CHAPTER 16:

1.2K 55 2
                                    

ALICIA'S POV

It's been a week and yet, hindi ko pa rin nasasabi yung about kay Clarisa, hindi ko alam pero ayoko muna sigurong malaman nya. Naguguluhan na ko sa nararamdaman ko. Sa isang linggo na yon, tuwing lunch I'm with Marla and Sinja tapos pag dismissal nagpapaiwan ako at kunwari pupunta ng library but the truth is, pupunta ko ng old building para makipagkita kay Myco. Last week yung natulog sya samin, kinikilabutan ako pag naalala ko. Kinikilabutan nga ba? Hindi ko alam.

Flashback

Nakapikit yung mata ko pero hindi pa ko tulog, maya-maya may naramdaman akong lumapit sakin tapos may hangin na parang dumampi sa noo ko. Didilat na sana ko pero nagulat ako ng magsalita sya.

"Goodnight, Ali. Sweet dreams."

End of flashback

Yung boses na yon parang ang sarap pakinggan at ulit-ulitin. Nung friday in the afternoon nag mall kami with Tita Lucy kasama sila Marla. Hindi nga alam ni Myco na close kami eh tapos nung nagkita kami, kinwento ko sakanya. Hindi ko nga maintindihan yung nararamdaman ko kasi nakita ko kung gaano sya kasaya na makikita na nya yung nanay nya. Nung sunday naman, pumunta kami ni Myco kila Tita Lucy. Nakakatuwa na ang saya saya daw ni Myco noong araw na yon kasi nakasama na nya yung nanay nya. Kung alam lang nya kung gaano ako mas natutuwa para sakanya, todo pasalamat din sya sakin. Natutuwa ako na unti-unti ng nagiging okay lahat pero nalulungkot ako sa katotohanan na habang palapit na kami ng palapit sa misyon nya ay mas nakakaramdam na din ako ng takot na malapit na syang mawala sakin. 

Ano ba kasing nararamdaman ko sayo, Myco?

Kasalukuyan akong nagbebreakfast sa cafeteria at naalala kong tatawagin ko pala si Marla.

*Dialing...*

"Hello?"

(Oh, where are you? I'm on my way. Where's Sinja?)

"Nandito ko sa cafeteria, hinihintay kayo. Wala pa si Sinja. Take care!"

(Okay. Hintayin mo ko, bye.)

*Toot. Toot. Toot.*

Napiling nalang ako dahil napakabagal talaga kumilos ni Marla, feeling babae. Nako naman. Umupo muna ko dito at nagpalinga-linga. Baka sakaling makita ko sya. Si Myco.

"Hoy bes, bakit ka nakangiti?" Nagulat ako ng bigla syang sumulpot, bwiset. Nagdadaydream ako eh. Magsasalita palang sana ko ng bigla nanaman syang humirit.

"Alam mo, pakiramdam ko kasi ano, inlove ka. Yung mga ganyang ngitian kasi, alam na." Una agad pumasok sa isip ko si Myco, ako? Inlove? Pwede ba yon? Sa multo? Hindi, masaya lang siguro ko na may bago kong kai... kaibigan. Bakit parang ang bigat isaisip nung kaibigan, kaibigan lang ba kami? Oo, tama. Kaibigan lang.

"Hello? Earth to Alicia." Bahagya nanaman akong nagulat, bakit ba kasi masyado kong pre-occupied ngayon? Ngayon lang ba talaga? Well, whatever. Lumingon ako sa dalawang nasa harap ko, andito na pala sila. Sinamaan ko silang dalawa ng tingin kaya naman napahagikgik nalang sila.

"Goodmorning, bestie's!"

"Sinja, bili ka nga chuckie." Narinig kong sabi ni Marla kay Sinja na busy na ngayon sa cellphone.

"Libre mo ba kami?" Kinuha yung libro ko sa bag ko dahil may exam pala kami mamaya. Nakaka stress.

"Oo na." Mabilis naman tumayo si Sinja kaya natawa nalang din ako, kung wala siguro sila. Ay, nako. Hindi ko na siguro alam.

"Ali, may tinatago ka ba samin?" Napa angat ako ng tingin, nakita kong nakatingin sakin si Marla. Para bang hindi ako makatingin ng direkta sakanya, wala naman akong tinatago 'diba? Agad ko rin binalik yung focus ko sa libro at pilit na tinatanggal yung napakaraming thoughts sa isip ko. Naramdaman kong naglabas na din sya ng note kaya natahimik kami.

Maya-maya, bumalik na si Sinja na may dalang tatlong chuckie at fries.

"Her--- seriously, Marla? Si Ali na nagrereview, hindi na bago, pero ikaw? Nagrereview? Wow. Kailangan ko na bang magpaparty?" Natatawang sabi nya, natawa na din ako pero nakatanggap kami ng dalawang batok mula kay Marla.

"Magreview ka nalang." Tumango nalang si Sinja na nagkibit balikat rin, umupo na din sya at kumuha ng notes. Aba, samin tatlo kasi ako ang pinaka masipag.

Nang marinig namin yung bell ay agad na kaming nag-ayos ng gamit.

"We have to go, punta lang akong comfort room. Mauna na kayo." Sabi ko naman sakanila, nag goodbye na kami sa isa't-isa tapos dumiretso na ko ng CR. Pumasok ako sa isang cubicle doon ng may marinig akong nagsalita.

"Oo yung Clarisa na yon. Yeah, confirm na daw talaga."

Sya nanaman? Pakiramdam ko yung sinasabi nilang confirm is yung buntis na issue. Bigla ko tuloy naalala kung paano ko na lang sasabihin kay Myco lahat lahat. Magagalit ba sya sakin? Iniisip ko palang na magagalit sya sakin, pakiramdam ko sumisikip yung dibdib ko. Tiningnan ko yung orasan ko at talagang malalate na ko kung hihintayin ko pa silang lumabas, kaya agad na kong lumabas ng cubicle, napatingin sila sakin at kita ko ang gulat sakanila. Hindi ko nalang pinansin at nagdire-diretso na papuntang room.

"Hi, Alicia!" 

Nakita ko si Haze na kumakaway kaya naman tinabihan ko sya.

"Bakit wala pa si prof? Akala ko late na ko." Hinihingal kong sabi, inabutan naman nya ko ng tubig. Hindi kami totally best friend ni Haze pero masasabi kong close kami.

Makikipagdaldalan pa sana ko kay Haze ng biglang pumasok yung prof at bigla nalang nagpapass na ng exam. This is it. Goodluck. Sobra kong nagfocus sa exam.

Nang matapos na namin magsagot ay agad na lumabas ang prof kasabay nung mga kablock kong madaling-madali. Lumapit naman sakin si Haze.

"How was it?" Natatawa nyang sabi, natawa nalang din ako at nilabas na yung notebook ko para kopyahin yung kaunting details about sa lesson.

"Nagdugo yata yung utak ko don." Tumawa naman sya tapos agad din nagpaalam dahil may pupuntahan pa daw sya. Binibilisan ko naman na yung sulat dahil kailangan kong puntahan si Myco.

"Napakabagal mo pala talaga kumilos noh?" 

Humarap ako kung sino yung nagsalita, si Myco pala.

Tug.dug.tug.dug.

Hindi ko alam kung bakit nagiging iba yung pagtibok ng puso ko pag nandyan sya. Dahil ba sa multo sya o may gusto ako sakanya or worst is... mahal ko sya? 

Binalik ko yung tingin ko sa sinusulat ko dahil nakakawala sya sa focus.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Sinusundo ka, tara na. Punta tayo ng old building." Sabi nya kaya napalingon na ko, nakita ko naman syang ngumiti.

Tug.dug.tug.dug.

"Isulat mo muna ko." Sabi ko at ngumisi sakanya. Narinig ko ang pag buntong hininga nya tapos lumapit na sya sakin at kinuha yung notebook at ballpen ko tsaka sya nagsulat. Mas pogi sya pala pag seryoso yung mukha nya. Anong sabi ko? Oo nga, lutang na ko.

"Matunaw ako nyan." Sabi nya ng hindi nakatingin sakin, nakangisi lang. Makapal rin talaga mukha nya noh?

"Kanina mo pa ko tinitingnan eh, alam ko namang gwapo ako pero pwede mo naman ako kuhanan ng picture tapos doon mo nalang ako titigan." Sabi nya at lumapit sa mukha ko, wtf. Bigla akong napaatras. Isang galaw ko lang, mahahalikan na nya ko.

Tug.dug.tug.dug.

...pero multo nga pala sya.

"H-ha? A-ano? Ang kapal ng mukha mo." Agad kong sabi at tumalikod sakanya, ang kapal ng mukha. Kainis.

In Love With A Ghost (COMPLETED)Where stories live. Discover now