chap 43 - ring tone

11.7K 184 12
                                    

feeling ko nasa sementeryo ako sa sobrang tahimik. kung ayaw nya ko kausapin pwede bang magpatugtog man lang sya? nakakabingi kaya ang katahimikan. biglang may tumunog. i should feel relieve dahil sa wakas nakarinig din ako ng tunog pero nakakahiya lang dahil ang pinang gagalingan ng tunog ay yung tiyan ko! pano ko ba matuturn off yung kalam ng sikmura ko?!

"you have an awful ring tone"

"ring tone? t-tiyan ko yun. kaya if you don't mind. pwede bang pakihatid naman ako hanggang sa tor-"

napahinto ako. sasabihin ko na sana yung torres tower kung nasan yung condo ni hale, kaso baka kung anong pumasok sa isip nito.

he is looking at me expectantly to tell him where i'm staying.

"uhh, paki hatid na lang ako kila misty"

"do you live there?" he asked while driving and his eyes are fix on the road.

"uhh... well" should i lie? no... lalo lang magagalit sakin to pag nagsinungaling ako. pero ayaw naman nya intindihin yung situation ko.

"doesn't matter. i don't care" his lips form a thin line. galit ba sya? ano nanamang ginawa ko? ako na nga yung muntik ng maharas, sya pa yung galit???

biglang huminto yung sasakyan. pero hindi pa to yung kila misty.

"anong-"

"i can't stand your ring tone" sabay labas ng kotse.

lumabas din ako at dun ko lang napansin na hininto nya kami sa isang restaurant. parang kumikinang yung mata ko, sa wakas! sht gutom na talaga ako. i've never been grateful coming to a restaurant until today.

i guess you'll never realize how good the water is. until you're thirsty.

nagmamadali akong sumunod sa kanya baka magbago pa isip. pagkain na, maging bato pa.

"table for two" he said to the waiter

"this way sir"

pagkaupo namin ay nakatingin lang sya sa malayo, hindi man lang nya ko tinatapunan ng tingin.

"thank you sir" pagputol ko sa nagbabadya nanamang katahimikan.

"this is still a salary deduction" he said at muntik ko ng mabuga yung tubig na iniinom ko.

"wow, please yung pinaka mura lang yung orderin mo para sakin. tapos service water lang ayoko ng wine or juice. thanks" medyo sarcastic yung tono ko

he snort.

biglang sumulpot yung waiter.

"serve us your specialty dish for two" then he dismissed the waiter

"hey sabi ko yung pinaka mura lang wala akong pambaya-"

the next thing i knew is he's leaning on me while his lips on mine. my eyes widen in shock. kung panaginip lang to please wag na kong magising!

"Paid" he sat back like nothing happened.

paid? yung pagkain ba yung tinutukoy nya? and before i can say anything the waiter serve the order. nice timing. pagdating nung pagkain parang nawala na ko sa sarili ko at sinunggaban ko na agad. the hell i care with the manners and etiquette. i'm hungry for pete's sake! any minute mahihimatay na ko.

hindi sya nagsasalita for the whole time, well hindi rin ako makapagsalita dahil sa pagmamadali kong kumain. pero minsan nahuhuli ko syang sinusulyapan ako. i don't know if he's thinking na patay gutom ako or what. pero hindi lang naman mangarap ang libre. pati umasa.

"Are you done? you eat like you've never eaten in a week"

"thank you sir" napadighay pa ko sa kabusugan. kung alam nya lang ang pinagdaanan ko kanina.

"let's go" the whole ride is like we are in mute mode. seriously?

buti na lang huminto na yung sasakyan ni brayden sa tapat ng bahay nila misty.

"what are you waiting for?" he asked when i'm not moving to get out of the car

"about the kiss" i wanted to know what it means to him

"it's a payment, don't think too much. it doesn't mean anything to me" he shrugged

"payment? wala ka rin palang pinagkaiba kay sir raniel eh"

he snatch my wrist to force me to face him, i flinch because of the steel like hold he cast on me . i can see the hatred in his eyes.

"never compare me to that scum! i'm maybe ruthless. but i have all the rights to be. you of all the people knows that!" he snarl.

"then tell me. what am i to you now?"

"nothing"













Brand me (completed)Where stories live. Discover now