Nang makuha ang address, agad na pinuntahan ni Lance ang bahay ng sekretarya. Nasa gate pa lang sya ay dinig na ang malakas na tugtog sa loob. May party ba?

Kumatok sya ng ilang beses pero mukhang hindi naman sya naririnig mula sa loob. Kaya nagpasya ang binata na pumasok na lang sa loob. Nakabukas din naman ang gate. Maging ang pintuan ay natanaw nyang bukas din. Marahan nyang sinilip si Joey sa loob at handa na sanang tawagin ito nang matigilan sya. Hindi alam ni Lance kung matatawa ba sya o ano sa nakitang hitsura nito.

Hawak ang walis tambo ay patuloy sa pagkanta at pagsayaw ang dalaga sa trademark na kanta ng girl group na Spice Girls. Her eyes were close, and her hips was swaying sexily with the song. He couldn't help but to adore the slim and sexy legs she has. Suddenly, he wanted to come near her and run his fingers through her skin. She looks so sexy with those clothes on. To think that she's not even wearing skimpy clothes. Parang bigla tuloy uminit ang pakiramdam nya. Damn! Ano ba itong iniisip nya? He's not a pervert, for God's sake!

Sa huli ay nagdesisyon ang binata na tawagin ito.

"Joey!"

Pero dahil sa malakas na tugtog, hindi man lang sya narinig nito.

Kaya naghanap sya ng paraan para mapansin sya nito. Kinuha nya ang bato mula sa gilid ng pinto at malakas na inumpog sa pintuan. Dahilan para magising ito sa katinuan at hanapin ang nangyaring ingay.

Their eyes met. Seconds later, her eyes grew wider. Hindi malaman ang sasabihin at gagawin. Then one thing she did that Lance didn't expect. She ran to the door and slammed it to his face!

SA SOBRANG TARANTA ni Joey ay agad nyang sinarado ang pinto. Not that she meant it though. Bunga lamang iyon ng pagkataranta nya. Agad na pinatay ng dalaga ang sounds nya at tumakbo papasok sa kwarto para magbihis.

Ang bilis ng kabog ng dibdib nya. Noon lang nya naalala ang hitsura nya kanina. Hiyang hiya sya sa sarili. Naabutan sya ng amo nya sa ganoong sitwasyon at ganoon pa ang ang suot. Ano na lang ang ihaharap nyang mukha dito?

"Joey! Open the door!" narinig nyang sigaw ni Lance mula sa labas. Kasunod noon ang walang katapusang katok nito.

Agad syang kumuha ng matinong damit at nagbihis. Nang masigurong okay na ang hitsura ay tumungo na sya sa pinto at binuksan iyon.

"S-Sorry po, sir. Pasok po kayo." nakayukong sabi nya dito.

Pumasok naman ito at inikot ang mata sa kabuuan ng bahay nila. Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin sya kung bakit ito nasa bahay nilang iyon.

"Any... refreshments, sir?" tanong nya dito kahit tubig at kape lang naman ang pwede nyang i-offer. Bahagya syang nag-angat ng tingin pero napayuko din agad ng makitang nakatitig ito sa kanya.

"Water na lang." tumango lang si Joey at agad na pumunta sa kusina.

Naipanalangin nya na sana bumuka ang lupa at kainin sya. Sobrang kahihiyan ang inabot nya ngayon. Sa dinami dami ba naman ng makakakita sa kanya, ang boss nya pa. Ni hindi man lang nya naramdaman ang presensya nito.

Dala ang baso ng tubig, bumalik na sya sa sala kung saan nakaupo ang boss nya. Nakatingin pa rin ito sa kanya at naninibago sya talaga. Dati hindi man lang sya nito tapunan ng tingin.

"Thanks." sabi nito ng iabot nya ang baso sa binata.

Umupo sya sa katapat nitong upuan. Nakayuko pa rin. Hindi nya pa rin kayang tingnan ng diretso ang amo.

"Come on. Look at me. Baka mangawit ka nyan." He said casually.

Isa pa iyon sa nakakapanibago dito. He never talked to her that way na parang magkaibigan lang sila. Nag-angat sya ng tingin at ngumiti ng tipid.

"Sorry, it's my fault. I shouldn't just barged in. But believe me, kumatok naman ako. Yun nga lang, hindi mo naman narinig." lalo naman syang nahiya.

"Sorry po, sir. Masyado lang po akong nag-enjoy dun sa tugtog." Automatic na nag-flash back bigla sa kanya ang mga ginawa nya kanina.

"Ang galing mo nga sumayaw e."

Pakiramdam ng dalaga ay nagmukha syang kamatis sa sobrang pula ng mukha nya.

"Sir naman e!" maktol nya na ikinatawa nito.

Tumawa si Lance Del Fierro! Parang biglang na-teleport sila sa isang paraiso. Ang sarap sa pandinig ng tawa nito at lalo itong naging gwapo.

"Just kidding."

Kahit paano ay gumaan na ang pakiramdam ni Joey. Nawala na ang tension na nararamdaman nya knina.

"Ano po pala ang ginagawa nyo dito?"

"Magpapasama lang sana ako sayo. May aasikasuhin lang akong importante. And I tried to call you. Pero hindi kita ma-contact. Akala ko kung ano na naman ang nangyari sayo." sabi ng binata.

"Yung cellphone ko..." agad na napatayo si Joey at tumakbo papunta sa kwarto.

"What happened?" tanong ni Lance nang makabalik sya sa sala.

Napakamot sya sa ulo. "Lowbat po, sir. Pasensya na po?" grabe! Ano pa ba ang kahihiyang aabutin nya maliban sa mga nangyari? "Kung okay lang po, pakihintay nyo ako sandali. Magbibihis lang po ako. Mabilis lang ako, sir. Promise!" tumango lang ang binata bilang sagot.

"SAAN PO BA ang lakad nyo ngayon, sir?" tanong ni Joey. Nasa sasakyan na sila at hindi nya alam kung saan sila pupunta.

"I don't know either. Basta gusto ko lang mag-unwind ngayon." Ganon? Sabi pa nito kanina importanteng lakad daw. "Do you know a place?"

Weird din talaga itong boss nya. Pero deep inside, nakangiti ng malapad ang puso ni Joey. Inaaya ba sya nitong mag-date? Baka nahihiya lang magtanong ng diretso.

Lihim na napahagikhik ang dalaga.

Tumikhim sya at sumagot. "Yes, sir! Hindi nga lang sya sosyal, ah. But I assure you, mag-eenjoy kayo."

At sa isip ay may nabuong plano. Oras na para mag-enjoy naman ang masungit na binata. Baka pagkatapos ng araw na ito, hindi na sya nito aangilan araw-araw.

"Saan naman yun?"

"Basta, sir. Drive lang kayo dyan. Sasabihin ko na lang kung saan tayo titigil."

Sobrang saya ni Joey. Hindi nya inaasahan na mangyayari ito. Kahit na hindi natuloy ang general cleaning nya, ayos lang. Kasama naman nya ang pinaka-inspirasyon sa buhay.

Lihim na kinurot pa ng dalaga ang sarili para lang masigurong hindi sya nananaginip. 

Lady Taxi Driver (AVAILABLE IN NATIONAL BOOKSTORE AND PRECIOUS PAGES STORES)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang