Epilogue

220 8 17
                                    

Unang-una sa lahat. Gusto kong magpasalamat kasi 1K na yung reads ng IRIATW. At para sa aking full-length na pagpapasalamat, basahin niyo ang Author’s Note ko. Hahaha!

Sana kapag natapos niyo na tong basahin, mag-comment naman sana kayo. Walang required na haba ng comment. Basta magcomment lang kayo, okay na ako dun. Last chapter na rin naman to eh. Gusto ko lang namang maramdaman yung pagmamahal niyo. Salamat! Enjoy~

PS. Kayo na bahala kung kailan niyo gustong pakinggan yung cover ko ng All Too Well. Gift ko yun sa inyo eh. Sorry kung basag boses ko ah? Just click the external link. Love you guys! :*

PPS. Wala pa po tong edit. Paki-intindi na lang. Salamat!

--

Epilogue

“Ui, bata. Papatuli ka rin?”

Nandito ako ngayon sa may Army Gym. Army kasi ‘yung Tito ko eh. Tapos nakiusap na lang si Mommy at Daddy na dito na lang ako magpatuli. ‘Di pa kasi uso dito ‘yung laser treatment eh. Pero hindi na rin naman ‘to ‘yung traditional na pupukpukin tapos tatalon ka sa ilog. Walang malapit na ilog dito sa Army Gym. Sabi ni Tito, tuturukan daw kami ng anesthesia tapos gagawin na daw nung mga nurse ‘yung mga procedures. Gupit, tahi, etc. Madugo daw eh.

“Oo. Natatakot nga ako eh.”

“Ang bading mo naman.”

“Bading na ba agad kapag natatakot?” Totoo naman eh. Hindi naman porket takot ang isang tao, bading na kaagad siya. Parang sinabi na rin nila na bawal kang matakot. Magiging bading lang naman ‘yung isang tao kapag mababaw lang ‘yung kinakatakutan niya.

“Next.”

“Bata, ikaw na daw.”

Pumasok na ako dun sa loob ng gym. Ang dami rin palang nagpapatuli dito. Lahat kaya sila mga anak ng Army? O katulad ko rin silang mga sabit lang dito at nakikapit lang sa mga tito o basta kamag-anak na Army? Ewan. Pero ang dami talagang mga nagpapatuli. Punong-puno ‘yung gym eh. Pero ‘yung mga nurses dito ay galing sa hospital ng mga Army’s mismo.

Grabe talaga ‘yung batang ‘yun kanina. Feeling close. ‘Di naman kami close. Teka. Ang sama ko na yata. Ewan. Parang baliw kasi amp. Bading daw kaagad eh. Tsk. Hayaan ko na nga lang ‘yun.

“Ui, bata!” Taga-dito pala ‘tong batang ‘to? Sa isang school lang pala kami nag-aaral. Bakit ngayon ko lang siya nakita? Sana nga hindi na lang eh. Joke.

“Oh. Taga-dito ka pala?”

“Oo. Nagulat rin ako na taga-dito ka rin eh.” Parehas lang tayo, pre. Hmm… ‘di pa pala kami pormal na magkakilala ano? Puro ‘bata’ lang ang tawagan namin. Pero, ang galing ah. Naalala niya pa rin ako. Halos isang taon na ‘yung lumipas nung nagpatuli ako eh. Incoming Grade 5 kasi ako nun, eh Grade 6 na ako ngayon.

“Christian nga pala.”

“Thom.” At nag-bro fist kaming dalawa.

Naging magkaibigan kami ni Christian simula nung araw na ‘yun. Lagi na nga kaming magkasama eh. Para na kaming kambal-tuko. Halos kapatid na rin ang turing ko sa kaniya kasi nga wala akong kapatid. Only child ako. Hindi ko naman alam kung bakit hindi naisipan ng mga magulang ko na gumawa ng bago. Oops. Oo nga pala. Nasa ibang bansa si Daddy kaya ‘di sila makagawa. So sad.

Halos magkakuntyaba kami ni Tian sa lahat ng mga kalokohan namin nung Grade 6 pa lang kami. Loko-loko kasi siya eh at madalas pagkatapos ng klase, gumagala kami. Naghahanap ng pwedeng pagtripan. Sa sobrang dami nung mga pinaggagagawa namin, hindi ko na maisip kung alin ba dun ‘yung best memory namin. Halos lahat kasi magaganda eh at malulupit!

I Remember It All Too WellWhere stories live. Discover now