[1] Goal

10 1 0
                                    

Hindi ko na naiisip ang pagod sa mga oras na 'to. Malapit na ako, malapit na malapit na. Isahan na lang at..

"YES!"
"Oh my god!"

Paulit-ulit sa tenga ko ang mga salitang yun. Another achievement! "Kyla, naka-goal ka nanaman! Congratulations!" Sabi sakin ng teammate ko na si Micah habang hingal na hingal pa sa game namin.

Maya maya pa ay may lumapit ulit sakin dahilan para mapangiti ako. "Alam mo, mas nabigyan ng hustisya na ikaw na ang team captain natin kaysa dun sa bitch na yun."

Kinindatan ko na lang siya bilang sagot. Gusto ko man sabihin na 'syempre, ako pa ba?' eh kaso kailangan din magpakahumble minsan.

Pupuntahan ko na sana ang mga barkada ko sa Gym nang biglang may yumakap ng dahan dahan galing sa likod ko at bumulong, "You did a great job, Babe. You deserve a reward."

Humarap na ako sakanya at niyakap siya ng mahigit kahit na sobrang pawisan na ako. I don't give a fck. I'm sure he also don't.

Bumulong din ako sakanya ng may mapang-akit na tono, "I want that fcking reward right now."
       
"Oops! PDA alert everyone. Please evacuate." Sigaw ni Jacob. At nagtawanan naman ang mga tao sa paligid lalo na ang girls. Yung mga pacute na tawa. Ugh, I hate it. I can't help but my roll my eyes.
       
"Oh my gosh! I'm so proud of you Kyla! Hug, please?" At niyakap naman ako ng pinsan ko na si Aina. Daig pa niya parents ko kung makapagsabi ng 'i'm so proud of you'.

"Thank you Aina." At ngumiti ako sakanya because I really appreciate it.

"Hey, stop the drama. Lunch na tayo sa Magsaysay, gutom na ako." Daing pa ng napaka pasaway na si Evan habang hawak ang tiyan nya. Kaya naman dumiretso akong CR para magpalit ng damit.
       
Pagkalabas ko ay napatingin ako sa banner na hawak ng mga kaibigan ko. "Complete attendance kayo, huh? Ngayon ko lang narealize." Nagkibit balikat ako at di pinapahalatang kinikilig ako sa effort na ginawa nila. "And what's with the banner? Di ako makaconcentrate kanina sa game."
       
"I don't know kung nagyayabang ka o ano. Di daw makaconcentrate. Pero naka-ilang goals. Weh?" Pang-aasar naman ni Baeron.
       
"Shut the fck up Bae." Sabay angat ko ng middle finger ko sakanya. Don't get me wrong. We're totally okay, ganito lang talaga kami ng mga barkada ko.

Masyadong liberated and open minded.
      
"Oh tama na yan. Alis na tayo. Gutom na gutom na talaga ako." Medyo masungit na sinabi ng kapatid naman ni Evan na si Mico.
        
At nauna nang naglakad papalabas ng Ateneo de Naga ang mga kaibigan ko. Sakit nila sa ulong kasama, I swear. Pero I appreciate the fact that they wasted some of their time a while ago just to support me. I love them from the bottom of my hypothalamus.
       
"Babe." Yeah. I'm still with my boyfriend, Brent. Highschool lovers kami since 3rd year and last week we just celebrated our 3rd year anniversary at Baguio.
       
"Yes?" Sabi ko sakanya habang unti unting pinulupot yung braso ko around his waist. He smells so good.
       
"Bilisan na natin paglalakad para makakain na tayo at.. alam mo na. After that." Then he winked at me. Nakakapanghina shet.

They Don't Know About UsWhere stories live. Discover now