accident (part two)

5.4K 132 5
                                    

°°°°°25°°°°°

Callysta's pov

"CALLYSTAAAAAAA!!"

°BLAAAAAAG° O.O

no. hindi pwede toh.

na-nasagasaan si jayson. nakaupo lang ako dito at umiiyak. tinulak nya kasi ako at sya ang nasagasaan.

gusto kong makahingi ng tulong pero wala akong lakas para sumigaw.

takot na takot ako. hindi ako

makakilos. iyak lang ako ng iyak. di pa naman kami kita ng guard

Lizzie's pov

hay naku. napakaboring. makapag skip na nga lang ng walang kwentang class namin.

"ma'am. may i go out"-ako

iiwan ko na lang bag ko. wala namang importante dyan.

"okay"-ma'am

agad akong lumabas ng room. ah. kakain ako sa park. dun kasi lami nakain dati ng ex friend kong si callysta.

nakita ko si manong guard at nginisian. syempre. boyfriend ko ang may ari ng school eh. yup. tama kayo. sila jayson ang may ari ng school na ito.

lumabas ako. di pa ako nakakalayo ng O.O what the fvck!!!!!

si...si jayson duguan. agad akong lumapit sa kanya at tumingin sa paligid.

si....callysta....anong ginawa nya kay jayson??!! umiiyak na ako nun. since di pa naman malayo masyado ang place na toh.

pumunta agad ako sa school at tinawag si guard. kinuha ko na rin ang kotse ko. hindi ko muna sya aawayin ngayon. ill wait for the right time.

"sir! hala" sabi ng guard. pero agad naman nyang binuhat si jayson at pinasok sa kotse ko. at pinaharurot ko na yung kotse.

Callysta's pov

pumunta sakin yung guard

"miss. ano po ba yung nangyari?"

"ka-kasi. da-dapat ako y-yung masasagasaan. ni-niligtas lang ako ni j-jayson"-ako

"nako. hindi naman siguro masyadong masama ang lagay nya. okay lang po yun miss. mabuti pa. pumunta ka sa clinic at magpagamot ng mga gas-gas. haaay. huling araw ko na ngayon. at siguradong matatanggal na ako ngayon dito.

bakit ba kasi napaka pasaway nyo eh. si sir pa mandin yun. alam mo bang siya ang may ari ng school?"

O.O

parang gumuho ang mundo ko sa sinabi ni manong guard. si-si jayson ang may ari ng school? hindi ko na alam ang gagawin ko. at andami ko pa palang hindi alam sa kanya.

sinamahan ako nung guard sa clinic. pagkatapos akong gamutin. nag stay muna ako. pano pag nalaman toh ng lahat ng estudyante? pano na ako?

marami ng aayaw sakin. and worst. baka makick-out ako. pano na lang ako? kung kailan naman naging kami eh......naisip kong dapat kong bantayan si jason

kaya pumara ako ng tricycle at pumunta sa hospital. pagdating ko dun. pumunta ako sa e.r at nakita ko si lizzie na umiiyak sa may upuan sa gilid.

nilapitan ko si lizzie.

pag lapit ko. tumayo sya at tumambad sakin ang napakalakas na sampal.

"idiot ka talaga!!!!! bakit si jayson pa ang dinamay mo sa kamalasan mo?!!! dapat talaga sa iyo nilalayuan. kasi. malas ka!! malas!!"

ang sakit ng mga sinasabi nya. sana naman maintindihan nya na nasasaktan din ako. naalala ko tuloy kami dati. yung mga tawanan namin. lalo lang tumindi yung sakit na nararamdaman ko ngayon.

"so-sorry. bakit kasi niligtas nya pa ako? sana hinayaan nya na lang akong masagasaan eh"

"huh? sana nga ikaw na lang. idiot ka!! akala mo naman seryoso sya sa iyo? hahaha"

teka. bakit parang bigla akong kinabahan sa sinabi nya.

"huh? ano bang mga sinasabi mo. seryoso sya sakin. ililigtas nya ba ako kung hindi?"

"because its part of the bet. callysta ang hirap kaya magpahiram ng boyfriend. ng dahil sa letcheng bet na yan nawalan ng time sakin si jayson at lagi nalang syang nakabuntot sayo! alam mo ba kung gaano kasakit sakin yon? ipagkakalat ko sa school ang ginawa mo!"

parang nadurog ang puso ko sa sinasabi ni lizzie. boyfriend nya si jayson? hindi. hindi to totoo.

"b-bet? anong bet? at....boyfriend mo si jayson??"

"napaka slow mo talaga ano? ngayon lang nag sink in sa utak mo? oo. pinagpustahan ka nila jayson at yung mga kaibigan nila. ang mahal kaya ng pusta. fifty thousand lang naman. kaya pinahiram ko sa iyo si jayson. kaya galit ako sayo!! galit talaga ako sa iyo!! pagkatapos ko syang ipahiram sayo ginanyan mo? hindi mo manlang sya iningatan? sobrang sakit makita ang mahal mo na nag 50:50 sa ospital. at nasasaktan ako ngayon dahil ikaw ang may kasalanan callysta! taposmay lakas ka pa ng loob mag stay pa dito?"

"bakit? laruan ba si jayson para ipahiram? at oo. mag istay ako dito. sisiguraduhin kong hindi totoo ang mga sinasabi mo. hihintayin kong si jayson ang magsabi sakin nyan"

ayaw ko man syang sagutin kasi lalo syang masasasaktan pero tungkol na to sa mahal ko. si jayson. parang mga tanga lang kaming nag-iiyakan dito sa may hallway. pero ito lang ang paraan para malabas namin ang aming sama ng loob.

"ako ang mahal ni jayson. sorry lizzie. pero baka sayo sya hindi seryoso" dagdag ko pa.

"tapang mo ha. traydor ka talagang kaibigan. hindi mo ko kilala callysta" sabay walk out

sa totoo lang. natatakot ako. alam kong makapangyarihan ang pamilya ni lizzie. pero kailangan kong magpakatatag. haharapin ko na lang ang mga pagsubok na dadating sakin.

alam ko namang malalampasan ko din yun. may mga kaibigan pa naman ako eh.

ilang sandali pa. may lumabas na doctor.

"kamag anak po ba kayo ni mr. rodriguez?"

parang nabuhayan ako

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

votes and comments please

-thisauthorlovesyou

Living With My Five Crushes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon