Chapter 9

194 6 5
                                    

Pasensya na kung may mga mali mang type dito sa update na 'to. Minadali po kasi eh. Hahaha! May schedule po kasi 'yung updates ko. Gusto ko lang sundin 'yun para masaya. Hahaha! Tsaka may mga naka-stand by pa po kasi akong stories na susunod dito. :P

New cover nga po pala. --->

Enjoooooooy!

--

Chapter 9

Kung hindi nga naman ako lumaking tanga, eh ‘di sana masaya kami ni Steph ngayon.

Kung hindi nga naman ako ipinaglihi sa torpeng isda, edi sana nasabi ko na kay Steph na mahal ko siya. May torpeng isda ba? Kung meron man, siguro ‘yung ‘yung ulam palagi nila Mama nung ipinagbubuntis niya pa lang ako. Langya kasi eh. Ang laki kong torpe! Sayang ‘yung kapogian ko. Sa isang shokoy—este… Ewan. Anong bang magandang description kay Sam? Sa sobrang lala ng ugali niya, ‘di na ako makaisip ng magandang salita para sa kaniya.

Kung naging matapang lang talaga ako, masaya sana kami ngayon. Siya sana ‘yung kasama ko palagi. ‘Yung mga magulang niya sana ‘yung nakilala ko. At ‘yung mga magulang ko sana ‘yung makikilala niya.

Haay. Saklap lang ng kinahinatnan ng buhay ko. Kahit ayokong gawin ‘yung isang bagay, kailangan eh. Para sa kaligtasan ni Steph. Para sa kasiyahan niya. Martyr talaga ako eh. Pagawan niyo na ako ng dambana, ha? Pakisulat don, “Ang lalaking torpe na hindi naamin sa mahal niya ang nararamdaman niya at namatay na lamang siya dahil sa pagsasakripisyo niya sa pangsarili niyang kasiyahan para sa kaligtasan ng mahal niya.” Oha? Pwede na ba?

Ang hirap maging torpe. Kaya kayo. Kayong mga lalaki diyan! ‘Wag na kayong maging torpe ha? Baka maging ganito din ‘yung kahinatnan niyo. Lalo na ‘yung mga torpeng gwapo diyan! Baka magaya kayo sa akin. Pinag-aagawan pa naman tayo. Tsk tsk.

Pero, seryoso ako. Okay ng may magbago kaysa naman sa hindi mo maamin sa kaniya na mahal mo siya. Tsaka, malay mo! Mahal ka rin pala niya. ‘Di niya lang masabi sa’yo, kasi syempre, lalaki dapat ang nagi-insist, dba? Mas okay na ‘yung may magbago sa inyo kaysa naman umabot ka sa buhay na ganito! Para ka nang pinapatay!

Pero, may nagbago rin yata kay Steph.

“Steph! Smile!”

*flash*

Si Kathleen pala ‘yun. Siya lang naman ‘yung palaging magdadala ng DSLR sa amin eh. Alam niyo ba, nagalit sila sa akin? Nagalit sa akin sila Andrea, Peter, Carlos at Kathleen. Bakit daw ba ako nakipag-break kay Steph. Ang cute-cute daw ng couple namin, ginawa daw nila lahat para maging matatag kami kaso… wala eh. Nauwi rin kami sa wala. Kung pwede lang sabihin sa kanila ‘yung totoong dahilan, sasabihin ko naman sa kanila eh. Kaso, hindi pwede. Sabi ni Sam, “Kapag may ibang naka-alam ng TOTOONG dahilan kung bakit ka nakipag-break kast Steph at kung pano naging TAYO, magpaalam ka na kay Steph.” Haay. Ano bang meron sa kokote ni Sam?

“Patingin ako.”

Nakaka-miss ‘yung boses ni Steph. Haay. Ba’t ba kasi kailangang maging gwapo ako? Tsk tsk. Kahit nga gwapo ako, hindi pa rin ako nagustuhan ni Steph eh. Tama nga ba?

Hindi na palangiti ngayon si Steph eh. I mean, kapag ngingiti siya, parang ngisi na lang. Hindi na tulad ng dati. ‘Yung labas ngipin ‘yung ngiti niya. Ako ba ang dahilan niyan, Steph? Kung ako man, sorry talaga. Kung alam mo lang talaga kung bakit ko ‘to ginagawa… Pero kahit ulit-ulitin ko ‘yun, ‘di mo rin naman malalaman eh. Wala na akong kakampi sa mundo. Si Sam na lang ang natira. Nagalit din kasi sa akin ‘yung parents ko eh. Saklap ng eh.

--

“Thom. Your dad wants to talk to you on the phone.” Cold na pagkakasabi ni Mommy. *gulp* Alam na yata nilang dalawa.

I Remember It All Too Wellحيث تعيش القصص. اكتشف الآن