TLPT #41- Lake

4.9K 179 4
                                    


Chapter 41- Lake

Nylla POV

*Kriiiiiing*

Dismissal na. Means, tapos na ang hellweek namin. Nakasagot naman ako dun sa mga tests. Pero wala na din akong pakielam kung makakapasa ba ako o hindi. Dahil simula nitong araw na ito, magbabago na ang makulay kong buhay. Dahil dumating na ang tinatakutan kong dilim.

"Yay! Salamat naman tapos na ang mga tests na yan! Ang sakit nila sa ulo!" Sabi ni Tricia.

"Ay nako, Tricia! Hindi ka na naman nagaral noh? Inuna mo na naman yata iyang kaharutan mo!" sabi naman ni Shaina at binatukan pa si Tricia. Nagpeace lang naman si Tricia.

"H-Hoy nagaral din naman ako kahit papano noh! Eh pano si Collin kasi, habang nagaaral ako. Tinititigan ako kaya hindi ako masyado nakapagconcentrate! Pero nagamit ko naman yung stock-knowledge ko eh!" sabat naman ni Tricia. Napailing iling na lang ako at tinigilan na ang paglingon ko sa likod ko. Napangiti ako. Hindi parin sila nagbabago.

Naglalakad nga pala kami ngayong tatlo papuntang cafeteria. Magmemerienda lang. Kakagutom eh. Tsaka ngayon na lang ulit kami nagkasamang tatlo. Minsan kasi kaming dalawa lang ni Shaina o laging may sari-sarili na. Pano ba naman, laging sinosolo ni Collin itong si Tricia. Tapos itong si Shaina naman, laging kasama si Daniel.

Pagkatapos naming umorder na tatlo, naghanap na kami ng bakanteng upuan. Nakita namin ang The Nightmares sa di kalayuan at kinawayan kami kaya lumapit kami doon. Psh. Akala ko naman magkakaroon kaming bonding na tatlo. Hayaan mo na nga, at least nakasama ko ulit sila sa huling pagkakataon.

Umupo sa tabi ni Daniel si Shaina. Si Tricia naman ay umupo sa tabi ni Collin. Dito na nga pala nagaaral si Collin pagkatapos siyang gawing literal na tao nung God na kumuha kay King of Death. Ano ngang pangalan niya? Nalimutan ko na eh.

Umupo naman ako sa bakanteng upuan. Wala pala dito si Demon. Kumain na lang ako at hindi na tumingin sa paligid ko dahil umuulan ng langgam. Pinapalibutan ako ng mga couples.

Ang sarap ng kain ko ng biglang dumilim. May nagtakip ng mga mata ko.

"Get your fvcking hands off me you asshole!" sabi ko at pilit na tinatanggal yung kamay nung taong nagtakip sa mga mata ko. Ang sarap sarap ng kain ko eh!

"Stupid"

Halos tumaas lahat ng mga balahibo ko sa batok ng marinig ko siyang magsalita. Ang lapit niya sa tainga ko! Halos maramdaman ko rin yung paghinga niya sa leeg ko. Napatigil ako at maya maya naman ay itinanggal na ni Demon yung kamay niyang nakatakip sa mga mata ko at tumabi sakin.

"Tch. Ikaw lang pala" bulong ko pagkatapos ko makarecover sa ginawa niya at ipinagpatuloy na ang pagkain.

Sa kalagitnaan ng pagkain ko, naramdaman ko bigla na may tumititig sakin. Paglingon ko sa direksyon ni Jared, nakatitig na pala siya sakin. Napatigil naman ako sa pagsubo ng pizza na hawak ko. Mga ilang minuto yata kaming nakatitig lang sa isa't isa nang nilapit niya sakin yung thumb finger niya at parang may pinahid sa gilid ng labi ko.

"Tsk. Kahit kailan talaga para kang bata kung kumain" sabi niya at ngumiti ng malawak. Isang ngiti na mahuhulog ka ng sobra at paulit ulit. Umiwas na lang ako ng tingin at pinagpatuloy ang pagkain ko.

**

Napabuntong hininga ako habang naglalakad lakad. Magisa lang ako ngayon. Busy silang lahat. Pati si Jared, may emergency daw kasi sa palasyo kaya umalis siya agad pagkatapos naming kumain sa cafeteria. Haay.

Sa hindi inaasahan, nakarating na pala ako dito sa may lake. Hmm, bakit parang lumiwanag at naging sobrang linis yung tubig ng lake? Parang luminaw bigla? Tss. Guni-guni ko lang yata iyon.

The Lost Princess TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon