TLPT #24- The Story About Their Family

5.9K 243 20
                                    

A/N: Nakakalungkot pala kapag nakabasa ka ng negative comment/s sa story mo noh? Haha. Pero alam ko naman pong part yun ng pagiging author ko. Pero please lang, kung ayaw niyo ng story ko. Feel free to remove my story from your library. Wala naman pong pumipilit sa inyo na basahin pa ito. Yun lang, Enjoy Reading! :*

Chapter 24- The story about their Family

Collin POV

"Tss. Mga weak" bulong ko at tumayo na sa pagkakaupo ko dito sa isa sa mga bleachers dito sa field. Nanood kasi ako kanina ng mga naglalaban laban dito sa field. Training Day ngayon at free training. Kumbaga, depende na sa iyo kung anong gusto mong itraining. O kung gusto mo ba talaga magtraining ngayon o hindi.

Nasa Dream High pala muna ako ngayon dahil dito na nagaaral ang Hari pati si princess/soon to be Queen Nylla. Well, doing my job again. Pero si Nylla ang mas  palagi kong binabantayan at sinusubaybayan dahil ayaw ni King Jared na binabantayan siya. He always says that he can take care of himself. Well, a part of me knows that. Kung ako ang nasa posisyon niya, ayoko rin na binabantayan ako. Like im a 5 years old child.

*Sniff**Huk**Sniff*

"Huhuhu. Waaaaa. Huhu"

Napatigil ako sa paglalakad ng makarinig ako nang isang ngumangawa. Tumingin tingin ako sa paligid, napako naman bigla yung tingin ko sa babaeng nakaside view sa direksiyon ko at nakaupo sa swing habang umiiyak?

"Oh" sabi ko at nagabot ng panyo. Nakakadiri na siyang tingnan eh. Daming uhog. Alam nang iiyak siya hindi man lang nagbaon ng tissue o panyo. Umupo naman ako doon sa katabing swing.

"*punas ng mga uhog**singa ulit* Huhuhu. Salamat ah. Eto na oh" sabi niya at nilapit sakin yung panyo na binigay ko sa kanya. Napalayo naman ako agad at tinaasan siya ng isang kilay.

"Sayo na" sabi ko. Baliw ba tong babaeng toh? Siningahan niya na lahat lahat tapos ibabalik pa sakin.

"S-Salamat. Huhu. Waaa" pagngangawa niya ulit.

"Wag ka ngang ngumawa. Hindi ka na bata, okay? Tsaka bakit ka ba naiyak huh?" Tanong ko habang nakakunot ng noo habang tinitingnan siya. Mukha siyang bata eh.

"K-Kasi, n-namatay na si B-Billy!*huk* Waaaa. Huhuhuhu*sniff" sabi niya at suminga ulit sa panyo. Damn. Ano bang gagawin ko? Hindi ako marunong magcomfort. Bakit pa kasi ako lumapit eh. Naman, naawa pa.

"Sino ba si Billy? Boyfriend mo?" Tanong ko. Mas lalong naman siyang ngumawa.

"Waaaa. Hindi ah! *huk* M-Monster pet ko yon! *sniff" sabi niya. Awtomatiko namang napataas yung isang kilay ko.

"Seriously? Nangawa at naiyak ka jan dahil sa isang hayop?" Di makapaniwalang tanong ko. Tumingin naman siya sakin at sinamaan ako ng tingin.

"Hindi siya bastang hayop lang noh! Huhuhu. M-Matagal ko na siyang alaga kaya tinuring ko na siyang parang isang tunay na k-kapatid. *sniff* tsaka siya din yung n-nagpapasaya sakin kapag malungkot ako. Huhu" sabi niya. Tss, napakaiyakin. Daig niya pa yata ang baby eh.

"Tch. Stay here" sabi ko at tumayo.

"Huh?"

"Dito ka lang. Babalik ako" sabi ko at naglakad na palayo.

Pupunta muna akong cafeteria. Tutal malapit na rin naman yun dito sa may playground. Oo nga pala, wala kami sa College Department. Nasa Elementary Department kami ng school. Malayo layo na pala yung nalakad ko kanina. Di ko man lang namalayan. Anyway, actually bawal kami pumunta dito. Pero wala akong pake.

The Lost Princess TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon