were officially on!!

5.2K 152 10
                                    

pakibasa po ng author's note sa dulo...mahalaga po yun..kung ayaw nyo...di wag xD..pero mahalaga po talaga eh. pakibasa narin xD.

°°°°°38°°°°°

Callysta's pov.

sabado nga pala ngayon. nagpasya na din akong bumalik na ng boarding house. pagod na ako sa pagiging bitter. at makikinig na din ako sa explanation ni gerald.

ok lang sakin na pinalitan nya na ako. tangap ko na yun.

"ingat ka sa byahe ah" -mama

"sige po...bye po" lumabas na ako ng bahay at pumara ng jeep.

*******

"KYAAAAAAAAA!!! CALLYSTA!!!! OEMGHIE!! youre back!!" pambungad sakin ni mariell sabay yakap.

agad ko namang narinig ang madaming lagabag ng footsteps at lahat pala sila nagsibabaan at niyakap ako. answeat noh? kaso nasobrahan ata ka-sweet-an kasi di na ako makahinga.

"guys....di....ako....ma....ka... hi....nga" tapos agad naman silang bumitaw.

"ay...sorry...kumain ka na ba? kamusta na? dito ka na titira uli? di ka na aalis?"

"ah...eh easy lang sa pagtatanong gerome ah? sasagutin ko ng isa-isa...kumain na po ako....ok lang din po ako....dito na ako titira at di na po ako aalis"

"YEHEY!!" tapos nagtatalon sila na parang mga batang binigyan ng piso .....ang saya sa pakiramdam na laging may naghihintay sayo ...kaso parang may kulang sa kanila ......wala si gerald :(

*CREEEEKK* (tunog ng pintuang bumukas)

" uy gerald!! nandito na uli si callysta oh" sabi ni gerome...pero ang masaklap...dinaanan lang kami ni gerald...bakit medyo masakit pa din? dapat kasi sinanay ko na talaga ang sarili ko na wl syang pake sakin eh </3.....tumingin sila lahat sakin.

"aaahh...ehhh...ok lang ako" wala pala akong gamit na dala...kasi nung umuwi ako sa bahay ay biglaan ... agad na lang akong pumunta sa taas...magpapalit na kasi ako ng damit.

nung pagakyat ko sa taas nandun din si gerald....awkwaaaaaaaard

"oh...nandito kana pala" nung narinig ko yung boses nya nilamig ako...ang cold ng boses nya.

"ahhm...oo" nagmadali akong kumuha ng damit at pumasok ng banyo...matapos akong magbihis ay nakapagdecide na ako talagang kakausapin ko na sya tungkol sa sitwasyon namin...kaya ko toh !!!

"ahm...gerald...gusto ko lang pagusapan ntin yung --"

"kakain na po" sabi ni tricia

haaaaay...sana mapagusapan na namin to ngayong araw..

pagkatapos naming kumain ay umalis sila...may date daw lahat...sila na. so ang naiwan ay ako at si gerald.

"ahm...gerald...gusto ko lang pagusapan kung-"

"kung anong nangyayari? di ka kasi nakikinig ng explanation! tapos makikita kitang nakikipaglandian sa nanloko sayo?"

*pak*

"bakit kita pakikinggan eh ako na nga ang mismong nakakita! may nililigawan ka tapos nakikipag kita ka sa ibang babae?! at ang mas malala ay hinalikan mo pa!" sinampal ko sya..sobra kasi sya makapagsalita eh....di ko na din napigilan pa ang luha ko ...tapos may tumulong luha din sa mukha nya.

"bakit ka ba kasi hindi nakikinig at basta-basta nalang nagwa-walk out? kiniss ko si heidi sa cheecks kasi kapatid ko sya...ngayon. mapapatawad mo na ba ako?" nanlaki ang mata ko ng O.O ganyan kalaki....kapatid nya si heidi? anong nagawa ko? pinalaki ko ang maliit na butas.

"ahm....si jayson....nakita nya lang ako sa park ng aksidente. walang namamagitan samin. sorry kasi di ako nakinig sayo. patawarin mo ko" tapos umiyak nalang ako ng umiyak....naramdaman ko nalang na yinakap nya ako.

"magtiwala ka kasi sakin...ikaw lang ang mahal ko...sorry din dahil nasigawan at nasabihan kita ng masakit na salita kanina" niyakap ko na din sya pabalik.

"ilang weeks nalang gagraduate na tayo ng highschool. gusto ko magkasama tayo sa college"

"huh? eh magkaiba tayo ng course eh...fasion designer ang course ko at business management ang sayo"

"haaaays..ang ibig kong sabihin ay gusto mag-on na tayo pag college. hindi kita minamadali. ayaw lang kitang maagaw ng iba kaya.." tapos lumuhod sya sa harap ko "will you be my girlfriend?" tapos may kapit syang ballpen...para san yun?

"bago ko sagutin yung tanong mo...para saan yung ballpen?"

"pag college na tayo. medyo busy tayo. pero dapat magbibigay tayo ng quality time sa isat-isa...habang wala ako...yung ballpen muna ang kasama mo...so...ano ng sagot mo? *wink*"

"tinatanong pa ba yan? syempre.. sinasagot na kita...mahal kita eh" ang corny ko eh..pero ganun talaga. love is corny eh xD

"talaga? yeeeees!!" tapos yinakap nya ako at hinalikan sa cheecks.

"YEHEY!!! bati na sila" nagulat ako ng pumasok ang barkada. akala ko ba may date sila lahat?

"nandito kayo? akala ko ba may date kayo?"

"ahm....lumabas kami para makapag-usap kayo. ayaw namin na may nag-aaway dito sa bahay"-gerome

"salamat sa inyo"

"tara group hug!!" tapos nagroup hug kami.

salamat naman at magkabati na kami ni gerald. at sa wakas!

were officially on!!

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°° 

hello readers!! 

binago ko po ang year nila. dati po 3rd year ngayon po ay 4th year na. sadyang magulo lang utak ko xD

dahil malapit na ang pasukan...napag-desisyon-an ko na ding tapusin na to. nagulat na nga din ako dahil tatapusin ko na pala to. sorry may sayad lang ang otor xD

1 chapter left before the epilogue. salamat po sa nagcomment at nag vote. kahit di pa po masyadong madami ang nagbabasa ay happy nadin ako....happy 2k reads!

vote

comment

follow me ^_________^

=elaine

Living With My Five Crushes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon