Chapter 23

22.3K 383 12
                                    

Grabe ang meeting na yun. Capital NOSEBLEED! Grabe! Super english!

Panay reklamo ni Joey sa sarili. Hindi pa pala sapat ang nalalaman nyang english words kumpara sa mga kasama nila kanina. Pero buti na lang, bago pa dumugo talaga ang ilong nya, natapos na ang meeting... Isang linggo na ang nakakalipas mula ng dumating sila sa New York at nag-eenjoy naman sya.

 

 

"Joey...", napalingon sya. Nakalabas na sila ng elevator at papunta na sana sya sa kwarto.

 

 

"Yes, sir?"

 

 

"The committee is expecting us to be in the party later. Now go ahead and rest. I'll pick you up around 8pm...", natahimik si Joey... Party?

 

 

"Hey... What's with that face?", naglakad palapit sa kanya ang binata. "I know what you're thinking.. Don't worry, you'll be fine.. Now, go! Be beautiful tonight!"

 

 

 

***

 

 

Argh! What to do?

 

Party?

 

Hindi nga sya pumupunta kahit sa isang simpleng bday party lang e. Ano pa kaya yung pupuntahan nila mamaya? Puno ng kasosyalan dun at puro mayayaman.

 

Naglakad si Joey papunta sa walk-in closet nya at naghanap ng isusuot sa event mamaya. Alas sinko pa lang naman ng hapon... At sa tingin nya, hindi nya na magagawang magpahinga.

 

 

Kinuha nya sa cabinet ang dalawang evening gowns at tatlong cocktail dresses...

 

 

"Ano bang isusuot ko dito?", tanong nya sa sarili.

 

 

Kinuha nya ang isang light blue dress... Mukha syang aattend sa prom... Hindi pwede!

 

 

Saka nya lang naalala.. Night party yun.. So dapat, long gown... Tumalikod sya at kinuha ang natitirang gown na nasa loob ng closet. A black velvet gown in V-neck with little swarovski crystals on both shoulders. Simple but elegant.

 

 

Kaso hindi ba to masyadong revealing? Hay! Bahala na nga!

 

 

Sunod naman nyang hinanap ay ang jewelries na babagay sa damit. Pearl earrings lang ang naisip nyang iterno dito. Hindi naman kasi maganda kung overdressed at magmukha syang christmas tree.

 

 

It's 6:30pm.. Hindi nya alam na ganun pala sya katagal naghanap ng maisusuot. She went to the bathroom and took a shower. Medyo maaga pa naman. May isang oras pa para magbihis sya.

Lady Taxi Driver (AVAILABLE IN NATIONAL BOOKSTORE AND PRECIOUS PAGES STORES)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz