Nakamulsa ako at hindi mawaglit ang ngiti ko. Nang makasalubong ko si Tan sa pagbukas ng elevator ay magaan ko siyang binati. Niyaya pa ako nitong sumama sa kanya sa isang party dahil Sabado naman bukas pero gaya ng dati ay tumanggi ako sa kanya. I had the same reason but I think it wouldn't be just it from now on. May isa pang rason kung bakit gusto kong maglagi na lang dito sa apartment ko.

I went up and when I saw Sukie's room, I had the urge to come near her door and listen to what's going on inside. But I think that's too much. I am not a stalker. Hindi ko rin naman inasahan ito pero ayokong pa munang kunin ang oportunidad. I could just knock on her door and deman for a thank you but didn't do it. Sapat na na natulungan ko siya at hindi ko kailangan ng kapalit. I am also thinking that perhaps she could thank me some other time. Sana ay ikwento ako ni Sukie sa kanya.

Sa gabing iyon ay natulog ako nang payapa. All problems vanished. Walang ibang laman ang utak ko kundi si Zandra at ang utang na loob niya sa akin. I am not planning on making her pay for it. Pero hindi ko mapigilang isipin ang mga susunod na araw na maaari ko siyang makita.

Lumipas pa ang mga araw. Wala akong ibang ginawa sa apartment kundi asikasuhin ang aking ina sa tuwing uuwi ako galing school. She'll leave tomorrow and yet we still haven't had much to do instead of arguing. May mga oras din naman na nagkakasundo kaming dalawa. I asked her if she wants to leave the apartment and go somewhere but she doesn't want to. Ang gusto lang daw niya ay makasama ako sa 'malliit' kong apartment at asikasuhin ako habang narito siya.

Wala nang bago. Hindi ko uli nakita si Zandra matapos nang gabing iyon. I can still remember how fast they walked and how Sukie tried to hide her from those guys. Nakakapagtaka at bakit kailangan niyang takasan ang mga ito. Maybe one of those guys is her ex-boyfriend. I frowned at my own conclusion. Hindi ko na rin nakita ang mga lalaki. Siguro ay isang gabi lang ang nilagi ni Zandra rito at nang hanapin ko siya kinabukasan ay nauna na siyang umalis.

"Are you sure you'll be okay here?" tanong sa akin ni mommy. I put down all her things and let the driver take it inside the car.

I pressed my lips. "Yes, ma," sagot ko sa pagsampung beses na tanong niya.

Ngumiwi siya sa akin at umirap. "You can't blame me. Ang nanay ay parating mag-aalala sa anak niya kahit gaano pa kabuti ang lagay nito," sambit niya.

Huminga ako ng malalim. Most of the time my mom is hard to deal with, but sometimes I just want to be with her the whole time no matter how many times we argue about me. Ganoon lang nga talaga siguro. Lumalambot parati ang puso ko kapag nakikita ko na ang kahinaan niya.

"For the nth time, ma, I am going to be okay. Uuwi ako kapag kaya ko na. Baka biglang magulat ka na lang at nasa bahay na ako next week, who knows?" ngumisi ako. Sana nga ganun lang kadali ang makalimot. "Alalahanin ninyo ang sarili ninyo. Pati si dad pakisabihan na 'wag pabayaan ang sarili at lalo na kayo," sabi ko.

Bumagsak ang mga mata niya at maluluha na yata. Bago pa mangyari iyon ay sinenyasan ko na ang driver. I opened the door for my mother and she hesitatingly went inside.

"Be good," paalala niya.

"I'll be fine, ma. Call me when you get to the airport. At kapag nasa Pinas ka na." Kinawayan ko siya.

Kumaway rin siya pabalik bago ko sinara ng tuluyan ang pinto at hinintay na makaalis ang sasakyan sa harap ko. Ipinamulsa ko ang mga kamay ko at tiningnan ang papalayung sasakyan. How I wish I could go home with her. But not now. Not yet. Iba ang rason na sinabi ko sa kanya at iba rin ang totoong rason na nasa isip ko. Bumuntong hininga ako at bumalik na sa loob ng building.

"Hey, Andrew!" mabilis akong lumingon sa tumawag.

My eyes went wide when I saw her. Agad akong naghanap ng kasama niya pero wala akong nakita.

TaintedWhere stories live. Discover now