TLPT #44- Change of Plan

4.8K 162 3
                                    


Chapter 44- Change of Plan

Shaina POV

Aissh! Asan na ba si Kuya Jared?! Fifteen minutes late na siya! Eh hindi naman siya nalelate palagi lalo na pag ganitong kaseryoso ang mga kailangan gawin.

"Shaina, okay ka lang ba? Wag kang kabahan, okay? Darating din yun" sabi ni Collin na mukhang naweweirduhan na sa ginagawa kong lakad dito, lakad doon.

"Eh kasi naman, Collin! Hindi ko rin alam kung bakit ako nagkakaganito! Parang...Parang may masamang mangyayari eh" sabi ko at tuloy parin sa pabalik balik na paglalakad sa harapan niya. Nandito kami ngayon sa likod ng palasyo.

"Tss. Wag ka kasing magisip ng mga negatives. Just think positive, okay? Tsk. Umupo ka na nga! Ako yung nahihilo sa pinaggagagawa mo eh" sabi niya at hinila ako para maupo sa tabi niya. Umupo na lang naman ako pero hindi ko parin talaga maiwasang tumingin tingin sa paligid at nagbabakasakaling dumating na si Kuya Jared.

Naguguluhan ba kayo? Ganito kasi yun, susugod kami ngayon sa lugar kung saan ikakasal si Nylla. Oo, ngayon na ang kasal niya. Pano namin nalaman na ikakasal na siya? Sinabi sa amin ni Scar, yung papakasalan ni Nylla ngayon. At nakapagplano na kami. Hmm, nagsimula kaming bumuo nang plano nung pagkatapos mamatay nung ama ni Kuya Jared, si Tito Jackson.

Bakit sinabi samin ni Scar kahit isa siya sa anak nang Queen of Darkness na kalaban namin ngayon? Simple lang, magkababata pala sila ni Kuya Jared. Pero nung mga bata pa sila, hindi nila alam na magkapatid sila sa ina. Hindi rin naman masyadong nagtagal yung pagkakaibigan nila dahil naglaho na lang si Scar na parang bula. Ngayon ko nga lang naalala na may naging kaibigan nga pala si Kuya Jared noon pero hindi ko pa yun nakita kahit kailan. Ang tanging alam ko lang noon sa kanya ay ang pangalan niya.

Ayy wait. Hindi pala sinabi samin ni Scar. Sinabi lang ni Scar kay Kuya Jared, patago. Hindi rin kasi sang-ayon si Scar sa pinaggagagawa nang ina nila kaya inunahan na ni Scar. Kung tinatanong niyo kung bakit magpapakasal si Nylla kay Scar, hindi ko na alam ang dahilan dun. Siguro blinack mail nung Queen of Darkness si Nylla? Tsaka hindi talaga pwedeng matuloy ang kasal nila.

Alam niyo kung bakit? Well, anak si Scar nang Queen of Darkness at King of Darkness. At si Nylla, anak ng King of Death. Kapag pareho silang sumamba mamaya sa God of Evils, lagot na. Pero ang pinagtataka ko lang. Bakit yung Scar na yun ang ipapakasal kay Nylla? Eh diba anak din naman ng Queen of Darkness si Kuya Jared? Eh ang kailangan lang naman ay anak ng Queen of Darkness kahit hindi na yung King of Darkness yung ama.(Oha! Nakikinig kaya ako tuwing History Class namin. Pfft. Minsan lang naman) At oo, alam ko nang nanay yun ni Kuya Jared. Alam niyo kasi, nakita ko siya sa lake kahapon at halatang broken hearted tapos may tinititigan pa siyang picture nilang dalawa ni Nylla. Tapos ayun, pinilit ko siyang magopen up. Haha.

Haisst! Tumingin muli ako sa wrist watch ko, 30 minutes late na siyaaa! Masama na talaga ang kutob ko dito! Paglingon ko sa katabi ko na si Collin, WALA NA PALA SIYA SA TABI KO! Asan na yun?! Ni hindi ko man lang naramdaman na umalis siya ah?! Ganun na ba talaga ako kabusy magkwento sa inyo kanina at hindi ko napansin? Aissh! Walangya yun! Iniwan ako!

Oo nga pala, nandito kami ngayon sa likod ng palasyo dahil iniintay din namin makabalik sila Tricia, Daniel, Shea, Brian at Veronica. Bumalik kasi sila sa Dream High. May inutos daw si Madam Sofia sa kanila. Well, except kay Tricia pero may nalimutan daw kasi siya sa Dream High kaya kailangan niya din makabalik kaya sumama na lang siya kanila Daniel. At kung bakit tinatanong niyo kung bakit sa likod kami ng palasyo nagiintay, dito daw namin sila intayin sabi nila Daniel. Para din daw kung may emergency, nasa labas na kami. Aba'y ewan ko sa pinagsasabi nang lokong yun.

Lahat naman nang mga kasali sa laban ulit namin ay nasa loob ng palasyo. Tulad nila, iniintay din nila si Kuya Jared. May plano na nga kami pero kailangan namin siya syempreng antayin dahil siya ang Hari at siya ang magsisignal samin kung pupunta na ba dapat kami sa mga assign na lugar namin o hindi pa. Tsaka sabay sabay dapat kasi kami talagang aalis dito sa palasyo. Parte yun sa napagplanuhan eh.

The Lost Princess TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon