CHAPTER 3:

2K 75 1
                                    

Puro lecture at discussion. Minsan naiisip ko nalang na ayoko ng mag-aral. Imagine, ilang taon na nga ba kong nag-aaral? Dalawang taon tapos anim na taon sa elementary tapos apat na taon sa high school tapos another four years for college. Since birth din, wala pa kong nagiging boyfriend. Maganda naman ako pero hanggang ngayon, napapatanong parin ako sa sarili ko kung bakit wala pa kong nagiging boyfriend, pero may nanliligaw naman sakin. Di ko lang type. Oo na, ako na choosy. Gusto ko kasi pag nagkaboyfriend ako, gusto ko last na. Ayokong matulad kay Sinja na every break up, nasasaktan. Alam ko naman na pag nagmamahal, nasasaktan talaga pero dapat kasi kung masasaktan din naman tayo, doon tayo sa worth it lahat ng pain na mararanasan natin diba?

"Ms. Marquez, are you listening to me?"

Nagulat ako ng kalabitin ako ng kaklase ko, nakita ko naman yung prof namin na nakataas na ng kilay. Pakiramdam ko malapit na talaga ko mawalan ng scholarship dito eh. Magsasalita na sana ko ng narinig ko ang isa sa pinaka gusto kong tunog.

*Kring. Kring. Kring. *

"Class dismissed!"

Narinig ko yung mga tawanan at mga tilian ng mga kaklase ko nung narinig namin yon, palihim din naman akong natuwa tsaka dahan dahan na lalabas sana, kaso tinawag ako ng prof ko. Bigla akong kinabahan.

"Ano bang nangyayari sayo, Marquez? Mawawala sayo yung scholarship mo sa ginagawa mo. Pinapaalalahanan lang kita." Bahagya akong napayuko, eto na nga ba yung sinasabi ko eh.

Lumabas na ko ng room, nakita ko naman sila Sinja at Marla na kumakaway. Gutom na gutom na ko. Dumiretso na agad kami sa cafeteria.

"Gutom na gutom na ko." Reklamo ni Sinja.

"Pagod na pagod na ko." Narinig kong dagdag pa ni Marla.

"Ako rin, sa lahat." Dugtong ko kaya naman tumingin sila sakin at pareho nila kong binatukan.

"Aray, ha."

Napakamaldita talaga nila, grabe.

Pagpasok namin ng cafeteria, puro chismisan naririnig ko. Hindi ako chismosa or what, Sadyang malalakas lang talaga yung boses nila.

"Oy bakla, namumuo yung pulbos mo!" Lumingon ako kung saan galing yung boses, grupo ng mga bakla.

"Ha, asan? Ayan na si papa trade eh. Pahiram nga ako ng lipstick." Napalingon ulit ako. Ang kikire naman ng mga bakla. Grabe, sino ba yung papa trade na sinasabi nila? Makalipstick yung bakla, kulang nalang mag mukha syang clown. Sa kabilang table naman ako napalingon,

"Well, sabi nya kanina liligawan daw nya ko. Grabe, Kinikilig ako as in to the highest level!" I rolled my eyes. Ang aarte.

"Sana ako din ligawan ni Mike." Sabi pa nung isang babae. Sino yung Mike? Trade? Ganon ba sila kagwapo? Grabe, ah.

"Hello, Earth to Alicia." Lumingon ako, nakita ko sila Sinja at Marla na nag aabang ng sagot ko.

"Ano ulit yon?"

"Ano daw order mo sabi ni Marla?"

"Spagetti at juice nalang kamo."

"Okay, hanap kana table natin Ali." Tumango naman ako tapos naghanap na ng table, nakakita naman ako na medyo malapit sa pinto. Umupo na ko tapos inikot ko yung tingin ko sa mga estudyanteng nandito. Lahat may kanya-kanyang ginagawa, may sari-sariling kwento. Sa dami ng taong nandito, nandyan kaya yung makakatuluyan ko?

"Hoy." Umupo sa harap ko si Sinja.

"Okay ka lang ba, Ali?"

"Oo naman."

"May irereto pala kami sayo ni Marla." Natatawa nyang sabi, kinabahan nanaman ako sa tawa nya. Last month kasi kinuha nila ko ng ka blind date, kasi yung friend daw ni Marla na boy may tropa din na NGSB so, naisip nilang iblind date kami. The day na magdadate na kami nitong si boy, inayusan ako nung dalawa tapos bumili pa ko ng dress. Pagpunta ko don, okay gwapo! Gentleman din, nagkwentuhan kami tapos okay naman sya pero nagulat ako nung tumawa sya, lumobo yung sipon nya! Hiyang-hiya ako non kasi andaming nakatingin samin non tapos sya, di nya alam gagawin nya, maski ako. Sa sobrang hiya nya siguro, ayun, iniwan na ko. Natatawa ko pag naalala ko pero nahihiya ako at the same time.

"No, thank you nalang."

"Hindi na mauulit yung last month, promise!"

"Here's your orders, Girls." Singit ni Marla, nagsimula na kaming kumain tapos napag usapan ulit naming yung my failed blind date last month kaya naman puro tawanan sa table namin. Nahinto lang ako sa pagkain ng may narinig akong chismisan sa likuran ko.

"Girl, buntis na daw si Clarisa ah."

"Yung ex ni Myco?"

"Yes, the one and only bitch."

"Correct."

"Kanino daw?"

"Ewan, nako. Malamang nakilala lang nya yan dyan dyan, She's a flirt and slut talaga."

"Oo nga."

"Oh yes, hindi ko nga alam kung bakit sya pinatulan ni Myco eh."

"Ye---"

*slap*

"Aray naman!"

In Love With A Ghost (COMPLETED)Where stories live. Discover now