Boarding House

14.5K 383 20
                                    

°°°°°2°°°°°

Callysta's pov

Nandito na ako sa tapat nung boarding house na natitipuhan ko. 

*tok tok* 

Naghintay ako sandali... Mga 4 seconds ganon. Char!

Maitsura ang babaeng nagbukas ng gate. Medyo intimidating sya pero keri naman ang aura nya.

"Ano pong kailangan nyo?"

"Ahmm...magtatanong lang po ako kung may available space pa po ba. Nakita ko po kasi yung sign. "

"Medon pa naman. 5,900 kada buwan. Okay ba yun? "

King ina! saan naman ako kukuha ng 5,900 kada buwan diba? Kanino naman ako mangmumulto makahingi lang ng ganung pera?

"Ay ang pricey naman po pala. Hahanap nalang ako ng mura. Pasensya po sa abala"-ako

Bakit naman kasi ako mage-expect na mura yung rent eh cute yung bahay tsaka alam mong bagong gawa lang yung itsura. Medyo nahihiya akong tumalikod at aalis na sana, kaso tinawag akong muli nung babae.

"Ay ne, may mga lalaki din palang interesadong mangupahan dito. Kung papayag sila, pwede namang mag-share nalang kayo sa upa tutal dalawa naman yung mga kwarto at fully furnished na din ang bahay kaya kung tutuusin, reasonable lang ang price."

Naku po. Nagpintig ang tenga ko sa narinig ko. Mga lalaki daw ang makakasama ko? Pero akala ko may space pa? Tsaka jusko pag nalaman to ng mga magulang ko ay tyak maghuhuramentado ang mga iyon! Ekis na talaga dito. Sana naman may mahanap pa ako na maayos at mas mura.

"Ay hindi po kasi ako papa--"-ako

Nagulat ako nang sumigaw si ate. Kaloka! Nakailang kape ako tapos gaganyan sya? Grabe gulat ko!

"Eto na pala sila e!!!"-ate

Na-curious ako kung sino ba ang tinutukoy ni ate... 

HALA. Bakit nandito yung limang soulmates ko? Sila ba yung tinutukoy ni ate na interesado daw dito sa bahay? OMG mukhang mapipilitan ako mag-rent dito!!

May money ka ghorl?

Awitttt! Napalitan ng lungkot yung saya ko. Shet dukha nga lang pala ako. Hindi ko kaya ang mahal ng upa!

"Kayo?!?!" napatakip ako sa bibig ko sa gulat

"Kilala mo naman pala sila e. O ano, tuloy ka pa ba? "

"Teka, sino ka ba?" Hindi ko alam kung anong meron dito kay Gerald. Pinatid nya na ako't lahat e nakalimutan nya pa din ako?? Nakaka-turn off! Mababa yata IQ nya.

Natataranta na tuloy ako ngayon kung tutuloy pa ba ako o hindi. Pano ba naman,more than enough na yung presence nila para kabahan ako dahil sa kilig. Di na tuloy makapag-function yung utak ko.

"Ate, I'm in" Kalokaaaa nabigla ako mismo sa sagot ko! Pero kailangang pangatawanan ko na 'to. I guess tama naman ang desisyon ko dahil ang ganitong mga pangyayari ay ineembrace. Katulad ng gagawin ko.

"Yey! Housemates na tayo!" Maski ako nabigla sa ginawa ko. Niyakap ko lang naman sila. As in group hug!!! Hindi ko alam kung san ko hinuhugot ang lakas ng loob ko. Dahil ba sa kape??

"Excuse me? Who are you? Bakit kanina ka pa feeling close?" Aray naman Blake! Grabe sya!

"Okay na pala kayo e. So kailangan nyo muna mag down at advance 2 months deposit.",

AHHHH kaya ayoko pag nag-kakape e! Grabe adrenaline ko pati utak ko tuloy nabigla. Ngayon tuloy kabado na ako dahil sa wala akong maipang-aadvance.

"Ah...Eh...p-pwede pa po ba ako mag back-" Kainiss! Kanina pa ako di pinatatapos huh.

"Eto na po yung cheque ate. Finull ko na po hanggang matapos itong school year "

AHHHH! Ene ke be Oliver? Are you showing off? Pero grabe talaga syaaa! Amoy palang mai-inlove ka na e. Actually lahat sila sobrang bango at distinct yung smell nila na alam mo na agad kung kaninong amoy yun! Good Lord! Wala ka talaga maipipintas sa kanila huhu.

Di ko alam sasabihin ko. So full na yung payment nila. Push pa ba ako? Kasali na ba ako sa mga plano nila? Jusko naman di ko mapigilan mag-over think.

"Good. Ipapa-ready ko lang yung mga kulang na furnitures tapos bukas oks na kayo"-ate

Tapos umalis na si ate. kaming anim na lang ang nandito. Anuna? May titirhan na ba ako? Nahihiya ako magtanong at paniguradong pagti-tripan na naman ako ni Gerald huhuhu.

"Ah so... na-full nyo na yung rent hanggang graduation." Naba-blanko ako! Pano ba naman, ikaw e harap-harapan mong nakakausap ang mga taong matagal mo nang tinitingala at pinapangarap, makakapag-isip ka pa ba? Ano, sagot!

"Oo. Kaya don't worry na." Nakangiting sagot ni Oliver.

"See you tomorrow" May tono ng pang-aasar na sambit ni Gerald.

Umalis na sila pero natigilan ako nang lumapit sakin si Gerome. Oh gosh! Grabe ang tindi ng feels ngayong araw na 'to! What more kung makasama ko pa sila everyday!

"You okay? Don't mind Gerald nalang. He's just bored. But he's a great guy"

Yung boses nya grabe! Dinaig ang mga ASMR sa sobrang buo pero calming at the same time! Grabe kahit tapakan nya ako, isang sorry lang sapat na. Char!

Habang nasa jeep ako papunta samin ay hindi mawala sa isip ko yung mga pangyayari. Sobrang saya ang nararamdaman ko pero nagi-guilty pa din ako kasi pinilit kong sumama sa kanila kahit mahal yung renta!

Pasensya na po sa mga magulang ko at lubos na marupok ang anak nyo. Huhu.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°° 

Having fun? Click vote and comment your insights. You can follow me as well 😉

Living With My Five Crushes Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon