangyarihan ko. Sa pagkakaalam ko, hindi pa ako marunong kumontrol ng kapangyarihan gamit ang isip lamang. Kailangan nahahawakan ko ito. Tsaka baka hindi ko rin iyon magawa dahil baka manibago pa ako.

Kanina pa akong nagmamakaawa na tumigil na sila pero ayaw talaga magpaawat nung dalawa. Pero may mga sugat at galos din namang natamo ang aking hayop na ama. Gusto kong mapangisi ng malaki tuwing natatamaan siya ni Jared. Pero hindi ko mapagkakailang may kung anong awa akong nararamdaman sa puso ko kapag nangyayari iyon.

"Tired already?" Pangasar na tanong ng King of Death.

Napalunok na lamang ako. Kung nanghihina si Jared ngayon, parang mas nanghihina yata ako. Hindi ko na magawang tingnan pa si Jared ng diretso dahil nasasaktan lamang ako ng sobra. Mas masakit pang isipin na kaya siya nagkakaganyan ay nang dahil sakin. Na kaya siya nahihirapan, nasasaktan at nanghihina ngayon ay dahil lang sakin. At ako na nga ang may kasalanan, hindi ko man lang siya maligtas.

Mas trumiple ang kaba ko ng hindi na talaga makabangon pa si Jared ngayon. Tinatry niyang makabangon pero mukhang napilayan yata siya sa kanang paa at isama mo pang nanginginig na ang kanyang mga braso kapag tinutuod niya ito sa lupa para lang makabangon muli.

"Ano Jared, kaya pa?" Pangasar ulit na tanong ng King of Death.

Umigting naman agad ang panga ko at mas kinuyom pa ang aking mga kamao. That's it! Lalaban na talaga ako kahit hindi ko alam kung paano! Gagawin ko lahat para lang makontrol ang kapangyarihan ng hayop kong ama! Hindi ko na kayang manonood na lamang at walang ginagawa habang nahihirapan at nasasaktan ang isa sa mga taong minamahal at pinapahalagahan ko ng sobra.

Nagconcentrate ako at inalala lahat ng mga tinuro sakin sa mga trainings noon. Yung mga training namin ni Liam noon sa palasyo at pati na rin yung mga turo ni Jared. Bigla naman akong napatigil. ANG TANGA TANGA KO! FVCK!

HOW CAN I FORGOT THAT I HAVE A SHIELD ABILITY?! OH GOD!

Shit! Medyo nasanay na kasi akong water ang kapangyarihan ko! Nawala sa isip ko na bumalik na nga pala ang lahat sa dati. Na ako na talaga ngayon si Nylla.

Pero napakunot ang noo ko nang mapaisip kung anong ability ang gagamitin ko. Hindi pa nga ako marunong gumamit ng ability ko na pagkokontrol ng kapangyarihan gamit ang isip lamang, pagsabayin pa kaya ang shield ability at control ability?!

Napalunok ulit ako nang naghanda na muli ang King of Death na gamitin ang kapangyarihan niya laban kay Jared na pinipilit paring bumangon.

Mukhang ngayon na gagamitin ng hayop niyang ama ang kapangyarihan niyang nakamamatay. Ibang klaseng kapangyarihan kasi ang ipinanlaban ng King of Death kanina kay Jared. Iba iba ito at minsan pinagsasabay sabay pa ito ng aking hayop na ama. Kumbaga, pinagsasama sama niyang lahat ang mga kapangyarihang ninakaw niya sa mga patay na power users at yun ang pinanlalaban niya kay Jared ngayon.

The Lost Princess TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon