CHAPTER 32:

1K 41 5
                                    


"Si Tita naman." Napahagikgik ako habang napahawak sa balikat sa hiya.

Napapansin ko si Myco na pangiti-ngiti lang sa tabi ko.

"Dapat bibisitahin ka namin ni Tricia noong nakaraan pero nagkaroon ng emergency sa states, well, sa relatives nila kaya kinailangan nyang pumunta don, pero iniwan nya ko ng letter at sinabi nyang ibigay ko daw sayo." Tumayo si Tita at may kinuhang isang maliit na envelope at agad na binigay sakin.

Alicia

'Yan ang nakalagay sa harap ng envelope, napangiti naman ako.

"Thank you, Tita. Ay, kailangan ko na rin po palang umalis dahil may pupuntahan pa po ako. Next time, bonding po tayo. You know, shopping."

"That's good idea Iha, sige. Yaya, pakihatid naman si Ali sa labas." 

"Tita, thanks sa cookies, see 'ya." Niyakap ko sya at naramdaman ko ang hangin, si Myco. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Tita, pero tinanguan ko sya at bumeso. 

Ngumiti nalang ako at kumaway sa tulala parin na si Tita sinundan ko naman na si Yaya Miranda habang palabas na ng bahay.

"Thanks, Yaya Miranda." Ani ko at lumabas na, pumasok na ko ng kotse at nilingon ko naman si Myco na umii--- umiiyak?!

"H-hey, you okay?" He nodded.

"Masaya ko na makita si Mama na okay na. Thankyou, Ali." Tumango naman ako at ngumiti sakanya. Gusto ko syang yakapin pero alam kong hindi ko rin naman sya mayayakap kaya para saan pa?

 Bahagya akong nataranta ng lumapit sya at niyakap ako. Tumagos yon pero ramdam ko ang hangin na tila yumayakap. Hindi ko alam pero napapikit ako. 

Ngumiti ako at pinunasan yung luha ko na nagbabadya. Pumasok kami pareho sa kotse at sinimulan kong magpatugtog, nawala ang kanina malungkot na aura sa loob ng kotse at napalitan ng tawanan.

"Hungry?" Tanong nya na nasa tabi ko. Tumango lang ako habang nakatingin parin sa daan.

"Yes, cookies lang ang kinain ko."

"Ihinto mo muna dyan, umorder kana."

"Oh right. Thanks, Myco." Inirapan ko lang sya. 

Lumabas na ko ng kotse. Nakakita ko ng flower shop at bumili na ko ng bulaklak para kay Trade at pumasok ako sa Mcdo. Umorder ako ng malaking fries, dalawang sundae, tatlong burger. Mamaya nalang yung may rice. After kong makaorder lumabas na din ako at sumakay na ng kotse. 

Nagsimula na ulit akong magdrive pero bahagya akong nagulat ng isubo sakin ni Myco yung fries at burger, hindi naman makikita 'to sa labas ng kotse ko kaya hinayaan ko nalang tsaka gutom na gutom na ko pero hindi ako makapagfocus dahil hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Malamang kung may makakita sakin, makikita lang na may fries at burger na lumulutang. Dammit. 

But being with him is my happiness so, I really don't care.

"We're here." Lumabas na kami ng kotse at sinundan na nya ko. 

Lumapit ako sa nagbabantay dito at tinanong kung saan si Trade Travis Meneses. Itinuro naman nya sa'amin kung saan, nagsindi ako ng kandila sa ibabaw ng lapida nya at nilagay ko naman yung flowers na binili ko. Nagindian sit naman ako doon pati na rin si Myco.

"Hi, Trade. I know you don't know me but, I'm a friend. My name is Ali. Kasama ko yung bestfriend mo noon, remember? Pinapatawad kana nya. Sana maging masaya yung magiging buhay nyo sa kabilang buhay. Salamat, ah? Dahil sa marahas mong paraan nakilala ko si Myco, Salamat, Trade. Andito ako para mag pasalamat at ipagdasal yung mga kaluluwa nyo. After nito, tapos na ang mission ni Myco makakaakyat na sya kung saan ka. Alam kong parehas kayong sa taas dahil may mabubuting puso naman kayo. Trade, pag umakyat na si Myco ikaw na bahala sakanya, ha? Salamat. Maraming maraming salamat."

Pumikit ako habang naluluha at nagdasal para sa kanila. Taimtim akong nagdasal.

Nang matapos ako, dumilat ako at bahagya akong nagulat dahil nakatulala lang sakin si Myco. Anong nangyari sakanya? Nalanghap yung usok ng kandila? Imposible, multo nga eh.

"Uy, okay ka lang? Nagdasal ka na ba?" Nagulat sya at umayos ng upo, dahil doon ay namatay ang kandila. Sinindihan ko ulit at napansin kong nakatingin sakin yung nagbabantay. Damn. Mukha yata akong tanga.

"A-ah oo. Maraming maraming salamat, Ali." Nginitian nya naman ako at tumango nalang ako. Nawala yung moment namin ng tumunog yung ringtone ko.

Si Clyde pala.

(Your lips are movin' Your lips are movin' Your---)

"Hello?"

(*sob* Si T-tita...)

"Bakit ka umiiyak? Anong nangyari kay Mama?!"

(Hospital *sob*)

"Saan?"

(Luke)

*Toot. Toot. Toot.*

"Anong nangyari?" Tanong ni Myco na nasa gilid ko. Hindi ko sya pinansin at lumingon sa lapida ni Trade.

"Trade, mauna na ko. Mag-iingat ka kung nasan ka man." Agad naman akong tumakbo sa kotse, Shit. 

Si Mama. Anong nangyari kay Mama? Mabilis kong pinatakbo yung kotse hanggang Hospital.

In Love With A Ghost (COMPLETED)Where stories live. Discover now