CHAPTER 1:

7K 131 23
                                    

"Anak, halika na. Ipapatingin ka namin sa Doktor, hindi ka nila sasaktan." Nakasunod ang inang umiiyak sa anak nya na tila ba nawawala sa katinuan habang naghahanap sa isang silid.

"Hindi nga ako sinabi nababaliw, Ma!" Lumuluhang tugon ng anak na nakatalikod ngayon sa ina. Samantala, pilit parin nyang isinasama ito sa isang doktor ngunit ayaw magpapigil parin ng kanyang anak.

"Dala lang yan ng stress mo sa school, sumama kana samin."

"Totoo po si Jepoy, hindi ako baliw!" Umiiyak na inikot ng anak ang kanyang paningin sa loob ng nasabing silid at paulit-ulit na isinisigaw ang pangalan na, Jepoy.

"Alicia?"

Maiiyak na sana ko kaso narinig ko ang boses ni Mama kaya naman nagtalukbong ako ng kumot, anong oras na ba? Kinapa ko ang phone ko na nasa tabi ko. Teka, ala sais na? Hala, may pasok ako ng ala otso! Doon ko lang din naramdaman ang pagod ng mata ko at sakit ng ulo. Bangag nanaman ako nito mamaya, lagot din ako kay Mama. Mapapailing kana lang talaga.

Nagulat naman ako ng biglang tinanggal ni Mama ang kumot, napapikit nalang ako dahil sa inis. Kung kailan patapos na ko sa pinapanuod ko eh. Kung kalian nandon na ko sa magandang scene eh. Nakita kong hawak na ni Mama yung laptop tapos nagsimula na din syang pagalitan ako. Yung mga sinasabi nya lumalabas sa isang tenga ko, hindi parin ako maka get over doon sa pinapanuod ko. Isa yung Filipino Movie Series na tungkol sa babae na nainlove sa isang multo tapos walang naniniwala sakanya kahit pa magulang nya tapos iniisip nila na nawawala sa katinuan yung anak nila. Andaming naiwang tanong tuloy sa isip ko, nasaan si Jepoy? Dadalin kaya sa Mental Hospital si Xyrene? Ang pinaka tanong sa isip ko is kung ano ang magiging end----

"Alicia, nakikinig ka ba sakin?!"

Napaupo ako sa sigaw ni Mama at umarteng masakit ang ulo, pakiramdam ko gusto kong maging artista.

"Masakit ang ulo mo, Ali?" Tumango ako sa sinabi nya at pumikit-pikit pa para mukhang tunay talaga, kailangan kasing galingan. Naramdaman ko naman bigla ang batok ni Mama, kainis oh.

"Tigilan mo ko ng kaartehan mo, umidlip ka muna ng kahit 30 minutes tapos bumaba kana dahil may pasok ka ng 8am. "

"Opo, Ma."

Nang lumabas si Mama, nag tip toe pa ko palapit sa cabinet kung saan nakalagay yung laptop ko pero narinig ko yung sigaw nya.

"Kunin mo yung laptop mo kung gusto mo ng grounded ng 1 week, nak."

Napabuntong hininga nalang ako kaya naman kumuha na ko ng twalya at naligo na.

Ako si Alicia Patricia Marquez. 18 years old. Scholar ako sa Adamson Eastwood Univeristy at nag-iisang anak. Namatay naman si Papa, when I was twelve years old. Car accident yung kinamatay nya, minsan pag naalala ko naiiyak parin ako. Para bang kahapon lang nangyari, masyadong sariwa pa lahat pero naisip ko, kung ako nahihirapan, paano pa kaya si Mama diba? Mayaman rin kami dati pero nagkaroon ng problema doon sa pera na ipapamana dapat ni Papa kaya ayun, bumalik kami ng probinsya after a year tapos nagsimula ulit kami doon. Naisipan lang namin bumalik dito last last month. Excited na kong makita si Sinja at Marla, yung mga tinuturing kong kapatid. 8 years old palang ako, magkakaibigan na kami. Nung tumuntong sila ng high school, binibisita na nila ko.

Nang matapos na kong mag-ayos, bumaba na din ako bitbit na yung bag ko.

"Ma, goodmorning." Nakangiting bati ko sakanya, tiningnan ko naman yung bintana namin at maliwanag na pala.

"Maupo kana't kumain, malalate kana." Umiling ako at kumuha ng dalawang sandwhich na nakalagay sa lamensa.

"Sa school nalang po, Ma." Tiningnan ko yung swatch ko, 8:00? Late na ko.

Tumakbo na ko palabas at pasigaw na nagpaalam kay Mama.

"I'm late."

Mabilis akong tumakbo papuntang sakayan pero bigl----

"Ahhhhhhh!"

*beep*

Idinilat ko yung mga mata ko. Bakit madaming tao nang nakapalibot sakin, buhay pa ba ko? Hinawakan ko ang braso ko at mga paa ko, wala naman akong sugat. Lumingon ako sa babaeng humahangos papalapit sakin.

"Someone call the ambulance!"

Napabangon ako at naramdaman ko ang pagsakit ng ulo ko, nag panic naman ako sa sinabing iyon ng Ale kaya umiling lang ako ng umiling. Nakikita ko ang pagkataranta sa mukha nya, siguro nasa middle 40 ang edad nya. Mukha syang mayaman base sa suot nya at mga alahas.

"Okay lang po ako, malalate na po ako."

"Iha, are you sure? Oh ghad, I'm so sorry. Let me take you to the Hospital, please." Umiling nalang ako agad at kinuha yung bag ko.

"Kailangan ko na pong umalis, dalhin nyo nalang po ako sa school." Narinig kong napabuntong hininga ang Ale. Hindi makapal ang mukha ko,  alam ko naman kasing hindi napapanatag ang mga mayayaman pag gantong sitwasyon. Clichè. Let's be realistic. Inalalayan ako nung driver nya para makapasok ng kotse, pagpasok ko ng kotse, agad naman chineck nung Ale kung may galos ba ko o wala. 

"Okay lang po ako, salamat po." Ani ko naman.

"Sigurado ka ba talaga? Hindi ba tumama yung ulo mo?" Umiling nalang ako bilang pag respond. Narinig ko naman yung driver na nagtatanong kung saan nya ko ibababa.

"Kuya sa AE university po." Napansin ko naman bigla yung pag tahimik ng Ale, hindi ko nalang pinansin dahil agad na rin kaming nakarating sa school. 

"Salamat p---" 

"You can call me, Tita Lucy, Iha." 


In Love With A Ghost (COMPLETED)Where stories live. Discover now