TLPT #5- Tradition Game

7.6K 294 3
                                    

A/N: Huhuhu. Tinatamad na ako magUD. Ayokong tamarin kasi mahal ko na itong story nato T^T

Chapter 5- The Tradition Game

Nylla POV (Guys, hindi ibig sabihin na pinagpalit yung katawan at mukha ni Nylla at Shea ay magiging POV na ni Shea yung mga nangyayari kay Nylla. Nylla will remain Nylla. Kahit ang alam ni Nylla ay siya si Shea)

"Shea, gising na. May pasok kaya tayo ngayon" rinig kong sabi ni Ynnah.

"Uggh. Im tired. Ayoko munang pumasok" sabi ko habang nakapikit parin.

"Huh? Masama iyon! Kailangan mong pumasok!" Sabi niya.

"Uggh! Mamayang after lunch na lang ako papasok" inis na sabi ko. Akala ko tumigil na siya sa pangungulit sakin pero nabigla ako nang bigla akong nabasa!

"Fvck! Ang lamig!" Sigaw ko dahil nakasando lang ako at isang manipis na pajama.

Ang lamig din kasi nung tubig na binuhos sakin. Napatayo din agad ako sa kama dahil sa gulat. Tiningnan ko ng masama si Ynnah na hawak hawak pa ang isang balde na galing yata sa banyo. Ngumiti lang siya sakin at nagpeace sign.

"Damn! Why the hell did you do that?!" Sigaw ko. Nakita ko pang medyo nagulat siya sa tono ng boses ko. Tsk.

"Ah eh. Hehe. Ayaw mo kasi gumising. B-Binuhusan kita ng malamig na tubig para magising yung diwa mo. Effective naman eh. Hehehe. Hayaan mo, ako na lang magpapalit ng bedsheets mo. Hehehe" sabi niya.

Nabasa din kasi syempre yung bedsheets ko. Inirapan ko na lang siya at kinuha na yung uniform at tuwalya ko sa cabinet. Lagot sakin itong babaeng ito mamaya.

Shaina POV

"Hoy, Shaina! Bakit ka nagsesenti diyan?" Tanong sakin ni Tricia. Hindi na lang ako sumagot at nagbuntong hininga.

Nandito kami ngayon nakaupo sa mga bleachers dito sa training field. Ayoko sa soccer field dahil panigurado, nandoon sila Daniel at ano ngang pangalan nung babaeng yun? Si ano, Fath? Haisst! Di ko matandaan yung pangalan. Kanina ko pa sila nakikita na magkasama at SOBRANG SWEET that broke my heart. Ang sakit kasi nang nakikita mo yung taong mahal mo na may mahal nang iba at masaya sa iba.

"Ano bang nangyayari sayo, Shaina?! Nakadrugs ka ba ha?! Daig mo pa yung namatayan diyan! Si Nylla na naman ba?! Diba sinabi na naman ni Daniel na wag na tayong mageemote dahil nagmumukha tayong zombie!" Sigaw sakin ni Tricia at niyugyog pa yung magkabilang balikat ko. Sinamaan ko naman siya ng tingin kaya napabitaw na rin siya. Anubayan! Bakit niya pa sinabi yung pangalan nung lalaking iyon?! Mas sumikip tuloy yung dibdib ko! Huhuhu T^T

"T-Teka, b-bakit ka umiiyak? Huhuhu. Sorry na. Hindi na ulit kita sisigawan at yuyugyugin" sabi ni Tricia at parang naiiyak na rin.

Ngayon ko lang napagtanto na tumutulo na pala yung mga luha ko sa mga mata. Nakita ko na naman kasi sila dalawa na naglalakad habang magkaholding hands at may mga ngiti sa mga labi nila. Ang sakit! Sobra. Parang sinasaksak yung puso ko nang ilang beses. Feeling ko ngayon na sumasabog yung dibdib ko sa sobrang bigat ng nararamdaman ko. First time kong umiyak nang dahil sa isang lalaki at hindi pa ako mahal. Ang malas malas ko.

"Tricia, bakit ganun? *sniff* Ang sakit sakit. *sniff* Diba dapat masaya ako kasi nakikita kong masaya yung taong mahal ko? Pero bakit ang bigat bigat ng dibdib ko? *huk* Bakit parang tinutusok nang sobrang daming karayom yung puso ko? *huk*" sabi ko habang umiiyak parin. Hindi ko na kayang isarili yung nararamdaman ko eh. Kailangan ko nang mapagsasabihan para man lang gumaan yung pakiramdam ko kahit konti man lang. Ganun naman iyon diba? T_____T

The Lost Princess TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon