My Crushes (Introduction)

39.4K 546 34
  • Dedicated kay Zhalyn Anne Manalo
                                    

°°°°1°°°°°

" Ayiee! Paparating na yung limang crush mo Callysta! Beke nemen pwedeng mamigay ka. Char. "

Ang ingay talaga netong best friend kong si Lizzie. Baka malaman pa nung mga crush ko ang karupokan ko! Low-key pa naman yung feelings ko for them! Anyway, I would like to introduce myself. I am Callysta Janine Alvarez. I'm just a simple girl. di kagandahan, gorgeous lang. LOL. Marupok pero mapagmahal!

"Ano ka ba Lizzie? Quiet ka lang dyan! Baka masabihan pa akong ambisyosa kasi obvious namang malayo ang agwat ko sa kanila."

"Ay andaming sinabi. Gusto lang naman kitang i-inform dahil paparating na yung lima." Napairap nalang ako sa sinabi nya. Although yung paningin ko hindi maalis sa limang crushes ko.

"Jusko ako lang pala gusto mo sabihan pero bakit sobrang lakas ng boses mo? Halos madinig na nung buong school natin oh!"

"Sorry naman! Attitude ka cyst?"

Kasalukuyan kaming nakikipag-siksikan para makita kung ano nga bang section namin sa bulletin board ako ngayon.

"Hala gurl! Di tayo magkaklase huhu." First time namin na di magiging magkaklase kung kelan naman last school year na.

"OMG Lizzie, magkaiba nga tayo ng section! Magkaiba pa tayo ng vacant hours. Sino nalang manlilibre sakin ng milktea tuwing recess? Huhu"

"Alam mo? Napaka-user mo talaga! Milktea lang ba habol mo sakin? Yung totoo?" Nag-peace sign ako at inakbayan sya. Baka di na ko mailibre e, char.

"Ano ka ba? Sobrang sad kaya ako na yung best friend ko di ko na classmate. Bakit ba kasi ang tamad mo magpasa ng projects? Bumaba tuloy yung section mo."

"Hays, kasalanan kasi nung lalaking napaka kapal ng mukha mang-ghost! Kala mo pogi mukha namang zombie."

Di ko na masyado narinig yung sinabi nya kasi naka-focus nalang yung mata ko sa limang pangalan na nasa bulletin. Blake, Gerome, Gerald, Jarred and Oliver.

OMGGG CLASSMATES KO YUNG CRUSHES KOOO. Ito talaga yung nagpush sakin para mag aral ng todo-todo e. Yung maging classmates silang 5! Average lang akong student kaya laging B lang yung section ko samantalang laging top section silang lima. Thank you, Lord! After 3 years naabot ko na din ang pangarap kong maging top section para sa kanilang lima! Sana naman madagdagan pa swerte ko at baka may maging jowa na ako kahit isa lang sa kanila--pero pwede nading lahat sila para iwas tampuhan. Char ulit! Hahaha.

Dahil halos araw-araw ko silang iniisip, nagkaroon na ako ng rankings para sa kanila! Si Oliver Castro ang pinaka crush ko sa kanila! Number one ko kasi type yung mga mukhang maamo at mabait. Pero dahil sa likas kong kaharutan, type ko din yung mga mukhang maangas. Yung mga tipong pang gangster at astig! Kaya sunod naman sa list ko ay si Gerald Santiago.

Para ma support yung rankings, gumawa pa ako ng percentage kung gano ko sila ka-crush! Ang witty ko no? Ewan ko nga kung bakit nagyon lang ako naging top section. Anyway, eto na yung crush percentage ko para sa kanilang lima:

1.Oliver Castro 50%

2.Gerome Santiago 20%

3.Gerald Perez 15%

4.Jarred Santos 10%

5.Blake Alison 5%

Ayan na ang patunay na silang lima ang nagmamayari ng heart ko 100%. Si Blake yung medyo nalalayo sa standards ko pero syempre crush ko pa din sya! So going back to reality, mag-isa nalang akong naglalakad papunta sa room. Bakit pa kasi kailangang mahiwalay pa si Lizzie e huhu! Paniguradong mamaliitin ako ng mga classmates ko dahil galing ako sa lower section...

Living With My Five Crushes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon