TLPT #43- Wrecked

4.5K 186 39
                                    


Chapter 43- Wrecked

Nylla POV

*Tok Tok Tok*

"Nylla, are you ready?"

Rinig kong tanong ni peklat sa labas ng pintuan. I sighed. Ghad. I really can't imagined I will do this this kind of sh*t.

Pagkalabas ko ng pinto, nakita ko si peklat na nakauniform na pangDream High. Ngumiti siya sakin ng pilit. Hindi ko na lang siya pinansin at lumabas na ng kwarto. Nilabas niya na naman yung black na portal sa bulsa ng pantalon niya at nilapag sa sahig. Here we go.

Pagkapasok namin sa portal, nakarating kami sa lake. Tss. Naalala ko na naman yung nalunod ako dito. Totoo ba talaga iyon? Hindi kasi ako makapaniwala.

"Be ready. Papunta na siya dito" bulong ni peklat sakin at umupo na kami sa isa sa mga bench dito. Nananadya ba siya? Eh eto yung bench na lagi namin inuupuan ni Demon at ito din yung bench kung saan ko siya unang nakita! Tsk.

"Pano mo naman nalaman ha?" Tanong ko at nagcross arms pa pero agad niyang tinanggal iyon.

"Ability ko. Malakas kasi ang pakiramdam ko. Nalalaman ko agad kung may mga ibang parating kahit malayo pa lang sila o may mga taong nasa panganib" sagot niya. Napakunot naman ang noo ko.

"Yun lang ang ability mo?" Tanong ko. Eh kasi naman, anak siya ng Queen of Darkness for God sake! Ineexpect ko nga na mas malakas pa yung kapangyarihan niya sa kapangyarihan ko.

Ngumiti naman siya ng tipid. At hindi ko maipagkakaila na may konti akong kirot na naramdaman sa puso ko nang makita ko sa mga mata niya ang lungkot at sakit. Pero agad din naman nawala iyon.

"Nylla?"

Halos maestatwa yata ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang boses niya. Ghad! Nanghihina ang mga tuhod ko pero pinilit kong makatayo. Buti na lang nakaakbay sakin si peklat. Nakaharap na kami ngayon sa pwesto niya. Nakatalikod kasi kami kanina nung dumating siya. Kitang-kita ko din kung paano magliyab ang mga mata niya habang nakatingin sa nakaakbay na kamay sakin ni peklat. Shit. Pinagpapawisan na ko dito sa sobrang kaba.

"Get your fvcking hands off her" sabi niya. Halos tumalbog ang puso ko nang marinig ko ang cold na boses niya. Nakayuko ako kanina pero buong tapang kong iniangat ang ulo ko at tiningnan siya. Pero nakatingin lang siya ngayon kay peklat gamit ang cold expression niya.

"Tss. Sino ka ba ha? Bakit ka ba nangingielam?" Sabat naman ni peklat at maangas na tiningnan si Demon. Napatawa naman si Demon pero yung tawa na halatang hindi siya natutuwa dahil nakaakbay parin sakin si peklat.

"Im his fvcking husband so fvck off" cold parin na sabi ni Demon pero nandoon yung authority sa boses niya. Ngayon naman ay si peklat ang natawa na para bang nangaasar.

"Husband? Nah. Baka ako? Actually engangement party na namin mamaya. Invited ka" sabi naman ni peklat habang nakangisi. Napalunok na lang ako ng makitang napakuyom ang kamao ni Demon at halatang hindi siya natuwa sa mga narinig niya.

Nabigla naman ako nang may humablot sa kanan kong kamay at hinila ito. Pero napatigil kami nang may humablot din sa kaliwa kong kamay bago pa kami makalayo. Uhh. Hawak ni Demon ang kanan kong kamay habang hawak ni peklat ang kaliwa kong kamay. Agad namang tiningnan ng masama ni Demon si peklat.

"Let go of her" matigas na sabi ni Demon.

"No. You let go. She's my fiancee so your the one who should let go" matigas din na sabi ni peklat at tiningnan din ng masama si Demon.

At nabigla na lang ako sa mga susunod na nangyari. Sinuntok nang malakas ni Demon si peklat at napaupo naman si peklat sa sahig! Agad naman akong kumilos at pumunta kay peklat. Susuntukin pa nga sana siya ni Demon pero hinarangaan ko na siya.

The Lost Princess TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon