Chapter 13

166 8 21
                                    

Bear with me. Wala pa akong edit-edit. Hahaha! Enjoy! Mag-comment nga kayo! :(

--

Chapter 13

“Oh, Thom! Ginabi ka yata ah.” Bati kaagad sa akin ni Tian. Buti naman okay na ‘to. Nung iniwan ko ‘to dito eh halos mamatay na siya sa sakit na nararamdaman niya. Pero nakakatuwa kasi okay na siya.

“Buti naman okay ka na.” Sabi ko sa kaniya. Medyo wala ako sa mood eh. Gulong-gulo pa rin kasi ‘yung isip ko. Err.

“Syempre naman! Galing ng magic touch mo kanina eh.” Sabi niya sabay kindat. Yuck. Kaderder. Hahaha!

“Teka. San ka nga pala galing?” Pahabol niyang tanong.  Sasabihin ko ba kung saan ako galing? E-eh. Ayokong sabihin. Tsaka na lang. Masyado pang magulo ‘yung isip ko.

“Nagpahangin lang.”

“Wow. Teleserye lang ah.” Tapos tumawa siya. Ano bang nakakatawa dun? Ewan ko. Baka hindi ko lang talaga feel tumawa kasi nga… ang gulo pa rin ng isip ko. Ni hindi pa nga nasasagot ‘yung tanong sa isip ko eh. But I know that God will find a way. I know he will. Kailangan ko lang maghintay.

“Good night, Papa Thom.” Sabi sa akin ni Tian sabay kiss sa cheeks ko. Langya. Ano bang nangyari sa lalaking ‘to?

Pinunasan ko muna ‘yung pisngi ko bago ako nagsalita. “Hoy! Ano bang nangyayari sa’yo?!”

“Chill. Gusto lang naman kitang kulitin eh. Kanina ka pa seryoso.” Haay. Sabagay tama nga siya. Kanina pa malalim ‘yung iniisip ko. Err. Paulit-ulit na ako eh pero hindi ko pa rin makuha-kuha ‘yung sagot sa mga tanong sa isip ko.

“Ewan ko sa’yo.” Sabi ko na lang sa kaniya. Hihiga na sana ako ng bigla siyang humiga sa higaan ko. Aba! May topak nga ‘tong lalaking ‘to! Tangna.

“Wala pa akong good night kiss?” Sabi niya habang nakahiga sa higaan ko. Tae. Ano bang meron sa lalaking ‘to? At may pa-beautiful eyes pang nalalaman! Jusko. Hindi ko naman alam na ‘yung sipa ni Sam ang magpapabakla sa kaibigan ko.

“Ano bang problema mo? Para kang bakla diyan, Tian.”

“Ikaw naman kasi eh. Ayaw mong ngumiti.” Big deal na ba ngayon ‘yung pagngiti ko? Wow. “’Yun na lang kasi ‘yung naiisip kong paraan para magpasalamat sa’yo.” Aah. ‘Yun naman pala eh! Pero pwede niya naman sabihin sa akin na ‘Thank you’ o ‘Salamat’ para sabihin niya ‘yung greatfulness niya sa ginawa ko.

Pero napangiti ako sa sinabi niya. Nakakatuwa kasi, dba! ‘Yung kaibigan mo ba naman, gagawin ang lahat mapangiti ka lang kahit na magmukha man siyang tanga. Tinataboy ko pa nga siya eh!

“’Yun! Ngumiti ka rin!” Nakakatuwa talaga ‘tong si Christian eh. May pagkaloko-loko kasi. Tsk tsk. Hahaha!

“Oo na. Sige na. Matulog na tayo.” Sabi ko sa kaniya. Umalis rin naman siya sa higaan ko. Buti naman. Hahaha! Mami-miss ko rin ‘tong best friend ko kung nagkataon man. Hahaha!

Pahiga na sana ako eh kaso may biglang nag-text.

Brrt.

From: Sam Castleon

Daan ako diyan bukas ah. Miss you. :*

‘Yun lang. Tsk tsk. Baka may mangyari na naman masama bukas. Jusko po. Tama na. Sobra-sobra na po ‘yung gulong nangyari. ‘Wag niyo na hong dagdagan.

I Remember It All Too WellWhere stories live. Discover now