CHAPTER 27:

1K 41 2
                                    


CLYDE'S POV

Bago ako bumalik ng Hospital, dumaan muna ko sa bar para makalimutan yung nangyari kanina. Naguguluhan ako sa inasta ko, pahiya yun.

Maderfaker, oh.

(Ako ay may mahal, Lumipad sa langit.. Di ko na nakita, May kabit na pala sayang ---)

Ringtone ko yon, wala eh. Gwapo.

Nawala yung ngiti ko ng nakita ko kung sino yung tumatawag.

(Hello, Clyde my dear.)

"Oh, ano? Namiss mo agad ako?"

Chillax lang.

Kunwari cool, kunwari hindi ako kinakabahan, kunwari wala lang yung kanina.

Maya-maya tumawa sya, damn.

Namumula na siguro ko sa kahihiyan. Ano kayang itsura ko kanina? Shit. Naiimagine ko palang yung sarili ko, nahihiya na ko.

(Namiss? ikaw? Namiss ko o yung halik ko ang namiss mo, ha?)

Pnymsangwalanggalasnakngtupaatpitongpvtanamuta.

Halata ba ko? Bwiset na 'to.

Okay, Inhale. Exhale. Calm down, Clyde. Hindi dapat ako magpatalo dito.

(Ako? Mamimiss yung halik mo? What the fuck? Hahaha. Walang wala yan sa nga nahalikan kong babae.)

*Toot. Toot. Toot.*

Anong nangyari don? Wala pala sya eh. Mangiinis sya tapos bigla nalang maiinis kahit wala pa kong ginagawa, ang gugulo talaga ng mga babae! Buti nalang ang gwapo ko. Last na yun. Swear.

Napailing nalang ako at nagsimula na ang tugtugan, umorder naman na ko ng light drinks.

May mga babaeng sumubok lumapit sakin pero lahat ay tinanggihan ko. Sinabi ko kasi sa inyo na gwapo ako eh.

Bago pa ko tuluyang malasing, lumabas na ko ng bar na yon at pumunta sa malapit na coffee shop.

Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng konting guilty habang tinitingnan yung phone ko na walang sinja man lang.

Tawagan ko kaya sya?

No, maybe tulog na 'yon.

Bakit ba ko maguguilty? May ginawa ba ko? As far as I know, wala naman akong reason para maramdaman yon.

Matapos kong maubos yung hot chocolate coffee na inorder ko ay dumiretso na ko sa kotse at nagdrive ulit.

It's already 11pm. Pagod na pagod na ko. Gusto ko nalang matulog.

Nang makarating ako ng Hospital dumiretso muna ko sa men's restroom. Naghilamos at baka sa hilamos na gawin ko, mawala lahat nung kanina.

Maya-maya, dumiretso na ko sa kwarto ni Ali. Nakita ko si Marlo na tulog na sa sofa. Minsan tawag ko sakanya, Marlo. Minsan Marla, ay ewan. Si Tita sa sahig pero may comforter. Si Ali, natutulog na din.

Bago ko humiga sa sofa, pa L shape kasi yung sofa eh. Kiniss ko muna si Ali sa noo at humiga na. Nakakapagod.

Ayan na. Malapit na, 1 inch nalang... Ikikiss na nya ko. Ayan na, lapit ka pa Si---

"Sharrah wala na, wala na kong magagawa!"

Nagising ako ng may narinig akong mahinang sigawan. Istorbo ng tulog ko eh.

Anong oras na ba? 2 am? Isang oras palang akong nakakatulog tapos magigising nanaman ako.

Ang ganda na ng panaginip ko eh. Ayun na eh, magkikiss na kami ni Sin--- Wala, nevermind.

Tumayo ako at narinig kong may nagtatalo, tumapat ako sa pinto at sinandal ang tenga doon, pinakikinggan ko.

Tama ba yung rinig ko kanina? Sharrah? Anong pinag-aawayan nila?

Sumilip ako sa pinto at nakita ko si Tita Sharrah at yung doktor ni Ali. Nagtatalo sila, bakit kaya?

"Martin, hindi. Kailangan pa ko ng anak ko, nagmamakaawa ako sa inyo, kahit magkano."

Magkakilala sila? Ano yung sinasabi ni Tita? Bakit wala kong maintindihan? Umiiyak si Tita, bakit? Kinalma ko yung sarili ko at pilit na iniintindi ang salitang binibitawan nila.

"Sharrah, stage 4 na yung cancer mo at wala ng chance, please tumigil kana. Wala na kong maagawa tungkol dyan. I'm really sorry, Sharrah."

Stage 4 ang alin? Cancer? Sinong may cancer?

Tuluyan ng umalis yung doktor ni Ali at naiwang umiiyak si Tita, lalabas ba ko? Anong gagawin ko?

Maya-maya umalis palayo si Tita, ano nga-nga lang ba ko?

Bakit? Bakit si Tita pa?

Masayahing tao si Tita at ni minsan hindi mo aakalain na may sakit sya.

Paano si Ali?

Nung nakita kong pabalik na si Tita, agad akong bumalik sa sofa, humiga at umarteng wala kong narinig. Anong gagawin ko? Paker!

Paano si Ali? Paano?

Si Tita, alam kong nahihirapan na sya. Napaluha nalang ako dahil hindi ko maintindihan kung bakit nangyayari 'to. Hindi ko alam kung anong iaarte ko bukas, kung aarte ba kong walang narinig. Na walang alam. Na hindi ko alam na may cancer yung Tita ko. Na hindi ko alam na may maiiwan syang anak. Na hindi ko alam kung anong magiging reaction ni Ali pag nalaman nya.

Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon.

In Love With A Ghost (COMPLETED)Where stories live. Discover now