TLPT #45- The Dark Wedding

5.8K 176 5
                                    


Chapter 45- The Dark Wedding

Shaina POV

Nandito na kami ngayon sa Dream High at kasama na rin namin ngayon sila Daniel. Nakita kasi namin ni Collin sila sa alapaap kanina. Nakasakay din kasi sila sa Dragons nila. Well, except kay Tricia na kay Daniel nakasakay. Nuks. Nagpalit yata kami ng partner? Anyway, wala rin pala kasi silang portal. Pero meron pala daw na portal si Collin kaso naiwanan niya sa loob ng palasyo. Pshh. Nagsinunggaling pa siya sakin na wala siya! Hmpf! Kung hindi pa tinanong ni Brian eh! Ang alam daw kasi niya meron talaga si Collin.

Nandito na kami ngayon sa headquarters nang The Nightmares. Woah, tabi lang pala ito nang Training Room? Ngayon ko lang rin kasi nalaman na may headquarters sila. Hindi naman kalakihan pero hindi rin naman kaliitan yung headquarters nila. Para lang tunay na bahay kasi may dalawang kama sa gilid, may sofa, may sink, may mini ref at kung ano ano pang appliances pang bahay. Nakaircon din ito. Pero sa gitna, may malaki at medyo mahabang lamesa at sa harap nun ay may whiteboard na hindi kalakihan. Katamtaman lang.

"Kailangan na natin magplano nang mabilis para makapunta na si Shaina kay Madam Barbara. Shaina, irecord mo na din ang mga sasabihin kong plano para kapag napagising na ni Madam Barbara ang lahat ng mga knights at ilang mga estudyante na gusto din lumaban, malalaman nila ang plano. Susunod na lang sila. Kumbaga, parang sila ang back up natin" panimula ni Collin at may kinuha sa bulsa at inihagis sa pwesto ko ang isang recorder. Sinamaan ko naman siya ng tingin nang muntik ko ng hindi masambot yung recorder.

"Hey, easy there dude. Kahit idol kita sasapakin kita. Kung makautos ka kay Shaina eh" inis na sabi ni Daniel at sinamaan pa ng tingin si Collin. Nagtaas naman ng dalawang kamay si Collin na parang sumusuko pero nakangisi.

"Haha okay. Sorry" sambit niya. Napairap na lang ako.

"Oh cut the sh*t. Let's start" singit ni Veronica. Hindi parin siya nagbabago. Mainipin parin. Haha.

Kaya ayun nga, nagseryoso na ang lahat at nagsimula na si Collin na sabihin ang plano niya. Nagstart na rin na naman kami ng pagplaplano dahil nauubusan na rin kami ng oras. Malapit na ang oras nang kasal ni Nylla! Aissh!

"Okay, Shaina. Narecord mo ba nang maayos?" Tanong sakin ni Collin pagkatapos namin magusap usap tungkol sa planong gagawin. Naghahanda na kasi sila ngayon. Tumango naman ako.

"Yeah. I think so. Sige, aalis na ako. Hahanapin ko pa si Madam Barbara eh. Goodluck, guys!" sabi ko at akmang aalis na nang may humigit sa kanang braso ko at niyakap ako ng mahigpit.

"Magiingat ka. Uggh. Kung pwede lang kitang samahan eh. Pshh" sabi niya. Napailing iling naman ako pero nakangiti.

"Ikaw dapat ang mag-ingat, noh! Tsaka hahanapin ko lang naman si Madam B. Hindi ako sasabak sa gera. Haha. Basta wag ka munang mamamatay ah?" Sabi ko kay Daniel at niyakap siya pabalik.

"Oo naman! Papakasalan pa yata kita!" Confident na sabi niya kaya napatawa na lang ako.

"Sige, alis na ko. Tandaan mo, mahal kitang manhid ka!" Sabi ko at nagflying kiss pa. Pero bago ko tuluyang masarado ang pintuan, narinig ko pa siyang sumigaw na mas nagpalapad ng mga ngiti ko.

"Mahal na mahal din kitang martyr ka!"

Tsk, tsk. Ganda nang tawagan namin pag nagsasabi ng 'I love you' sa isa't isa noh? Haha. Wala eh, ganun talaga :P Alam niyo ba kung bakit manhid yung itinawag ko sa kanya tapos martyr naman yung itinawag niya sakin? Aba, hulaan niyo. Hahahaha.

Okay, serious mode na. Kailangan ko nang mahanap si Madam Barbara. Yung ability niya kasi ay parang pangwitch. Nakakapagimbento siya ng iba't ibang elemento o sangkap. Kaya kailangan ko siya mahanap dahil siya lang ang tanging may alam kung paano mapapagising ang mga pinatulog nang Queen of Darkness na yun. Well, kapag kasi hindi naagapan ng maaga ang kanilang mahimbing na pagtulog, maaring mamatay sila o habambuhay na lang talaga silang tulog kahit anong gawin mo. Ganun kalakas ang Dark Smoke!

The Lost Princess TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon