CHAPTER 13:

1.1K 57 4
                                    


MYCO'S POV

Myco Patrick Santiago. From popular to ghost. Real quick. Nagising nalang ako bigla sa building na 'to, naalala ko pa noong araw na nagising ako, that was 2 years ago. Lumabas ako ng building nang nagtataka dahil wala akong maalala tapos hindi ako napapansin ng tao. Nakakita ko ng familiar na mukha tapos sinundan ko yung taong yon. Nakita ko sya na hawak yung larawan ko, nalaman kong may nanay ako na nangungulila at may babae kong minamahal. Hinanap ko sa school yun pero wala, sa hanggang sumuko nalang ako at nag stay sa building na 'to. Naghihintay nalang na baka paakyatin na ko sa taas. Habang tumatagal, naalala ko na yung iba kong alaala. Si Clarisa na mahal ko at si Mama na nangungulila, pati si Trade na pinsan ko na syang dahilan ng pagkamatay ko. Alam ko naman na nabulag lang sya sa pag-ibig, kaya matagal ko na syang pinatawad. Naging pursigido ko sa paghahanap kay Clarisa at Mama pero hindi ko sila mahanap, pero may dumating isang araw na babae na alam kong makakatulong sakin.

Flashback

May babaeng naka cat ears, may pin din sya sa I.D nya na tatak arianators, sa likod naman ng I.D nya may picture din ni Ariana. Gusto kong tumawa sa itsura nya. Idagdag mo pa yung mukha nyang gigil na gigil at inis na inis, sinipa sipa nya yung pader pero nagtataka ko kung bakit hindi sya natatakot dito sa old building, yung iba nga halos mangiyak ngiyak dito pag dadaan eh, yung iba naman sa highschool department pa umiikot wag lang makadaan dito. Aba't matapang pala sya, tingnan natin. Maya-maya, tumingin sya dito ng nakakunot yung noo at yung kilay magkasalubong. Kinuha ko yung upuan at binagsak sa sahig.

"Ay shit!"

Lumingon sya sa gawi ko kaya pinigilan ko yung pagtawa ko. Napaatras naman ako ng lumapit sya dito. Nakaramdam ako ng kaba nung pakiramdam ko ang lapit namin. Bahagya kong binuksan yung pinto kaya nagulat nanaman sya. Pigil na pigil yung tawa ko dahil baka matakot sya.

"Ay pucha!"

Nakita kong hahawakan sana nya yung doorknob pero tinawag na sya ni Maam Tenorio. Nung tumalikod sya, napangiti ako kasi alam kong matutulungan nya ko dahil may third eye sya.

End of flashback

Simula nung araw na 'yon, hindi ko alam kung bakit pero minsan bumababa ako ng old building para lang hanapin sya. Hindi ko maintindihan yung sarili ko. Alam ko naman na may pakiramdam ako sa mga bagay pero etong bagay na tinutukoy ko, parang hindi pwede sakin na dahil isa lang akong multo.

"Hoy, ang lalim ng iniisip mo ah?" Tinapik nya ko pero nakita kong lumusot yon, ngumiti naman ako sakanya at

baka sabihin nya nagdadaydream ako sa kanya.

"Ha, ano? w-wala." Bahagya akong napakamot sa ulo, nakakahiya. Narinig ko naman sya tumawa ng mahina. Ang ganda nya talaga, hindi ko maiikakaila. Rhyme yon.

"Nagugutom na ko."

"Gusto mo bang kumain muna?" Tiningnan ko sya at mukha syang bata na nagugutom talaga. Hindi ko maiwasan na titigan sya ng matagal. Ang ganda nya talaga.

"Samahan mo ko sa cafeteria pero wag mo ko kausapin dahil mapagkakamalan akong baliw." Natatawa nyang sabi, napangiti nalang ako bigla tapos ngumiti rin sya. Pucha, wag kang ngumiti, Ali. Nakakainlov--- wala. Wala kong sinabi. Pumunta kami ng cafeteria ng walang usap dahil may mga studyante pa dito dahil 5pm palang. Nang makabili sya sa cafeteria, bumulong sya na sa old building na lang ulit kami. Pumunta naman na agad kami ng old building at doon na sya kumain.

Napatitig ako sa mukha nya, napakaamo. Bakit ngayon lang kita nakilala? Bakit hindi noon? Nanghihinayang ako sa panahon na hindi kita kilala. Teka, ano bang mga pinagsasabi ko? Hindi ko pa sya kilala. Attracted lang ako sakanya kasi maganda sya. That's it.

"May dumi ba ko sa mukha?"

Nahulog ko ang hawak kong lapis at napayuko, pucha. Ganon na ba talaga ko kahalata? Narinig ko naman ang pagtawa nya tapos umiling lang ako at sa ibang direksyon na tumingin.

Ano bang iniisip ko? Ano bang pinag-gagawa ko? Ano bang nararamdaman ko? Alam kong mali 'to. Attracted palang ako pero kailangan ko ng pigilan.

In Love With A Ghost (COMPLETED)Where stories live. Discover now